Arcie's POV
Inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas ng kwarto. Naka-idlip ako kaya hindi ko tuloy namalayan na gabi na pala.
Sigurado akong naka-uwi na si Grithella. Ngayong gabi ang sinasabi nilang uwi niya. Kinakabahan ako. Pagkasabi ko pa nga lang sa pangalan niya ay kinilabutan na ako. Malakas ang kutob ko na hindi niya ako matatanggap. Hindi ko alam kung bakit ko iyan naisip. Basta ko nalang naramdaman. May kakaibang pakiramdam akong naramdaman noong nakita ko iyong kanyang larawan.
Pagkababa ko ay inikot ko sa buong paligid ng sala ang aking paningin. Nagulat na lamang ako ng biglang may nagsalita sa likuran ko.
"Who are you?"
"S-sino ka rin?"
"Hindi ba obvious na magkambal kayong dalawa? Bakit may kambal bang hindi magkamukha? Naku ano bang klaseng pamilya ito? Parang ako lang yata ang may utak na gumagana." napailing iling pa si Darylle sa sinabi niya.
Bakit hindi agad pumasok sa isip ko na siya ang kakambal ko? Parang nakaharap lang ako sa salamin kanina noong nakita ko siya. She actually reflects my appearance pero magkaiba kami pagdating sa taste ng sinusuot.
"So tama nga ako ng iniisip. Anong ginagawa niya dito? Mat—"
"GRITHELLA!!" sigaw ni mama at ate Daniella sakanya. Sa pinapakita niyang reaksyon ay sinasabi niyang hindi pa siya bingi para sigawan ng malakas.
"Grithella, kailan ka ba magbabago ha? Kahit itong hapag kainan man lang ang bigyan mo ng respeto! Hindi ka ba natutuwa na nandito—"
Napayuko ako dahil nagsisigawan sila. Nasa harap pa man din kami ng hapag kainan.
"Ano ulit iyon? Matuwa? Sino? Ako?! At bakit naman ako matutuwa? Sino ba siya para matuwa ako? Dapat nga ay hin—" nagulat ako sa sampal na binigay sakanya ni mama.
Bakit ba ito nangyayari? Akala ko ito na yung pinakamasayang araw para sa akin pero hindi na naman. Umasa na naman ako. Nagkakasakitan lamang sila.
"Pang-ilang sampal mo na ba yan sa akin, ha? Ano bang—"
Hindi na nakapagpigil si papa kaya sinampal niya na rin si Grithella. Bakit ganon? Pakiramdam ko ay hindi bukas para sa akin ang pagkabalik ko. Narinig kong bumulong si Darylle ng 'WAR AGAIN'. Kung ganon ay hindi lamang ito ang first time.
"Dad, how could—"
"Kuya manahimik ka! Hayaan mo silang saktan ako. Sige gawin niyo na ang lahat ng gusto niyong gawin sa akin. Patayin niyo na lang ako kaysa sa paulit ulit niyo akong pinapahirapan. Kailan ba ako naging mabuti sa inyo? Kung gusto niyo akong matuwa dahil nahanap niyo na ang kakambal ko. Sige sasabihin kong natutuwa ako pero yung kahihiyang nagawa niya, bakit? Pwede pa bang linisin iyon? Sabihin niyo nga sa akin."
Anong ibig niyang sabihin? Buong buhay ko wala akong kahihiyan na ginawa. Sinusubukan ng mata ko na tanungin siya kung ano ang ibig niyang sabihin pero deadma lang iyon sakanya.
"A-anong i-ibig mong s-sabihin?" nauutal na tanong ni mama. Parehong nanlumo ang tuhod nila ni ate kaya sabay silang bumagsak sa sahig at napa-upo. "Grithella magsalita ka! Bawiin mo ang sinabi mo. Bawi—"
"Tsk! Bakit may mali? Ikaw! Sobrang nakakahiya ka. Gawain ba ng isang matinong babae ang pumayag na ibahay ng isang lalake? Sagutin niyo ako—" napa-atras ako dahil sa sinabi niya.
Hindi. Hindi ako nagpabahay ng basta basta nalang.
"Oh bakit ka umaatras? 'Di ba,matalino ka? Bakit hindi mo ginamit yang utak mo? Hindi mo ba inisip na pandidirihan ka ng ibang tao dahil sa ginawa mo? Ano—"
![](https://img.wattpad.com/cover/126030978-288-k814622.jpg)
BINABASA MO ANG
Unexpected Love Story
JugendliteraturKilalanin si Arcie Santos, ang ampon ng pamilyang Santos. Magdudusa't maghihirap marahil ay kinakasuklaman ng ina-inahan na madalas niyang tawaging 'anti'. Kilalanin naman natin si Kyle Lheir Blythe, ang kababata ni Arcie. Siya ang dahilan kung bak...