Brithella's POV
Kanina pa akong lutang. Naglalakad na mag-isa sa hallway. Napaaga naman 'yung tulog ko kahapon, nakalimutan ko pa ngang kumain eh pero bakit? Bakit ang laki laki ng eyebags ko? Hindi naman ako nagpuyat. Hustisya naman. Unfair. Unjustify. Mas dinaig ko pa 'yung isang araw na walang tulog sa itsura ko ngayon eh.
"Hi Allysa. Okay ka na ba?"
"Oo nga. Kamusta ka na?"
"Uhy, sorry ah?"
"'Yung kambal mo, kamusta na siya?"
"'Wag ka sanang magalit sa amin, ah?"
Naguguluhan ko silang tinapunan ng tingin. Concern ba sila o naghumahagilap ng ichichismiss?
Umalis nasina Grithella at Mark. Nasa Canada na silang dalawa kasama iyong mga kaibigan ng kambal ko.
"Ano ba yan Scarlet! Natrauma na ngalang 'yung tao, tinatanong mo pa." Agad na tinapunan ng masamang tingin ni Paulyn 'yung mga nagtatanong kanina.
"Oo nga. Tabi! Papasok na kami." Sabi ni Nicole with matching irap. Wala namang nagawa 'yung mga nagtatanong kanina kung 'di ang umalis.
"Ohy Arcie! Okay ka na ba?" Mendy asked with her sincere voice.
"Oo naman." I quick answered.
"We have something to tell you, eh. Pero 'wag kang mabibigla ah or magagalit." Hinawakan ni Mia 'yung kamay ko tsaka bahagyang pinisil.
"Kasi we saw Kyle with someone kahapon sa mall." Pagkasabi ni Nicole ay lumungkot siya at napayuko.
"Hindi naman naming intensyong saktan ka or pagselosin ka pero nakaka-inis talaga eh. Lalo na 'yung babae. My ghad! Parang linta."
"Mendy, don't say that okay?" Bumuntong-hininga ako tsaka isa isa silang nginitian. "Alam kong nasasaktan kayo, gano'n din ako. Mas lamang ngalang pero wala din akong magagawa eh. Masakit? Oo naman. Sobra."
"You mean, alam mo pero hinayaan mo?"
"Oo Nicole alam ko kasi harapan pa mismo. Kung iniisip ako ni Kyle, hindi siya papayag pero dahil umiyak 'yung babae sa harap namin, naawa siya? Ewan ko basta nalang siyang pumayag."
"Gosh!! Pero alam ba nong girl na ikaw ang GF?"
"Oo Mia. Pero parang special kay Kyle 'yung babae eh. Ahm sige mauna na ako."
"We hope you're really okay, Arcie. Nasasaktan din kami para sa iyo."
Nginitian ko sila ng ngiting kaya kong ibigay. 'Yung ngiting hindi ako nasasaktan. "Thank you."
Naglakad na ako patungo sa room. Nahagilap ng mata ko si Lot. Nakatingin sa akin at ngumingiti. Hindi pa man ako nakakalapit ay may tumawag na sa akin.
"Babe!"
Bumuntong-hininga ako. Inakbayan niya ako ng makalapit na siya sa akin. Inilinga ko muna ang paningin ko kung saan ko nakita si Lot kanina pero wala na siya.
"May hinahanap ka ba, babe?"
"A good friend of mine." Casual kong sagot.
"Sina yanna ba?" Umiling ako. "Then who?"
"I have a lot of friend, Kyle. Stop asking, will you?"
Tinanggal ko ang pagkaka-akbay niya sa akin 'tsaka naunang naglakad. Agad niya naman akong hinabol.
"Babe, I'm sorry. I know you're mad but ---"
"Look, I don't want to talk about it, Kyle! Everything is cleared. Don't think as if I was hurt because first of all, we're not in relation. Stop calling me babe. It's disgusting."
BINABASA MO ANG
Unexpected Love Story
Teen FictionKilalanin si Arcie Santos, ang ampon ng pamilyang Santos. Magdudusa't maghihirap marahil ay kinakasuklaman ng ina-inahan na madalas niyang tawaging 'anti'. Kilalanin naman natin si Kyle Lheir Blythe, ang kababata ni Arcie. Siya ang dahilan kung bak...