Twenty Two

4 0 0
                                    

You can't please everyone.

Yan ang pumapasok sa isip ko habang kausap ko ang mga magulang ko ngayon. I thought my life is already perfect. Cause why not? I already have everything. Well, I don't. My body is lack of love and attention.

I am Lorraine Ronzeval. If peole will hear my name, they immdiately think that that girl is already gifted. But, no! All of my gifts are slowly fading away from me.

"Hindi naman mamadiliin ang kasal. Let's say five years? Isn't that enough?" Sambit ni Daddy. Patuloy ang pag-ngiwi ko sa sinasabi nila.

"Dad..." Kinalma ko ang sarili ko. "I don't understand why do we have to do this? Ronzeval Corporation is very succsesful."

"We have this unsaid loans to Abadilla Group of Companies..." Mariing wika ng aking ama.

Loans? Kahit kailanman ay hindi ko narinig na may utang na kailangang bayaran ang kompanya. Ang buong alam ko ay nag-uumapaw na sa pera ang kompanya. Na wala na itong mapaglagyan. At ngayon? Bakit ngayon pa kailangan itong maungkat?

"Then we will pay them! Magkano ba ang utang natin?" Iritado kong tanong.

Suminghap si Mommy. "Lorraine, it's eight hundred million..."

Nalaglag ang panga ko. Umigting ang panga ni Cedrick sa sinabi ng aking ina. At halos ako naman ay manlumo. Ganoong kalaking pera? Ganoon kalaking pera ang kailangan naming bayaran? Yes. We can pay that. Ronzeval Corp can pay that. Pero malaking bagay ito? Kapag binayaran namin ito ay malaki ang mawawala sa amin at babalik kami sa simula. Mawawala lahat ng pinag-hirapan ng aking ama't ina.

"We will work hard, Dad! Come on..." Nanghihina kong sambit.

"How? Tell me how, Lorraine! Magwawaldas tayo ng ganoong kalaking halaga? Paano ang itinaguyod at sinakripisyo ko? Mawawala ang lahat ng iyon, Lorraine..."

He's right. Mawawala ang lahat. Kung saan nagsimula ay babalikan lang namin. Galing sa taas ay bababa kami. Masakit, oo. Kasi nakita ko kung paano nag-trabaho si Daddy at si Mommy para dito.

"We can sell Ronz' Magazines..." Ani Daddy.

Napatingin ako sa kaniya. Marinig ko pa lang ay nanlulumo ako. Yes. It's possible. We can really sell Ronz. But... Paano ang pinaghirapan ko? Paano rin naman ang sinakripisyo ko?

"Hindi po iyon aabot, sir..." Singit ni Cedrick.

Umigting ang panga ni Daddy at si Mommy naman ay napayuko. I can't afford to loose Ronz Magazines! No way! At kung sakaling maibenta nga ito, kailangan pa rin naming magbawas ng pera ng kompanya.

"I-I'm sure Cedrick can do anything about it..." Nauutal kong sinabi.

"Sorry, Lorraine... I'm not yet the CEO of the company. Dad decided for this one. We need to get married as soon as possible. You will work for our company and from that you can pay 'your loans..." Ani Cedrick.

"After we paid the loans? We will devorce right away? Hmmm?"

Umigting ang panga ni Cedrick. "Yes..."

Hindi maayos ang pakiramdam ko kahit na umalis sila at nag-tungo sa Maynila. Hindi ko pa rim maipasok sa utak ko ang mangyayari. Magpapakasal ako kasi hindi namin mabayaran 'yung utang? Hindi na ba mahalaga ang bisa ng kasal na iyon para ibigay nalang ito ng basta basta?

Kung nagpakasal ka sa isang tao, dapat sigurado kang minamahal mo ang taong ito. Yung handa kang ibigay sa kaniya ang lahat kasi mahal na mahal mo siya at gusto mo siyang makasama habang nabubuhay ka. I'm proud that I have no boyfriend since birth because I'm still waiting for the right one. Na isang araw ay papakasalan ko dahil mahal ko siya, hindi dahil sa pera.

What IfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon