Chapter 4: Angel In Disguise

191 48 2
                                    

ARCIE

"Are you serious? Gosh! How true? I can't really believe you. Arcie, hindi nakakatawa, ha. I hate you. You're a story maker. How could you?"

Maging si Cass ay hindi makapaniwala sa nangyari kanina. Ikinuwento ko sa kaniya ang buong pangyayari. Walang labis, walang kulang. Hindi rin naman ako makapaniwala sa nangyari, e. Hindi ko inaasahang halikan niya ako.

"Anong ginawa mo nong hinalikan ka niya? Did you pushed him away? Slapped his face? Kicked his ball? Kissed him back?"

"Iw? Are you serious? Tinulak ko siya at nagmadaling umalis. Hello? Ang awkward ng atmosphere namin. Alam ko ba kung ano iyong Bulugoy na iyon."

"Gosh, Arcie. Hindi mo alam ang Bulugoy?"

"Bingi ka ba?"

"Iyon yung hindi pa natutuli. Sinabi mo iyon sa kaniya, right? So, sinabi mong bakla siya. Ang Bulugoy kasi ay gay word. Ngayon alam mo na."

"Big deal na iyon sa kaniya?"

"Big deal talaga iyon, Arcie kasi lalaki siya. Lalaking lalaki. Okay ka lang?"

"Bakit niya ako hinalikan?"

"Para patunayang hindi siya bakla."

"Whatever."

Naalala ko kung paano niya ako hinalikan kanina. Geeze. Hindi na virgin ang labi ko. Paano ko na lang kaya siya haharapin bukas?

"Cass, tell me, what should I do?"

"Ai, ang over acting? Halik sa labi lang iyon. Hindi ka mabubuntis niyan."

Napatiklop ako ng bunganga. Hindi ko na siya makausap ng matino. Tutok na tutok na siya sa laptop. May kachat na naman siguro sa Facebook.
Napatitig ako sa kisame. Hindi na mawala sa isip ko iyong nangyari. Nakakaramdam ako ng kiliti sa tiyan. Is this love? Ito iyon e. Ganito iyong nabasa kong nobela.

Dalawang araw ko pa lang naman kilala si Kapre kaya malabo. Pero bakit naiisip ko siya? Hindi ko siya papansinin bukas. Manigas siya. Pagsisihan niya iyong ginawa niyang karahasan sa akin. Pinagsamantalahan niya ang labi ko.

"Kung anu-ano na ang iniisip mo, Arcie. Naku! Huwag kang malikot matulog, ha? Ihuhulog talaga kita."

Kaninang pag-uwi namin ay wala na ni isang gamit sa dati kong kuwarto. Gagawin daw kasi ni Anti na tambakan iyon ng mga lumang gamit. Malawak itong kuwarto ni Cass. Sana talaga ay magtuloy tuloy na ang kabaitan ni Anti.

Gaya ng nangyari kahapon ay nakahain na ang makakakain sa lamesa. Wala si Anti. Maaga na naman siyang umalis. May iniwan lang siyang sulat na nakapaskil sa ref. Napamura ako sa gulat nang gulatin ako ni Cass. Gising na rin pala siya.

"Maaga na namang umalis si Mama. Sino kayang inspirasyon non? Naninibago na talaga ako sa kaniya."

"Sinapian yata ng anghel. Bumabait e."

"Maaga rin tayong papasok ngayon kaya bilisan nating gumalaw."

"Ai? Nagsalita ang mabilis gumalaw."

Nakarating kami sa school ng maaga. Walang imahe ni Kapre na nagpakita sa amin. Napasimangot tuloy si Cass kanina dahil hindi libre ang kanyang pamasahe. Iyong akin kasi ay nilibre na nong driver ng tricy na lagi kong sinasakyan.

Naghiwalay kami ng direksyon nang papasok na siya sa kanilang silid. Nag-usap lang kami sandali bago umalis. Wala pa namang masyadong tao. Umupo ako sa isang bench na malapit sa field. Tinanaw ko ang buong bahagi nito at sobrang lawak nga.

Unexpected Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon