Forty

3 0 0
                                    

Sinubukan kong aluhin ang sarili ko sa trabaho. Sinubukan kong kalimutan ang naging usapan namin ni Cedrick sa pamamagitan ng pakikipag-usap ko sa mga amerikanong kliyente. Pero hindi ko kaya... Hindi ko kayang hindi maalala.

"I just want a simple lamp shade perfect for a king size bed..." anang isang mahinhin na babae.

Naalala ko lahat. Naaalala ko ang lahat ng pinag-usapan namin. At hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na magiging tatay na si Cedrick. At hindi na dapat mag-tagal ang relasyong ito.

"Ms. Ronzeval..." she called.

Nabalik ako sa reyalidad. "Oh, I'm sorry... Here's my samples,"

Sumasakit ang dibdib ko nang maaalala ko iyon. Hindi ko ginustong tumambay sa buiding nina Cedrick para kausapin ang mga kliyente. Gusto ko sana sa isang malapit na coffee shop, restaurant, or milk tea shop maganap ang appointment. Pero hindi yata ako tinatantanan ng tadhana.

I saw him with his trecherous eyes. He look so fine with a brown suit. Sinulyapan niya ako at saglit na ngumiti. He turned his back and slowly went away. Ganoon siguro talaga si Cedrick. He's a very smart businessman. Hindi niya idadamay ang personal na issue sa magiging trabaho niya.

"I want it to be this way..." sabay turo sa isang sketch ko.

Tumango ako. Inilagay ko sa listahan ko ang lahat. I am too pre-occupied with everything! Ang tanging naiisip ko lang ay kung paano ako magiging ayos sa mga magiging sitwasyon sa susunod na araw at buwan. Iiwan ba ako ni Cedrick para sa Vivienne na iyon?

Nag-desisyon akong gawin ang mga furnitures at appliances sa pabrika. Gusto ko sanang ako mismo ang gumawa no'n dahil may knowledge naman ako about 'doon pero may hi-nire kasi si Cedrick na mga tao para gumawa sa pagawaan. Kaya bibista na lang ako dun at irerepresent ang mga kailangan nilang gawin.

"Good afternoon, ma'am..." bati ng isa sa mga trabahador.

Gusto ko sanang magpalipas ng oras dito pero ayoko namang masayang ang oras sa hindi pag-iintindi sa problema namin ni Cedrick. Ano kayang gagawin niya? Oo. Malaki ang possibility na iwan niya ako. Pero...ba't ayoko?

Matapos kong ipakita sa kanila, ay nagdesisyon akong pumunta sa bagong bukas na tea shop dito. Hindi ko alam kung magandang ideya ba ang mapag-isa dahil naaalala ko lang ang lahat. E bat ganoon si Cedrick? Hindi ba siya affected sa nangyari? He's working well with his own kaya dapat ganoon din ako.

Dumating 'yung order ko at patuloy pa rin ako sa mga pag-iisip. Nako naman! Bakit ba ganito? Ang sakit sa ulo.

Nu'ng huli, nag-desisyon ako na tawagan si Jolina kahit na alam kong tulog siya ng ganitong oras.

"Lorrie..." nagulat ako nang sagutin niya.

"I'm sorry... Are you asleep now? Nagbaka-sakali lang ako..."

"No, no... I am studying a case now. Why? Any problem?" nag-aalala niyang tanong.

Nag-simula na naman na maalala ko ang lahat. Nakoo. Paano ba ako magsisimula sa mga sasabihin ko? At ang isa pang kataka-taka, ay kung anong magiging opinyon niya pag nalaman niyang malungkot ako sa nangyari.

"Lorrie..." she called.

"Jolina, Cedrick is now officially a father." I said with no hesitation.

"WHAT!?" Halata ang gulat sa kaniyang mga tono.

Ngumiti ako ng hilaw. Ano kayang nasa isip ni Cedrick na magiging ama na siya? Is he happy? Pero diba, sabi niya ayaw niya sa batang iyon?

"Lorrie Ronzeval, nagbi-biro ka ba?" mariin niyang tinig.

What IfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon