Chapter 40: HILLARI MARK PEREZ

82 24 0
                                    

Brithella's POV

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumama sa mukha ko. Awts! Ang sakit ng mata ko. Dumiretso na agad ako sa CR at nanalamin. Ang laki ng eyebags ko. Naalala ko yung nakita ko kagabi, iiyak na sana ako pero mas lalo akong pumapangit. Argh! Ang sakit ng ulo ko. Anong oras na kaya?

Gosh! Aabsent kaya ako?

Naghilamos nalang ako 'saka bumalik na ulit sa kwarto ko at humiga.

Nasan kaya 'yung cellphone ko?

Aist kapre naman, anong nangyayari sa relasyon natin?

"Iha, labas ka na muna dyan kakain ka pa."

"S-sige po."

Ang sakit ng mata ko. Pakiramdam ko kilo-kilo ang laman nito. Mas lalong sumasakit kapag napapapikit ako.

Kahit kailan wala talagang pakisama 'tong tyan ko. Gutom na naman ang mga alaga ko.

Kahit na tinatamad akong lumabas ay nagtyaga ako para sa ikauunlad ng ekonomiya ng tyan ko.

"Oh! Pinagtimpla na kita ng pampainit ng tyan mo." Inabot sa akin ni nanay 'yung tinimpla niyang gatas. "'Di ka papasok?"

Uminom na muna ako. "Ahm nanay naman eh. 'Yung mata ko oh magang maga."

Nilapag niya sa mesa 'yung prinito niyang hotdog at itlog. "Anong connect?" Kinuha niya 'yung ketchup. "Nag-aaway ba kayo ni Kyle?"

"'Di ko alam nay, siguro kailangan na muna naming magpahinga."

"Nag-aaway ba kayo?" Tanong niya ulit.

"Nay nakita mo 'yung phone ko?" Pag-iiba ko sa usapan.

"Nandyan lang 'yan sa kwarto mo. Nag-aaway ba kayo?" Naahh! Ang kulit naman ni nanay eh.

"Alam mo naman po kung gaano makamandag ang tukso nay 'di ba? Ang mahirap kasi, 'yung kapatid mo ang kalaban mo."

"Nag-aaway ba kayo?"

Naahh! Hindi ko talaga matatakasan ang tanong ni nanay. Okay sasagutin ko na.

"Hindi nay pero mag-aaway palang kami."

Kinuha niya muna 'yung baso ko. "Pag-usapan niyo 'yan, hindi maganda 'yung puro away." Sabi niya 'tsaka tumalikod na.

Kahit naman eh.

Wala din ba si Grithella?

Hindi na naman siguro umuwi 'yun.

Kumain nalang muna ako. Bago ako pumasok sa kwarto ko hinugasan ko muna 'yung pinagkainan ko.

"Aist!!" Napahiga nalang ako sa kama at gumulong gulong. "Kapre miss nakita."

Bakit wala ka paring text or tawag?

Nawawala pala 'yung cellphone ko.

Nasan kaya 'yun?

"Allysa?"

"Po?"

"May bisita ka."

"Sino daw po?"

"Diko kilala, harapin mo nalang gwapo eh."

Lokaloka talaga 'tong si manang. Tatlo kasi ang kasama namin dito sa bahay. Si nanay,si manang 'tsaka si ana.

Hindi pa man ako nakakababa sa hagdan ay nakita ko na si, ANO NA KASI ULIT YUNG PANGALAN NIYA? 'Yung lalaking tumulong sakin kagabi. Papasok na sana ako sa kwarto ko pero---

Unexpected Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon