Brithella's POV
"Ate may himala!! Hinihintay ka ni ate Gretha sa rooftop. Mag-usap daw kayo. Ingat ka ah, baka kainin ka niya eh." Bungad sa akin ng kapatid ko. Hindi ko alam kung tinatakot ba ako nito o kung binabalaan niya ako.
"Si Gretha? Aba nag-iba na 'ata ang ihip ng hangin. Aahh 'di bale, may roof top tayo dito?"
"Shunga ka ate. Ang tagal mo na dito tapos hindi mo alam? Sa left door ka ng kwarto ko dumaan tapos may isa pang pinto dun yun yung papuntang roof top. Mag-sign of the cross ka muna bago ka pumasok ate, okay?"
Ahh okay. Ano kayang sasabihin nun sakin? 'Gaya nga ng sinabi ng kapatid ko dumaan ako sa left door ng kwarto niya tapos dumaan ulit ako sa isa pang pinto. Bago ko yun binuksan nag-sign of the cross muna ako.
Teka... Bakit ko ba ginagawa yung sinabi ni darylle?
"Ahh Gretha, gusto mo daw akong kausapin?" Nakatalikod siya sakin at humarap na nang makalapit ako sakanya. Umiiyak siya at namamaga ang mata niya. "May problema ba?"
"Kambal, kilala mo naman siguro kung sino yung first love ko 'di ba?"
"Bakit? Anong problema?" Lumapit siya sa akin 'tsaka niya hinawakan ang kamay ko.
"Kambal? Alam mo bang ginagamit ka lang niya? Ako naman talaga ang mahal niya eh. Mahal na mahal ko siya kambal. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko kayong magkasama. Kambal, please ibigay mo na siya sa akin."
"Gretha, hindi isang bagay na pinaglumaan si Kyle. Hindi siya basta-basta binibigay. Hindi siya bagay na pwedeng ipahiram o ibigay, Gretha. Tao siya. Tao!"
"Ano bang sinasabi mo? Wala naman kayong relasyon. Hindi mo siya pagmamay-ari."
"At hindi mo rin siya pagmamay-ari. Oo. Hindi ko siya pagmamay-ari kaya wala akong karapatang ibigay siya sa iyo. Sorry, wala akong magagawa."
Hindi ko alam kung iiyak ba ako dahil sa sinabi niya o matutuwa ba ako dahil sa sinabi ko. Laking gulat ko na lang ng bigla niya akong sampalin.
"Magkapareho lang pala kayo ni ate. Wala kayong pinagkaiba. Malandi siya. Mas malandi ka nga lang." Sabi niya at tumakbo na siya paalis. Napahawak ako sa pisngi ko, uminit ito dahil sa sampal niya. Ramdam na ramdam ko ang sakit na dinulot ng palad niya.
Agad na lumapit si Darylle sa akin nang makita niya ako.
"Darylle... A-ang sakit... Ang sakit!!"
"Ang alin ate? Yung sampal ni ate Gretha o yung sinabi niyang malandi ka?"
"Darylle naman eh. May mali ba sa akin? Kasi ano eh--- pakiramdam ko kasi mang-aagaw at malandi ako."
"Ano ka ba ate. Walang mali sa iyo. Si ate Gretha ang may mali sa sarili tsaka hindi ka mang-aagaw o malandi. Hindi naman sila ni kuya Kyle 'diba? Huwag ka na ngang umiyak para kang timang ate."
***
Grithella's POV
Ako na naman ang mali. Kanina ko pang tinatawagan si Pia pero naka-off yung cp niya. Si Thea number busy naman. Si Fritz out of coverage.
"Bakit? Bakit ako na naman ang mali?" sigaw ko. Nandito ako sa rooftop ng old gym ng village namin. Ang taas ng rooftop na ito.
Kailangan kong tapusin ang lahat. Pagod na ako. I need to face what consequence is given to me. Nakatayo ako sa gilid ng rooftop. Siguro kung may makakita sa akin dito iisipin nilang balak kong magpakamatay. Well gaya nga ng si–
"Miss huwag! Wag mong ituloy ang binabalak mo. Kung may problema ka huwag mong sayangin yang buhay mo." Napapunas ako ng luha dahil sa sinabi ng lalaking nagsalita. 'Di ba kasasabi ko lang?!
BINABASA MO ANG
Unexpected Love Story
Fiksi RemajaKilalanin si Arcie Santos, ang ampon ng pamilyang Santos. Magdudusa't maghihirap marahil ay kinakasuklaman ng ina-inahan na madalas niyang tawaging 'anti'. Kilalanin naman natin si Kyle Lheir Blythe, ang kababata ni Arcie. Siya ang dahilan kung bak...