"Thank you sa paghatid, Ced..." sabi ko.
Bumaba ako galing sa kotse niya. As usual, the guard greeted me. Maayos ang pakikitungo sa akin ng mga taga rito kahit na empleyado lang ako. Malayong malayo sa kung paano nila i-trato ang iba ring trainee.
This is my third month, at isa isa ko na ring pag-aaralan ang iba't ibang klase ng materyales na aking gagamitin. Martin's been a good teacher to me. He's also very patient kahit na ang dami ko nang nako-commit na mistake. Hindi ko nga alam kung paano niya ako napag-titiisan.
"Next is the..." pagpapatuloy niya sa kaniyang isinasalaysay.
Tanging pag-tango at pagti-take notes ang ginagawa ko. Magaling na trainor si Martin dahil mabilis kong ma gets ang mga tinuturo niya. Nga lang, minsan nagiging kumplikado dahil kailangan naming magmadali.
"Can you show me what you have learned today?" anito.
Tumango ako at ipinakita ang mga procedure na nasa likod ng notebook ko. I've been very attentive earlier that's why I can perform very effectively.
"Very good!" aniya.
I did it! I think I had a big improvement about myself kahit na tatlong buwan pa lang ako namamahagi dito.
Nag-vibrate ang cellphone ko at nakita ko ang mensahe galing kay Cedrick.
Cedrick:
I'm on my way, sabay na tayong mag lunch.
Ako:
Sige. I'll wait for you.
Kinuha ko ang bag ko at nag-tungo na sa waiting area. Cedrick will be here in any minute now. Hindi ko rin kasi alam kung saan kami magla-lunch today. I don't know his schedule. Ako ang nag aadjust sa kaniya.
Lumingon ako sa bandang gilid at nakita ko si Martin na naka-ngiting palapit sa akin. Tumango agad ako at tumayo.
"Ikaw pala..." sabi ko.
"Anong ginagawa mo dito? Waiting for someone?" aniya.
Tumango ako. "Oo, e..."
"Sino? Boyfriend mo?"
Sasagot na sana ako nang makitang papasok na si Cedrick. He's wearing a dark blue polo and maong pants. Agad siyang nag-tungo sa kinaroroonan naming dalawa. Kumunot agad ang noo nito sa akin.
"Hey..." aniya.
"Uh, si Martin nga pala, siya ang personal trainor ko..." sabay lingon ko kay Martin. "Martin, si Cedrick..."
"Alright. I have to go! Ingat sa lakad niyong dalawa..." aniya sabay kumaway at lumabas ng building.
Nilingon niya ako at kumunot ang kaniyang noo. "Pinopormahan ka ba ng lalaking 'yon?"
"What are you saying? Personal trainor ko nga 'yon..." umirap ako.
"Fine... Let's go," aniya.
Hinawakan niya ang baywang ko para makalabas kami ng building. Pinagbuksan niya ako ng pinto para makapasok at umikot naman siya para makapasok sa driver's seat.
That was my life for the past three months here. Umiikot lang sa trabaho at sa hotel ang mundo ko. I don't have any friends here maliban kay Martin na palagi kong nakakasama araw araw. Hindi na rin ako nakakatawag sa bahay dahil paminsan may ibinibigay na assignment si Martin sa akin. Wala na akong time para sa sarili ko. Pagka uwi ko sa bahay ay gusto ko nalang ipikit ang mga mata ko para matulog.
Cedrick will be here every friday night. He will stay here for saturdays and sundays, at kapag monday na ng umaga, ihahatid niya lang ako sa trabaho pagkatapos ay babyahe siya pabalik ng Manila. I told him that I don't like this set up. Kahit na kada buwan na lang siyang pumunta rito ay ayos lang. But this time, he didn't listen to me. He said he needs to check on me all the time.
BINABASA MO ANG
What If
General FictionThis is not a tragic story. Inspired to Jonaxx's stories Crdts for my book cover to: Zeno Graphic Shoppe