ARCIE
Dalawang buwan ang lumipas, September na ngayon. Sa loob ng dalawang buwan na lumipas ay tumahimik ang buhay ko. Hindi na ulit na nagparamdam sa akin si Renz. Minsan nakakasalubong ko siya pero hangin nalang ako sa kaniya na para bang hindi niya ako kilala. Wala silang kibuan ni Kyle.
Nababaliw na ako kakaisip kung anong meron sa kanila. Ang hirap manghula, sa totoo lang.
Tinanaw ko ang buong paligid ng field. Everything were settled already. Pinaghandaan talaga nila ang incoming intramurals program ng school. Papunta ako ngayon sa lab room para sa experiment namin sa Science kaya napadaan ako rito sa field.
14 Flags? So may mga sections na dapat maghalo?
Blue|Yellow|Green|Black|Whi--
"Arcie!!" That voice again. Edi sino pa ba, si Yanna. I roamed around my eyes and I saw her waving at me with her innocent smile. I waved back and gave her my sweetest smile. Maglalakad paalis na sana ako nang---
"Arcie pahintay!!"
What is she doig here? Wait! Got it. Neon section ang naka-assign sa intramurals program. Nailipat si Yanna sa Neon. Limang araw nalang ang natitira and intrams na. Isa si Yanna na magaling magplano lalo na kapag tungkol sa mga ganitong program ang gaganapin.
September 17 na ngayon, sobrang tahimik ng paligid ko. Akala ko, sigurado na ako sa nararamdaman ko pero tila nagkakamali lang yata pala ako.
"I can't go with you later." nakasimangot niyang sabi. Pinakiusapan ko siya kahapon na samahan niya ako sa faculty room.
"Okay lang Yanna. Ano namang mali non? HAHA!"
Pagkasabi ko ay bigla siyang ngumiti at tumalon. Oh? Being so weird again? I just sighed. I prepared being alone pero nasanay na akong kasama ko sila kaya nasasaktan ako. Time will come na everybody will leave me at iyon ang kinakatakutan ko.
"Wrong timing kasi Arcie, e. Uuwi ngayon iyong friend ko na galing sa ibang bansa and nagpapasundo rin kasi siya."
I chuckled."Naiintindihan ko Yanna. Ano ka ba? May next time pa naman."
"Mayroon pa namang next time pero iba na iyon. Sige alis na ako Arcie. Ingat ka."
Kumaripas na siya ng takbo. Ako naman pumasok na sa lab room. May mga tao talaga na hindi ikaw ang priority kahit pa siguro ikaw ang unang nakiusap.
May mga tao namang dumarating lang sa buhay mo para baguhin ka at hindi ibig sabihin non ay mananatili sila sa buhay mo ng mahabang panahon. May mga bagay na panandalian lamang ang dulot nitong saya.
***
Glaiza's POV
I'm on my way in Philippines. Noong July pa sana ako nakauwi. Marami pa kasi akong inayos na mga documents lalo na ang passport ko. Done enrolled na ako sa BLYTHE UNIVERSITY. Wanna know why kung bakit ako umuwi? Well! Naka-move on na ako. The pain has been released. I already forgot about him. I'm stable now. I'm okay and ready to love again. Everything just take time to recover once again.
[Good morning, everyone. I am your captain Naldo, for today. For a couple of minute, the plane will land at NAIA.]
Napalanghap ako sa hangin nang makalabas na ako sa eroplano. Philippine as the same. Walang pinagbago.
"Zazai!" I roamed around my eyes. Maingay ang paligid pero alam kong kay Nana ang boses na iyon. Fudge! I can't see her. "Zazai over here!" Nahihilo na ako pero hindi ko parin siya makita.
Kinuha ko na muna iyong tatlo kong bagahe. I roamed my eyes again to find them and there they are.
"Zazai!!" Natutuwang sigaw ni Nana habang tumatakbo papalapit sa akin. She's with Renz, Kyle, Ivan and Kurvi. "I miss you so much Zazai!" Niyakap niya ako at ganoon din ang ginawa ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love Story
Ficção AdolescenteKilalanin si Arcie Santos, ang ampon ng pamilyang Santos. Magdudusa't maghihirap marahil ay kinakasuklaman ng ina-inahan na madalas niyang tawaging 'anti'. Kilalanin naman natin si Kyle Lheir Blythe, ang kababata ni Arcie. Siya ang dahilan kung bak...