Six

1 0 0
                                    

Tahimik kaming pumasok sa loob. Buti nalang napapayag ko na itong si Tyron na sumama sa loob 'dahil kanina pa niya pinipilit na ayaw niya. Gaya ng dati ang mga maids ay abalang abala sa pag pupunas ng mga antigong bahay na nakahilera sa pagpasok pa lang namin ng pinto. Nilibot ni Tyron ang paningin niya at kitang kita ko ang pagkamangha sa kaniyang mga mata.

"This is beautiful..." He whispered.

"Hmm. Let's go. I think my mom is on the terrace."

Naglalakad siya sa gilid ko. Ang mga maids ay sumusunod ang tingin kay Tyron. Nagbubulungan na parang artista ang nakikita nila.

"Good morning po, Miss Lorraine." Narinig kong bati ni Aling Teresita, ang bagong katulong.

"Good morning po.." Tumango ako sa matanda.

Tyron is still looking at the vase. He still amazed by how the painters arranged it. Ngumisi ako. I guess, ngayon lang siya nakakita sa personal ng mga ganito.

Isang hakbang nalang ay nasa terrace na kami. I saw Mom drinking his coffee and reading the news paper. Namawis ang kamay ko habang hawak hawak ang brown envelope. Nakita kong hindi na sumunod si Tyron na lumapit sa harap ng mommy ko.

"Mom!" Bati ko. "I'm glad to see you again. How's Palawan?"

"Lorraine, anak! I'm so happy na bumisita kana. Palawan is really really amazing. We should go there sometimes."

Sa tingin ko'y napansin na ni mommy si Tyron ngunit hindi lang ito nag-aabala na tanungin ako. Inilapag ko ang brown envelope sa table niya at nakita ko ang bahagyang gulat sa kaniyang mukha.

"Is this the line-up for the new models, anak?"

I nodded. "Yes, yes. Dad already approved that. Nagpunta ako rito para makita at maibigay ko ng personal sa inyo."

"Oh!" Inabot niya ito at pinagmasdang mabuti ang nasa loob. Ilang minuto niya itong kinilatis hanggang sa bumaling ang kaniyang mga mata sa akin. "Who is this man? I think...this is not real."

Tumawa ako. "He is real, mom. Actually, I'm with him right now."

Kumunot ang noo ni Mommy sa sinabi ko. Ngumisi ako. Umiling naman si mommy. I'm sure she's amazed how Tyron Del Valle looks good in the photoshoot. Well, I guess everybody loves him.

"Tyron!" Tawag ko.

Unti-unting nagpakita si Tyron sa amin. He smile shyly. Magkahawak ang pareho niyang kamay habang lumalakad papunta sa tabi ko. Mom looks shocked.

"Good afternoon, po." Nahihiya siyang ngumiti kay mommy.

Nagkatinginan kami ni mommy, umiling siya at ngumisi naman ako. The wind blows and I saw Tyron's hair is a little bit messy. How can he even do that without trying? Oh my goodness!

"Sit down, the both of you..." Mahinang sambit ni mommy.

Tumango si Tyron at umupo sa upuang katabi ko. "Thank 'you, po."

"Did you two had 'your lunch?" Tanong ni mommy.

"Ah, opo-" si Tyron.

"Nope, mom. Actually, we're both hungry. Kanina pa kasi kami buma-byahe. Burger and fries lang ang naging laman ng tyan ko."

Ngumiti si mommy. "Oh! I see... Magpapadala na ako ng lunch dito para sa inyong dalawa. Tapos na kasi akong kumain."

Yumuko si Tyron.

I played my fingers while waiting for our food. Muntik ko nang makalimutan ang mga gagawin ko pabalik ng resort. Fuck. I really need time management right now.

What IfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon