Nineteen

2 0 0
                                    

Hindi ako makatulog ng gabing iyon 'dahil sa sinabi ni Tyron. Ngunit nang 'dahil sa pagod ay nagawa na rin ng katawan kong makatulog.

Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama galing sa bintana. Nasilaw ako at kinusot ko ang mata ko. Tumingin ako sa orasan. It's 10am now. It's okay. I don't have any appointments or meetings today.

Pagod pa ang katawan ko ngunit nagawa kong bumango para maligo. Dinama ko ang mainit na tubig sa bath tub. Naisip ko 'yung sinabi ni Tyron kagabi.

Naguguluhan ako. Bakit? Bakit hindi ako pwedeng makipag date sa iba? Damn! Why? Gusto kong malaman kung anong nasa isip niya at kung anong nararamdaman niya.

Nang matapos ako'y nagbihis ako ng itim na ripped jeans at dark red na long sleeve. Bumaba ako at naabutan ko sina Georgia at Manager Celestine na kumakain sa baba.

"Oh! Good morning, Miss!" Ani Georgia.

Tumango ako at umupo. Nagsandok ako ng java rice at bacon. Naalala ko 'yung kinain ko sa bahay nila Tyron. Sometimes, I will ask our cook to prepare some dishes like that.

"Kamusta ang lakad niyo ni Tyron?" Tanong ni Manager.

Bumilis agad ang pintig ng puso ko. Uh oh. Kumuha ako ng tubig galing sa pitchel at isinalin sa baso ko. Damn, glass! I remember Tyron again.

"Maayos naman..." Wala sa sarili kong sinabi.

"Ows? Nakita ko picture niyo kahapon," Singit ni Geogia.

Muntik ko ng makalimutan ang media. Oo nga pala. Ano kayang sinasabi ng mga tao sa akin ngayon? Binabash ba nila ako? Malamang. Sa dalawang tao ko dito. Palaging masama ang tingin ng mga tao sa akin kapag may kasama akong lalaking lumabas.

Nang natapos akong kumain, niligpit agad ng mga maids ang mga pinggan. Bigla kong naalala ulit ang buhay ni Tyron. Napakalayo kumpara sa akin. Ano kayang mangyayari kung hindi naging ganito ang buhay ko? Mas malapit kaya kami sa isa't isa. Hindi ko na kaya mararamdaman ang agwat naming dalawa?

"Wala kang meeting ngayon?" Ani Manager.

Umiling ako. "Wala... Dito lang ako sa bahay buong mag-hapon,"

"Nga pala, kanina pa narito si Tyron." Aniya. Nanlaki agad ang mata ko.

Shit! Shit! Parang hinahabol ang puso ko sa sobrang lakas ng pintig nito. Umuwi kaya siya kagabi? Wait! Diba sabi ni Irish bibisita siya rito? Narito na kaya siya?

"M-May kasama ba siyang babae?" Tanong ko. Kinakabahan.

"Wala..." Aniya. "Bakit may dapat ba siyang isama?"

Umiling ako. "Wala, wala. Asan siya?"

"Nasan pa ba? Malamang nasa hardin iyon. Ewan ko ba 'doon kay Tyron. Konti nalang perpekto na 'talaga siya. Mabait, gwapo, matulungin, lahat na e!" Iling ni Manager.

Tumango ako. Agreeing with her. Yes. He is almost perfect. Paano kaya siya ginawa ng diyos? I mean...walang pangit sa pangangatawan niya. Hubog na hubog ang mga ito.

"Uhm, kumain na ba siya?" Agad kong tanong.

Ngumiti si Geogia sa aking gilid. "Hindi pa po. Mabuti pa't yayain mo na, Miss."

"Kumain na ako e. Hindi ko naman alam na narito na siya." Paliwanag ko.

"Sa bagay.... Pero yayain niyo pa rin ho. Baka pagod na iyon 'doon," ngisi pa ni Geogia.

Tumango ako. Tumayo ako sa kinaroroonan ko at tinahak ang daan papuntang hardin. Sinalubong ako ng mga iba't ibang klase ng bulaklak. This is prettier than before. I guess Mang Lando handled this one better with the help of Tyron.

What IfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon