BRITHELLA
Maingay ang paligid saka ang tanging nagpapaliwanag dito ay ang nagtataasang ilaw na nakapalibot sa sa puno ng mga Pine tree.
Kami pala ang nanalo dahil sa kakaiba ang booth na ginawa namin.
Geeze! Kinikilabutan ako sa mga couples na sobrang PDA. Laplapan everywhere. Nakasuot ako ng costume ni white lady. Si kapre? Hindi ko alam, vampire yata?
Napalinga ako sa paligid nang marinig kong isinisigaw ni Yanna ang costume ko.
"Shunga! Iba si sadako kay white lady Yanna. Hay naku!"
Si Yanna, Gly at Cass ay nakasuot din gaya nitong akin. Tapos yung mga boys ay naka vampire suit sila. Tapos sina Gretha? Naku nakawitch costume sila. Fit na fit nga nila eh. Humiwalay na yung tatlo sa akin at hindi ako pwedeng sumama sakanila dahil nagbabantay ako.
Sobrang ingay ng paligid. May mga sari-sarili silang mga mundo. Nagulat nalang ako nang may yumakap sa akin patalikod.
"Busy sila. Tayo rin kaya?" bulong niya. Kinilabutan ako sa sinabi niya at sandaling sumulyap sa paligid at napagtanto ko na naman na busy nga talaga ang ibang students.
"Shut up ka nga kapre!!" pabalik kong bulong sakanya. Pinatong niya ang baba niya sa balikat ko saka ako niyakap sa bewang. Can you imagine it? Nakaramdam pa ako ng nagsisi-akyatang dugo mula sa kuko ng paa ko pataas sa tuktok ng buhok ko.
"Ang sweet kaya nila... nakakainggit." sabi niya saka ngumuso. Kalalaki niyang tao tapos maiinggit siya. Aba!
"Kapre... a-ano!!" Bigla niyang hinalikan ang tenga ko. Argh! Ayoko ng ganyang gawain. Naiirita ako at naiilang.
"Hmm ambango ng asawa ko ngayon."I mbes na sumaya ako dahil sa sinabi niya eh lalo akong nabwisit.
"Ngayon lang?!" Naiinis kong tanong. Hello! Ilang months na kaming magkasama tapos ngayon niya lang yan sasabihin sa akin! Nakakainis kaya yun. Ngumiti nalang siya saka umiling.
Gusto niya ng moment, ha! Sige pagbibigyan ko siya. Humarap ako sakanya saka humawak sa leeg niya. He leaned down his head and he kiss my lips. Ganon din ang ginawa ko. Naguguluhan ba kayo sa relasyon namin? Hindi ko siya boyfriend at hindi niya ako girlfriend but I treated him as my boyfriend and he treated me like his girlfriend. Walang kami pero mahal na mahal namin ang isa't isa. Bagong pauso.
Pagkatapos ng kissing scene namin, pumasok kami sa loob ng booth na ginawa namin. Kakain na kasi kami, gutom na kaya ako.
"Kapre, ang cute ni Renz sa suot niyang vampire suit ano?"
Kung nandito lang talaga kayo tapos makita niyo kung ano iypng suot ni Renz ay tiyak kong mahuhulog kayo sakanya. He is so damn 'cute' in my eyes.
"Tsk! Walang wala naman siya sa paa ko tsaka mas cute pa yung aso ko dyan!"
"Teka nagseselos ka ba?
"Alam mo namang may gus---"
"Oo na. Kain na tayo okay?"
**********
GRITHELLA
"What a slut slush whore! Tsk tsk tsk!"
"Bakit hindi mo pa kasi agawin si Kyle?"
"Kaya ka natatalo eh, hinahayaan mo kasi."
Bumuntong hininga ako sa sinabi ng mga kaibigan ko. Paano ko ba ito sasabihin sakanila? Ang hirap kasi ng ganito. Sa iisang bahay lang kami nakatira ng kinakasuklaman kong tao, pakiramdam ko pa minsan ay nahihirapan akong huminga sa tuwing pinapahirapan ko siya pero kapag nakikita ko siyang masaya ay kumukulo ang dugo ko.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love Story
Fiksi RemajaKilalanin si Arcie Santos, ang ampon ng pamilyang Santos. Magdudusa't maghihirap marahil ay kinakasuklaman ng ina-inahan na madalas niyang tawaging 'anti'. Kilalanin naman natin si Kyle Lheir Blythe, ang kababata ni Arcie. Siya ang dahilan kung bak...