Arcie
Nasa kalagitnaan na ako ng aking magandang panaginip nang makarinig ako ng tatlong katok na nagmumula sa pintuan. Sa halip na bumangon ako ay mas dinamdam ko ang aking pagkakahiga sa malambot na higaan. Nakakainis naman. Hindi ko na tuloy maalala kung anong katuloy.
"Arcie!!!" Nagising ang aking diwa nang marinig ko ang malakas na sigaw ni Anti. Babangon pa lang sana ako nang makapasok na siya sa loob. Hindi ko iyon namalayan kaya laking gulat ko na lamang.
Naubo ako at hinagod ang baga ko. "Anti naman po! Bakit mo naman po ako binuhusan ng tubig?" Dali dali akong tumayo at kumuha ng panyo pamunas sa basa kong mukha. Hindi lang 'to ang unang beses na ginawa ni anti 'to sa 'kin. Wala akong ibang magawa dahil natatakot akong magalit siya sa akin at baka palayasin niya pa ako dito sa bahay. Nirerespeto ko rin siya at may utang na loob ako, kaya hindi na lang gano'n basta kadali ang makaramdam ako ng galit sakanya. Hangga't kaya ko pang magtimpi ay magtitiis na lamang ako.
"Aba aba! Nagrereklamo ka pa talaga, ha?! Tanghaling tapat na pero nandya'n ka pa at nakahilata. Aba, sa'n ka kumuha ng kaswertehan aber, hah?" Napakamot na lang ako sa ulo at tinignan 'yung orasan.
"Anti naman eh! Alas singko pa lang po oh 'tsaka mamayang seven pa 'yung klase ko," sabi ko 'tsaka humiga ulit sa kama at nagtaklob gamit ang malaki kong unan at kumot. Napuyat kasi ako kagabi dahil madami siyang pinagawa at dahil sa natulugan ako ng maantukin kong pinsan edi nakatulog din ako ng kaonti lang ang nagawa naming pastillas.
Parang sideline job ko na iyong paggawa ng mga pastillas. Isa rin iyon sa negosyo ni Anti.
"Kung hindi ka pa babangon dya'n ako na mismo ang kakaladkad sa'yo! Bumangon ka na." Ang kulit talaga ni anti. Aist! So ayon no choice ako kaya sapilitan akong bumangon with padabog move pa.
"Napuyat na nga lang ako kagabi eh!" inis kong bulong sa'king sarili.
"May sinasabi ka ba, hah!?" Nasa labas na siya pero narinig niya parin 'yung binulong ko sa sarili. Nakakatakot talaga ang pandinig ni anti. Kinilabutan pa ako. Pero kadalasan talaga ay nagiging alien siya.
"Ah ang sabi ko po ay bababa na ako!" Pabalik na sigaw ko. Hindi kaliitan at hindi kalakihan 'tong kwarto na binigay ni anti sa akin, 'yung talagang sakto lang sa'kin at sa mga gamit ko.
Maganda kaya sa Blythe University? Do'n na kasi ako in-enroll ni Cass. Sa totoo nga eh ayaw ko pero pinilit niya ako. Galit na galit nga si anti nu'ng nalaman nya eh kesyo nga daw dagdag gastusin pa.
May tinuturing akong pinsan. Best buddy ko rin siya. Karamay sa lahat ng problema.
Mga ten years old ako nu'ng nalaman kong ampon lang ako at nu'ng mga panahon na 'yun ayaw pa sa akin ni Cass. Oo ayaw niya sa'kin noon pero nu'ng namatay si papa bigla na lang siyang bumait sa'kin. Ang sabi pa daw ni papa ay nakita niya lang daw ako sa loob ng kanyang truck. Ipinagbilin daw kasi ni papa na dapat ay mahalin ako ni Cass at ituring na parang tunay na kapatid. Namatay si papa dahil sa CAR ACCIDENT. Ang hirap tanggapin na sa ganu'ng paraan nawala at natapos ang buhay niya. Madami pa akong pangarap na gusto kong matupad para sakanya. Si papa lang ang naging kakampi ko nu'ng panahong pakiramdam ko ay ang buong mundo ang kaaway ko. Sa pagkaka-alam ko pa ay may dalawa pang anak si papa. Hindi ko lang alam kung nasaan na sila ngayon.
13th birthday namin ni cass noon at nagpahanda si anti, para kay Cass nga lang. Hindi pa maayos ang lahat noon. Wala akong official na birth certificate na isang naging dahilan kung bakit walang tumanggap sa akin na mga public schools. Sa DNHS kasi, hindi nila ako kayang tulungan dahil kulang kulang ang birth certificate ko. Ang sabi pa nila, peke pa daw kasi 'yun. 'Buti nga lang balewala lang 'yun sa BU. At dahil scholar ako, handa silang tumulong.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love Story
Teen FictionKilalanin si Arcie Santos, ang ampon ng pamilyang Santos. Magdudusa't maghihirap marahil ay kinakasuklaman ng ina-inahan na madalas niyang tawaging 'anti'. Kilalanin naman natin si Kyle Lheir Blythe, ang kababata ni Arcie. Siya ang dahilan kung bak...