I wear my peach dress and white stilleto. I put my hair on braid bun before I came out. Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari at hindi ko alam kung kaya ko bang bumaba para makita si Tyron nang hindi ako nahihiya.
Mabuti nalang ay hindi agad siya nahagip ng mata ko. Nakita kong nagluluto ang maid. Si Manager at si Georgia naman ay may inaasikasong papeles sa gilid.
"May lakad ka?" Ani Manager.
"Ah, oo... Pinapatawag ako ni daddy," sagot ko.
Wala ako sa sariling nag-lakad patungo sa labas. Nakita kong kakarating lang ni Mang Julio dala ang isa sa mga sasakyan. He's wearing his casual uniform. The blue polo and his black loose pants.
"Ihatid niyo po ako papuntang Ronz' Corp." Sambit ko.
"Sige ho," nanginginig na sabi ng matanda.
Nakita ko ang matamlay na mata ni Mang Julio at ang mga galaw niyang wala sa ayos. Is there any problem? Pumasok ako sa loob ng sasakyan. Hindi agad pumasok si Mang Julio dahil biglang lumapit si Tyron sa kaniya. Uminit agad ang pisngi ko.
Lumabas ako at agad kong nakuha ang tingin nilang dalawa. Kumunot ang noo ni Tyron sa akin at nahihiyang lumingon sa akin si Mang Julio.
"Miss Lorraine, he can't drive you. He's sick," ani Tyron.
"Hindi. Ayos lang ako. Ako na lang ho ang magmamaneho. Kaya ko pa naman." Ngiti ng matanda.
Okay. I get it. Kaya pala matamlay si Mang Julio ay dahil may sakit siya. Matanda na siya kaya siguro mabilis siyang dapuan ng mga sakit. Kaya dapat ay hindi niya na pinapagod ang sarili niya.
"Mang Julio," tawag ni Tyron. "I will drive Miss Lorraine to Manila. Magpahinga ho muna kayo,"
Tumango ako. "Yes. Tyron is right. You should rest now. I will be okay. Thank you for helping."
"Naku! Pasensya na po kayo. Hindi ko na nagagampanan nang maayos ang trabaho ko. Hayaan niyo po, kapag magaling na ako ay ako na ulit ang magmamaneho para sa inyo, Miss." Matamlay na sambit ni Mang Julio.
"Ayos lang po..." Ngiti ko.
In the end, si Tyron ang naghatid sa akin papuntang Manila. Hindi ko siya magawang imikin nang dahil sa nangyari kanina. Hanggang ngayon ay hiyang hiya pa rin ako sa ginawa ko. Pakiramdam ko, naamin ko na sa kaniya ang nararamdaman ko sa pamamagitan ng halik na iyon. Ofcourse! Why would a girl kissed a boy?
Sumakit ang ulo ko sa kakaisip sa nangyari. Pakiramdam ko'y mababaliw na ako. Nilingon ko si Tyron. Pagod ang matatalim niyang mga mata. Ang labi niya ay sobrang pula. Uminit bigla ang pisngi ko. Hindi ko maiwasang hindi kabahan lalo na't kapag nasa tabi ko siya.
"Wag mo nang uulitin iyon, Miss Lorraine..." Aniya.
Napatingin ako sa kaniya. Ganon pa rin ang ekspresyon niya. Madilim at malamig. Wag kong uulitin ang alin? Yung halik? Damn! He didn't like it? Ofcourse, Lorraine!
"I'm sorry, Tyron-" I said.
"Wa'g mo nang uulitin 'yung lumayo ka sa akin. Mapanganib kapag hindi tayo magkasama. Nakita mo? Muntik ka nang mapahamak." Iritado ang kaniyang boses.
Oh? So he's talking about the incident a while ago? What about the kiss? Shiiit! Lorraine! You're dumb and stupid.
"Pasensya na kung pinag-alala kita..." Tumango ako.
"And...I don't like you wearing those stuff." Seryoso niyang sabi.
Kumunot agad ang noo ko. "Hmmm? What stuff? The two piece cloth?"
BINABASA MO ANG
What If
General FictionThis is not a tragic story. Inspired to Jonaxx's stories Crdts for my book cover to: Zeno Graphic Shoppe