Chapter 37: The balik-bayan

81 26 1
                                    

BRITHELLA

AFTER TWO MONTHS

Yes February na ngayon. Masyado bang mabilis? Well, kung tatanungin niyo ako about sa kung anong nangyari 2 months ago. Still strong at on going pa rin ang relasyon namin ni kapre. Wala kaming monthsary ni kapre. Bukod sa korny para sa aming dalawa, dapat anniversary ang icecelebrate namin balang araw. At mangyayari lang 'yun kapag ikinasal na kami.

Nagdedate lang kami dito sa meadow ng village. Pansin ko nahihiya siya ngayon sa akin. Tsk! Ngayon lang yata eh. Kapag dumadalaw siya sa bahay, lagi siyang may pasalubong para sa akin at para kay Darylle. Hayaan mo na si Grithella, hehe. Open na rin siya sa family ko.

About kay Gritella, nilalapitan niya pa rin naman si kapre lalo na kapag dumadalaw siya sa bahay pero alam ko namang pinapaselos lang ako ni Grithella so hindi na yun bigdeal sa akin. Malapit na ang prom namin. Sa february 14 na. And surprisingly sa Hotel De Prevano La Ketlelee 'yun gaganapin. An executive hotel and kina LANCE din kasi yun. 10 sections kaya kami kaya sobrang dami namin, mga 300+.

"Kapre?" Tawag ko sa kanya. Nakahiga kasi siya sa hita ko habang nagfefacebook sa phone niya. Madalas na din yung pagtawag ko ng kapre sa kanya since ako lang naman ang tumatawag sa kanya niyan."Gusto ko ako lang dapat isayaw mo sa prom ha?"

"Automatic na yan, babe."

"Kapag isayaw ako ng mga bestfriends mo, okay lang naman ba?"

"Oo naman, babe at bakit hindi kung silang apat lang naman?" sabi niya habang tumatawa. "Kailangan ko 'ding isayaw 'yung mga kaibigan nating babae babe." Maya'y dagdag na usal niya.

"Potek!! Bitin!!!" bulong niya pero dahil malakas ang pandinig ko ay narinig ko.

Bitin saan? Don't tell me nanonood siya ng RATED SPG sa phone niya. Napalunok tuloy ako. I know na normal sa kanila yan kasi lalaki siya but sa harap ko pa talaga? Likas nga talaga.

Anak ng...

"Saan ka pala magbabakasyon after our graduation?" Maya-maya'y tanong niya. Hindi na muna ako umimik.

Paano ko sasabihin sa kanya na sa Canada? No'ng christmas kasi umuwi sina lola at lolo, mother and father ni mama. First time ko silang makita at makasama and they want to spend the summer vacation with me so, I can't reject them but I can't leave kapre also. Hindi ko kaya.

Si ate Daniella naman ay nahanap niya na yung right guy for her at si kuya Zaire 'yun. What a small world nga naman. Sobrang nagulat nga ako eh.

Malapit na rin kaming magtapos. Ang hirap magdecide. So to think of it parang mawawalan na ako ng time for kapre. Tapos kapag college life na, maiiba na lahat. Hindi ko nga alam kung kami pa kaya ni kapre kapag college na kami.

"After graduation uwi na muna sila mommy dito sa village. 4 months na kasi si baby Kyla."

Lalo tuloy akong hindi makaimik. Naiiyak kasi ako dahil sa sinasabi niya. Yung kalahating oras pa ngalang na hindi namin pagsasama at pagkikita ay nahihirapan na kami tapos yung bakasyon pa kaya, 'di ba?

"Kung saan ka magbabakasyon do'n din ako." sabi niya ulit kaya napaluha na ako. Paano ko ba sasabihin sa'yo na kukunin nila ako sa canada? Ang hirap ng ganitong sitwasyon.

"Teka... are you crying?" Napatakan ko 'ata siya ng luha. Mabilis akong nagpahid ng hindi niya nakikita't nahahalata.

"Napuwing lang ako. Ang lakas ng hangin eh." A lame lie pero totoong napahangin ng malakas. Ang hirap kasi eh. Mamimiss ko siya lalo na yung kaclingy at kakulitan niya. Ni hindi ko nga alam kung kakayanin ko bang maging LDR kami pero parang mahihirapan kaming dalawa.

Unexpected Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon