Brithella's POV
Patuloy ko paring iniisip ang mga nalaman ko kagabi. Hindi ko na magawa pang magsaya dahil hindi ko kayang iwasan at kalimutan ang mga narinig ko. Gusto ko ng kasagutan. Madaming nagbabadyang katanungan sa isip ko. Hindi ko masagot ang mga 'yon. Kahit ni isang clue ay walang mabuo sa isip ko. Wala akong malimos na kasagutan.
"Babe, are you still with me?"
Gusto kong puntahan si Lot ngayon. Gusto kong linawin niya ang lahat sa akin. Hindi ako mapakali. Gusto ko ng kasagutan. Lalo pa akong naguguluhan. Hindi ko kaya ang ganitong sitwasyon.
"Babe, simula no'ng umuwi ka kagabi ay ganyaan ka na. Maski kanina--- hanggang ngayon ba naman? May ginawa ba siya sa'yo? 'Yong epal na Nilo na 'yon, anong ginawa at sinabi niya sa'yo?"
Naririnig ko ang mga sinasabi sa akin ni kapre pero wala akong naiintindihan. Hindi ko siya magawang intindihin. Wala sakanya ang isip ko ngayon. Iba ang laman ng isip ko.
"Babe, next week na ang graduation natin. Madami na namang hihimatayin kung sakaling makita nila ako. Nga pala, saan ka for this coming vacation? Can we spend it together?"
"Kyle, 'wag ngayon--- wala ako sa isip upang pag-usapan 'yan."
"May bumabagabag ba sa'yo? Anong problema? Naiinis ka ba sa'kin?"
Bumuntong hininga ako. Hinawakan ko ang palad niya.
"Makinig ka sa'kin... Mahal kita! Mahal na mahal pero ngayon--- bigyan na muna natin ng oras ang isa't-isa."
"Mahal na mahal din naman kita, babe eh! Hindi pa ba sapat--- "
"Hindi mo ako naiintindihan, kapre! Gulong gulo ako ngayon. Masyado akong maraming iniisip. 'Wag ka na munang umeksena--- parang awa mo... kahit ngayon lang."
"Anong gusto mong gawin ko para hindi ka maguluhan?"
Kumirot ng bahagya ang puso ko sa tanong niya. Hindi ko na rin naiintindihan ang sarili ko. Pakiramdam ko ay gusto kong bigyan na muna namin ilulugar ang isa't isa.
"Layuan mo na muna ako... Nagmamakaawa ako sa'yo, kapre. Gusto kong malinawan ako sa mga nalaman ko... "
"N-nalaman? Saan--- may s-sinabi ba si--- "
"Hindi mo na kailangang malaman, Kyle?"
"Wala ka bang tiwala sa'kin?"
Bumuntong hininga ako sa katanungan niya. "Sa ibang bagay--- mas importante... " Napayuko ako, "Kaysa sa'yo... "
"B-bakit? Nagsasawa k-ka na b-ba sa'kin? Babe--- "
"Makinig ka sa'kin--- babalikan kita... Pangako! Babalikan--- "
"B-babe... "
"Please?"
"Pero babe--- "
"May tiwala ka naman sa'kin, 'di ba?"
"B-babe... "
"Kahit ngayong araw lang... "
"Hindi ko kaya... sinasabi mong lagi kitang nasasaktan pero--- bakit pakiramdam ko ay ikaw ang laging nananakit sa akin? B-bakit kailangang--- "
"Ang OA mo! Isang araw lang naman... "
"Isang araw... LANG? Nilalang mo 'yung isang araw na 'yon? Ikaw ang buhay ko, ikaw ang hininga ako--- kalahating segundo pa lang na hindi kita nakakasama't nakikita ay hindi ko na kaya... 'yung isang araw pa kaya? Bakit ba sobrang madali lang sa'yo ang mga sinasabi mo? Tatanungin ulit kita... gusto ko ng kasagutan na mula mismo sa'yo. Ano mo ba talaga ako? Ano ba talaga ako para sa'yo?"
BINABASA MO ANG
Unexpected Love Story
Fiksi RemajaKilalanin si Arcie Santos, ang ampon ng pamilyang Santos. Magdudusa't maghihirap marahil ay kinakasuklaman ng ina-inahan na madalas niyang tawaging 'anti'. Kilalanin naman natin si Kyle Lheir Blythe, ang kababata ni Arcie. Siya ang dahilan kung bak...