Sixteen

3 0 0
                                    

Literal na nanlaki ang mata ko nang nabasa ang text message na iyon. Hindi agad ako nakareply. Fuck. Sino bang hindi mawiwindang doon? Inisip ko kung may hindi ba siya dapat makita sa cellphone ko pero sa tingin ko ay wala naman.

Sa tagal kong magreply siguro ay nag-ring na ang cellphone ko sa tawag ni Tyron. Halos lumuwa ang puso ko sa bilis ng pintig nito.

"Hey..." His voice is husky.

"Paano mo nakuha ang number ko ulit?"

He chuckled. "Hmm. On your phone. Nung gabing nagpunta ako sa kwarto mo. Gusto ko sanang hingin 'yun sayo mismo pero nakalimutan ko hanggang sa makatulog kana. Kaya....kinuha ko nalang. Walang password ang cellphone mo,"

Halos mapamura nalang ako sa isipan ko. Ginawa niya talaga 'yun? For real? Shit!

"Galit kaba?" Agap niyang tanong.

"No. I just can't imagine na kaya mong gawin iyon," malamig ang boses ko.

Natahimil kami ng ilang minuto. Ano kayang ginagawa niya? Naka-upo sa isang upuan? Nakatingin sa malayo habang kausap ako? Nakangiti rin kaya siya gaya ko? Bumibilis din kaya ang tibok ng puso niya sa tuwing mag-tetext ako. Nasapo ko ang noo ko. Bakit niya naman gagawin iyon? Stupid, Lorraine.

"Kuya Tyron! Please fix this," narinig ko ang maarteng boses ni Kiana sa backround.

"Okay, sister. I'm coming..." Aniya. Narinig ko ang pagsinghap niya. "I'll be right back, Miss Lorraine. Bye.."

Tinapos niya na ang tawag. Pinagmasdan ko ang cellphone ko. Hinawakan niya ito at binuksan? May iba pa kaya siyang ginalaw dito maliban sa phonebook? Nagbasa kaya siya ng messages? Ano naman ang mababasa niya kung ganoon?

Kinabukasan ay maaga akong nagising. It's sunday. Nagdesisyon akong magsimba ngayong araw. Pagkatapos ay magliwaliw na rin sa labas. I need fresh air. I need to breath after those heave tasks for me.

I wear a ripped jeans and white long sleeve. I wear my keds shoes. Tinali ko ng pony tail ang umaalon kong buhok. I didn't put much make up. Sakto lang. Sa simabahan naman ang punta ko.

Nagbeep ang cellphone ko. Napangiti ako nang makita ang pangalan ni Tyron. Kung masaya ang umaga ko, alam ko sa sarili ko na mas sumaya ako 'dahil sa text niya.

Tyron:

Good morning :)

Ngumiti ako habang nagta-type.

Ako:

Goodmorning. I'm going to church now.

Tyron:

I'm already here in your dining area. I'm waiting for you. Sabay na tayong mag-simba.

Halos mapunit na 'talaga ang labi ko. Iniisip ko pa lang na sabay kaming magsisimba ay nagpapakalabog ka ng puso ko. Ano kayang pakiramdam na kasama ko siya buong araw? Yung kami lang? Shit. It's driving me crazy.

Ako:

Alright. Pababa na ako.

Sinigurado kong maayos ang kwarto ko bago ako bumaba. Nang naglalakad ako sa hagdan ay mas lalong umapaw sa akin ang kaba. Kinakabahan ako nang lalo nang unti-unti kong nakikita si Tyron. He's wearing a fucking white long sleeve too na tinupi hanggang siko. Shit! Is this coincidence or what? Parehas kami ng suot.

Seryoso ang tingin niya sa akin. Nakita ko si Georgia na may mapaglarong tingin sa aming dalawa. Manager Celestine is on her way home. Nagpaalam siya ka kung pwede ay makasama niya ang pamilya niya and I said yes tutal ay wala pa kaming trabaho ngayon.

What IfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon