Thirty Eight

0 0 0
                                    

Hindi iyon mawala sa isip ko kahit na ilang buwan na ang lumipas. Four months to be exact? Marami nang nagbago sa loob ng mahabang panahon. Magli-limang taon na rin pala ako dito sa New York. Naalala ko ang resort. Ni hindi ko man lang nasilip iyon bago ako umalis. Ang akala ko din kasi sandali lang akong mananatili dito.

Cedrick is beyond succsesful right now. Kahit na wala siya pilipinas para maging CEO, patuloy ang agos ng pera sa kaniya. Matalino siya. Madiskarte. Kaya naman gamay na gamay niya ang bawat sikot ng kompanya.

The partnership of their restaurant and my clothing line is fine. Dahil sa laki ng kinikita ng resto, nadadamay ang clothing line ko. Cedrick is willing to teach me everything. Masaya ako 'don. Pero pakiramdam ko, isang araw ay sisisingilin niya ako sa lahat ng kabutihang ginawa niya. Pero sa tingin ko naman, ngayon pa lang ay nasisisingil na ako. Sa araw araw na kasama ko siya, at sa pagiging asawa niya kahit hindi ko naman siya mahal.

He is a good husband to me. Pinagsisilbihan niya ako. Binibigay ang lahat ng pangangailangan ko. He is very proud whenever he introduced me to his friends. Pero hindi ko talaga maramdaman ang dapat kong maramdaman noon pa. Love? It still not there. Whenever he kiss me, whenever he hugs me, wala. I don't feel anything.

I am trying hard to fall for him. He is one of my closest friend before so I expected that this will be easy for me. Pero nagkamali ako. Hindi ko magawa. Tuwing tinitignan ko si Cedrick, tanging pagkakaibigan lang nararamdaman ko para sa kaniya.

Is this cheating? Am I cheating to my husband? Kasi kahit na siya ang kasama ko sa araw araw, ibang tao ang nasa isip ko. Ang dahilan kung bakit ako nagsusumikap ay hindi siya. Hindi si Cedrick. Hindi ang lalaking pinakasalan ko. It's been four years and a half. Kung may nagbago man aa nararamdaman ko sa kay Cedrick, ay yun ay mas lalo kong pag-hanga sa kaniya. He might be the best husband I could have but there is still a missing piece. I think I will never be contented even though he gives me everything.

I am twenty seven now. Supposed to be Tyron will end his contract this year. But it ended years ago. Masaya ako dahil kahit minsan ay nakasama ko siya. Kahit minsan naramadaman ko kung paano ang pakiramdam ng minamahal.

"Lorrie!" si Jolina nang minsan kaming mag-video call.

"Oh? Anong balita?" agap ko.

She's smiling and I can sense na may maganda siyang sasabihin sa akin. She is blooming. Laging maganda ang aura nitong mga nakaraang araw. Nagulat ko nang nasa tabi niya si Yumi na naka-ngiting kumakaway sa akin.

"Hello..." bati ko.

"We have a surprised for you, Lorrie!" ani Yumi.

Natawa ako. "Talaga? Sasaya ba ako diyan?"

Sumilip si Jolina. "Hindi ka lang sasaya, baka magpa-party ka pa riyan sa New York sa sobrang kagalakan mo,'

Umirap ako. "What is it?".

Nagka-tinginan pa silang dalawa bago magtatatalon sa isang kwarto. Hindi ko makilala kung kwarto ba iyon ni Jolina o kwarto ni Yumi sa kanilang bahay.

"Oh my god, Lorrie! Nakalaya na si Tyron!" anila.

Napatayo ako sa pagkaka-higa. What? Did I heard them right? Nakalaya? Sino? Si Tyron? Naka-awang ang bibig habang pinagmamasdan ang masasayang ngiti nilang dalawa. Oh.My.God.

"Lorrie, cheers! Succsesful!" si Yumi. "Alam mo ba kung paano siya nakalaya?"

Hindi ako makapag-salita. I am still in shocked right now. Paano siyang nakalaya? Ginamitan ng pera? Pero saan sila kukuha ng pera kung ganoon? Mahirap lang sina Tyron at walang magandang trabaho ang papa niya. Isabay mo pa ang naging pag-aaral ni Kiana noon sa college. Teka, nag-college nga na ba si Kiana? Nagtataka ako dahil hindi naman nabanggit sa akin ni Trevor.

What IfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon