Thirty

0 0 0
                                    

Hindi ko makalimutan ang eksenang iyon. Kahit nasa trabaho na ako ay iyon pa rin ang naging laman ng isip ko. I was traumatized. Ayaw ko na ulit makakita nang ganon. Tinignan ko ang kamay ko at hinaplos kung saan ako napahidan ng dugo. Umiling iling na lang ako sa naaalala ko.

"Okay ka lang?" Martin broke my heavy silence.

Tumango lang ako at nagpatuloy sa pakikinig kung paano iproseso ang pag gawa ng mga wooden furniture. Tama! Aabalahin ko na lang ang sarili ko sa pakikinig para makalimutan ko iyon.

I decided not to tell Cedrick. Siguradong matataranta lang iyon. Pupuntahan ako nun diro paniguradong iiwanan ang trabaho niya doon. I cannot let that happen. He is now the CEO of their company. Hindi magandang image kung bigla bigla lang siyang aalis 'doon.

When my fifth month passed, mas lalong dumali ang buhay ko dito. Mas malaking improvement. At sa tuwing maiisip ko na isang buwan na lang akong mananatili dito, ay labis ang kasabikan ko. I wanna go back to Manila! I miss my family there.

Biglang may nag-door bell sa kwarto ko. Pagkabukas ko ay nakita ko si Cedrick na may dalang pagkain. He's wearing just a simple white shirt and maong pants. His eyes looks so very tired. Pagod rin siguro sa trabaho ang isang to.

"I miss you..." sabi niya sabay yakap sa akin.

Ngumiti ako at tinignan ang dala niya. Sabay kaming kumain that night. Marami siyang kwento about their company. He is really a good leader and a good business man for their company. I cannot imagine him being like this. Parang dati lang, kami pa ang nagpapa-sweldo sa kaniya.

"Wala bang nangyayaring masama sayo dito?" bigla niyang tanong.

Naalala ko bigla yung nakita ko noong nakaraang buwan. Medyo naka move on na naman ako doon. Pero to think na may nakasunod at nanood ng bawat galaw ko ay masyadong delikado para sa akin. But in the end, mas pinili kong sarilihin ito. I am not sure yet about this. Minamanmanan ko rin ang bawat pagpaparamdam niya sa akin.

"Wala. What are you talking about last month, Ced? Bakit bawal akong lumabas dito?" naguguluhan kong tanong.

"This is a province. Maraming masasamang tao dito. That's why I'm telling you not to go outside kung hindi naman talaga kinakailangan," aniya.

Kahit hindi ako satisfied, nanatili na lang akong tahimik. Pakiramdam ko, may nangyayari na hindi ko nalalaman. I was too determined kung paano ko aalamin. Pero hindi ko alam kung saan at paano rin ako mag sisimula. I am too weak. Wala akong kahit anong kapangyarihan maliban sa pagiging Ronzeval ko. I cannot use my family name just for this.

Nang gabing iyon. Maagang natulog si Cedrick sa katabing kama ng kama ko. He was peacefully sleeping habang umiinom ako ng tea at naka-tingin sa bintana. Tanaw ang city lights at iilang mga sasakyan na dumadaan. It's 11:45pm. Pero hindi pa rin ako dinadapuan ng antok.

Napatayo ako sa kinatatayuan ko. For the nth time, nakita ko na naman ang lalaking madalas na nakatingin sa akin sa malayo. He was looking at me. Wearing his sunglasses, black cap and black t-shirt. Dinapuan ako ng kakaibang kaba. Agad kong binaba ang basong hawak ko.

Sinulyap ko si Cedrick at nakita kong mahimbing ang tulog niya. Pagkatapos, nilingon ko ulit ang lalaki. He's still looking directly at me with his to pitch black eyes. Pero hindi ko siya makilala. He's a total stranger for me.

Mabilis akong lumabas ng kwarto at ginamit ko ang elevator sa pagbaba. Medyo nagtataka ang iilang nakakita sa akin at binabati pa ako. I ignored all of them. Pagkarating ko sa entrance pinigilan ako ng guard. Hingal na hingal akong humarap sa kaniya.

"Madame? Saan po ang punta niyo? Gabi na po ah." aniya.

"W-Wala ka bang nakitang lalaking nakatayo diyan?" turo ko sa isang malaking puno. "Diyan mismo!"

What IfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon