Chapter 7: The kiss

167 43 1
                                    

ARCIE

Last period na namin ng hapon. Papunta kami ngayon sa ART ROOM. Iba kasi itong school na ito. May almost 10 sections per grade na nga lang eh bakit kailangan pa naming magkalat upang hanapin yung LAB Room, Music Room, Dance Club, Art Room and etc.

Malapit na ako sa art room nang biglang may humila sa akin saka ako dinala sa isang madilim na lugar. Kinabahan ako at nanginginig. Paano kung rapies ito? Hindi ko alam kung nasaan kaming dalawa. Agad din niyang tinanggal yung kamay niya na nakabalot sa bunganga ko nong marinig niyang nawala na yung presensya ng mga babaeng humabol sa kaniya.

Ang lapit ng mukha niya sa akin. Hindi ko ito makita pero nararamdaman ko. Bigla ko siyang tinulak kasabay naman ng pagbukas ng ilaw. Nandito kami sa janitor's room.

"Aray!" Namilipit siya sa sakit kaya agad akong lumapit sa kaniya. Omygosh! Si RENZ? Yung crush ko??

"Sorry! Akala ko kasi..." Natigilan ako dahil nakatingin siya sa akin. Hindi ko maalis ang mata ko mula sa mata niya dahil para itong nakamagnet. O.M.G bakit parang kinikilig ako?

Palapit ng palapit yung mukha niya sa mukha ko. Napapikit nalang ako hanggang sa maramdaman kong dumampi ang labi niya sa labi ko.

One....

Two....

Three....

Four....

"Sinong nandiyan? Buksan niyo ito. May tao ba diyan? Naku! Malalagot kayo. Bawal ang istudyante diyan."

Pawang nabingi ako sa nangyari. Nakapikit parin ako at nararamdamanko ang hininga niya sa mukha ko. Pakisampal ako, hinalikan ako ni RENZ ORTEGA.

Alam kong isa siya sa mga barkada ni kapre, posible kayang may gusto siya sa akin? Hinalikan niya ako. Hindi kaya nagseselos siya dahil sa iisang bubong kami nakatira ni kapre? Anak ng... Ano ba naman yang imahinasyon ko?

"I'm sorry.... Nadala lang ako."

Binasag niya ang katahimikan na namamagitan sa amin. Anak ng... Hindi ko ginusto yung ginawa niya lalo na iyong sinabi niya.

Napunit ang puso ko. Grabe. Nasaktan ako.

"Kung hindi pa kayo lalabas diyan mapipilitan na akong buksan tong pinto." banta ulit nong si manong janitor.

"Diyan ka na dumaan sa pinto. Doon na ako sa bintana diyan sa likod." mahinang sabi niya. Eh paano kung masugatan siya? Anong gagawin niya, aakyatin niya?

"Dito ka nalang din baka--"

"Sa office tayo mapupunta."

Hindi na ako sumagot pa. Sinigurado ko muna na nakalabas na siya bago tuluyang naglakad palapit sa pinto.

"Isa..." Pagbibilang nung janitor. Hindi ba siya marunong maghintay?

"Dalawa..."

"Tat--"

"Akala ko po kasi locker room. HEHE!" Palusot ko. Tumingin ulit ako sa loob at wala na doon si Renz. Dumaan talaga siya sa likod.

"Wala ka bang kasama diyan sa loob? Sandali ichecheck ko." Pumasok na siya sa loob. "Wala nga." sigaw niya at tuluyan na akong umalis.

Napahawak ako sa labi ko. Bahagya akong kinabahan dahil baka sabihin niya sa barkada niya lalo na kay kapre.

***

Renz's POV

"AWW!!" Sobrang namilipit ako sa sakit. Naitama sa bakal na hindi ko alam iyong batok ko nong tinulak ako ni Arcie tapos nung tumalon ako sa bintana ng janitor room na iyon ay naitama naman sa bato itong tuhod ko.

Unexpected Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon