Brithella's POV
"W-wala daw siyang g-girl thing." Umiwas siya ng tingin. Namumula 'yung pisngi niya. "Basta hintayin mo ako."
Lumabas na siya. Nakakahiya! Kung namumula si kapre, mas namumula din ang pisngi ko. Umiinit pa. Ano nalang kaya ang iisipin ng mga nagtitinda? Baka naman sa grocery store pa 'yun bumili, tapos isang buong napkin 'yung binili niya.
Mayamaya'y biglang bumukas 'yung pinto. Hinihingal siya at pinagpapawisan.
"Babe, sorry natagalan ako. Isang pack sana ang bibilhin ko pero baka masyadong mahaba ang pila sa mga grocery stores. Sorry babe, dyan ko lang binili 'to." Tinaas niya 'yung binili niyang napkin tsaka inabot sa akin. "Babe, hindi ako sure kung girl thing 'yan. Ang sinabi ko kasi do'n sa tindera, eh pabili ako ng pantapal." Hindi ko magawang matawa sa itsura at reaksyon niya kahit na, tawang-tawa na ako dahil mas lumilitaw 'yung nararamdaman kong kahihiyan.
Napapikit ako sa inis 'tsaka kinuha 'yung binili niya.
"Babe---" Ayan na naman 'yang adams apol niya, bababa tapos tataas din agad. "Eh kasi... I heard mom and Ley talking before..." Umiwas siya ng tingin at lumunok na naman. Hindi niya alam kung sasabihin niya ba o hindi. Alinlangan ang kinikilos niya. "Kapag natagusan ka daw... You have to used another---" Tumikhim siya at pumikit.
"Another, what"
"Babe, basta. Kailangan mong gumamit ng bagong underwear. Hindi daw mabuti sa kalusugan mo kapag---"
Juiceme! Lalaki ba 'tong kaharap ko? Mas marami pa siyang alam eh. "Oo na. Manahimik ka na. Pahiram akong CP mo. Tatawagan ko si nanay."
Inabot niya sakin 'yung CP niya. Kasi nga wala akong load.
Umabot hanggang tatlong ring bago nasagot ni nanay.
[Aba't sino naman 'to? Kung mangungulit ka, aba'y madami pa akong traba---]
"Nay, ako to. Si Arcie!"
[Ah, gano'n ba? Ah eh, bakit ka naman napatawag?]
"Kasi nay, kailangan ko ng..." Nilingon ko si kapre kung nakatingin sa akin. 'Buti nalang at hindi. Lumayo pa ako ng kunti sakanya. "Kailangan ko po ng extra panty, nay---"
Hininaan ko na ngalang 'yung boses ko, bibingiin pa ako ni nanay. Sinigawan niya ako. Ang sakit sa tenga.
[Aba'y, anong kalokohan na naman---]
"Nay, natagusan po ako. Okay?"
[Ah, gano'n ba? Teka, first day?]
"Opo."
[Naku! Hindi magandang pangitain 'yan. Umuwi ka nalang muna at bukas ka na pumasok.]
"S-sige nay."
Siya na ang pumutol sa tawag. Bakit ko naman kailangang umuwi pa? Hindi daw magandang pangitain.
"Oh!" Iniabot ko 'yung cp niya. "Kailangan ko daw umuwi."
"Hah?"
"Hindi daw magandang pangitain sabi ni nanay."
"Sige. Magpapaalam lang ako kay daddy."
Bakit naman kasi ngayon pa?
"Dad?"
[Son, I'm busy right now. Is something wrong?] Naka-loud speaker.
"Dad, we have to go home. Please tell---"
[Son, It's not that easy. Hindi porket sa atin 'yang school, eh you can do what you want.]
BINABASA MO ANG
Unexpected Love Story
Roman pour AdolescentsKilalanin si Arcie Santos, ang ampon ng pamilyang Santos. Magdudusa't maghihirap marahil ay kinakasuklaman ng ina-inahan na madalas niyang tawaging 'anti'. Kilalanin naman natin si Kyle Lheir Blythe, ang kababata ni Arcie. Siya ang dahilan kung bak...