Arcie's POV
Pagkatapos ng spin the bottle game namin kagabi, nagliwaliw na muna kami sa paligid ng beach. First time kong makapunta dito kaya nilulubos ko na. Ang ganda ganda kaya ng view. Maingay yung pag-agos ng tubig sa baybay at nasabayan pa ito ng maingay na huni ng mga ibon. Kakaiba ito sa mga napuntahan kong pasyalan.
May night swimming kasi na gaganapin mamaya kaya maski ang two piece na gagamitin nila yanna ay pinaghandaan nila. Yan nga yung topic nila eh kaya hindi nalang ako umiimik. Ano namang sasabihin ko sakanila? Eh hindi pa naman ako nakasuot ng two piece thingy na yun.
"What color will you use, Cass?"
"Ahm, black? E, ikaw?"
"Iyong red crossed-back na two piece ko."
Tuluyan ko na silang iniwan. Out of place kasi ako sakanila. Kung mag-nnight swimming sila around the bonfire mamaya edi magkulong nalang ako sa kwarto.
Napadpad ako sa isang lugar na sobrang tahimik. Hindi rin naman kasi nila nararamdaman yung presensya ko. Umupo na muna ako sa isang upuan na kahoy lang tapos napintahan. Baka secret place naman ito? Ang ganda pa ng view lalo na kapag nasasabayan ito ng preskong hangin.
Madaming nagbago kasabay ng paglipas ng panahon. Wala siguro ako dito ngayon kung hindi ko nakilala si kapre. Maraming nagbago sa buhay ko simula noong nakilala ko siya. Simula noong dumating siya sa buhay ko. Lahat naman kasi ng bagay ay may dahilan kung bakit nangyayari ang mga pangyayaring hindi natin inaasahang mangyari. Tumayo na ako at nagsimulang maglakad. Baka kasi hinahanap na ako ng mga yon.
Nagsimula na pala silang lumangoy. Yung iba naman nasa bilugan na ng bonfire. Naka-two piece yung mga classmates kong babae including yung tatlo. Ang sesexy naman nila tapos mas lalong lumitaw yung mga kagandahan nila. Yung mga lalake naman, naka sando sila tapos beach pant. Ang lakas lakas ng tawanan nila. Halatang sobrang saya nila. Nakatingin lang kasi ako sakanila. Nakashirt kasi ako tapos yung naka-short lang. May isa pa akong short na pwedeng gamitin bukas .Hindi din naman kasi ako marunong lumangoy kaya pasok nalang ako sa kwarto.
"Okay let's start the game. Nandito na si Arcie. Arcie come here!!" Napatigil ako sa paglalakad dahil sa pasigaw na tawag ni Barbie.
Lumapit ako sa kanila. Sumali nalang ako dahil baka sabihan nilang killjoy ako. Pasado alas-sais na ng hapon.
"Hey!!!" bulong ni kapre sa akin pagkaupo ko sa tabi niya. Nginitian ko nalang siya tsaka tumingin sa bote. Spin the bottle na naman kasi.
"Himala yata at hindi ka na nakapajama." bulong niya ulit sa akin. Napa 'tch' nalang ako sakanya at saka tinapunan ng masamang tingin. Kahit kailan insulto talaga.
Nagsimula na yung laro. Pinapanood ko nalang sila at saka hindi pa naman kasi ako naituturo nung bote. Tignan mo nga naman, maski pagkakataon ay dinadamayan ako.
Inaantok na ako. Nasa kalagitnaan na kami ng laro nang biglang tumayo si kapre.
"Iihi lang ako."
"'Dre baka hindi lang ihi ang ilabas mo! Bwahaha!" tumatawang sabi ni Ivan.
"Gago!" singhal ni kapre at inambangan ng suntok si Ivan.
Sinundan ko siya ng paningin habang playo siya ng palayo.
"Hep- it's my turn to give him my consequence." sabi ni Cass kay Mitz. Pinahirapan kasi nitong si Mitz si Cass kanina. "Maghanap ka ng puting buhok. Dalian mo ah bibilangan kita." natutuwang sabi ni Cass. Pinahirapan niya nga talaga. Saan naman yun kukuha ng puting buhok?
"Buti na lang nandito si Lea." Nakangising sabi ni Mitz tsaka inabot ko cass yung mga puting buhok na kinuha niya sa ulo ni Lea. Humalakhak pa siya ng tawa na ikinainis ni Lea. Si Cass naman ay bahagyang napanganga.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love Story
Teen FictionKilalanin si Arcie Santos, ang ampon ng pamilyang Santos. Magdudusa't maghihirap marahil ay kinakasuklaman ng ina-inahan na madalas niyang tawaging 'anti'. Kilalanin naman natin si Kyle Lheir Blythe, ang kababata ni Arcie. Siya ang dahilan kung bak...