Thirty Four

0 0 0
                                    

Patuloy ang pag-iling ko sa mga sinasabi ni Jolina! I cannot believe her! What the hell happened to Tyron? Naging masama ba ang pag-iwan ko sa kaniya?

"I am really sorry, Lorraine. Hindi na dapat ako pumayag sa set-up," mas mahinahon niyang sinabi.

Tumango ako. "I still need to talk to you tomorrow. It's late. We need to sleep now."

"I'll sleep here in 'your room?" nag taas siya ng kilay.

I sighed. "Oo. Ayaw mo ba? This is king size bed. Kasya naman 'tayong dalawa dito. Ako na ang bahala mag-explain kay mom and dad. Let's sleep..."

Kahit na gising na gising ang diwa ko, pinilit kong hiluhin ang sarili ko sa antok. What the heck just happened? At ano iyong nalaman ko? Tyron is in Laguna? What the fuck! Konting konti na lang mababaliw na ako sa mga pangyayari. I'll go to him! Hindi na baleng hindi ko siya maka-usap. Basta ang importante, makita ko siya.

Kinabukasan, tanghali na akong nagising. Alas onse y media na. Kaya naman tapos nang kumain sina mommy at daddy. The maids said they went to the office kanina pang umaga. Si Trevor ang naabutan kong naghahain ng pagkain. Nag-angat naman siya ng 'tingin nang makita ako.

"Where's your friend, ate? Maagang umalis sila daddy. Let's eat..." aniya.

Tumango ako. Umakyat ako sa taas at nakita kong naghihilamos ng mukha si Jolina. Tinignan ko siya. She looked better now. Tumaas ang kilay ko sa kaniya. I realized she's still wearing my clothes.

"Handa na ang pagkain sa baba. Mom and Dad left," sabi ko.

"Sorry for the trouble, Lorraine. Hindi na talaga ito mauulit," aniya.

Tumango ako. "That's fine. I actually need to thank you for helping me. Your doing everything to know everything. Really, thank you for that..."

"Hindi pa iyon sapat, Lorraine. Wag ka munang magpasalamat. We still need to know more!" aniya.

Tumango ako ulit. "Oo. Alam ko. Kaya maghi-hintay ako ng balita tungkol sa'yo. By the way, what are 'you doing for today?"

"I have to go to my class,"

"Class?" tumaas ang kilay ko.

"Yeah. I am having my law school now. Pumayag na si daddy na mag-abogado ako right after I helped him in his own business,"

I smiled. "Good! Now, let's go..."

Ganoon nga ang nangyari sa araw na iyon. After Jolina ate her breakfast, pinahatid ko rin siya sa driver namin. Hindi siya pwedeng mag-commute. Nakapang-bahay lang siya suot ang mga damit ko. Panay ang sorry at thank 'you niya sa akin bago umalis.

Ilang linggong wala akong balita kay Tyron. O sa kahit anong issue tungkol sa pamilya nila Cedrick. Naisip ko na baka nahihirapan sina Yumi at lalo na si Jolina sa paghahanap ng mga bagong impormasyon. Paano kaya kung ako na lang? Hindi pwede. Bantay ng pamilya ko ang kilos ko. At kahit hindi nila sabihin, alam kong bantay ako ni Cedrick.

"What are 'your plans for your incoming birthday?" ani Mommy sa isang dinner.

Katabi ko si Trevor na kanina pa tahimik. Daddy is always busy reading some stuff about company.

Nagkibit balikat ako. "I don't have any plans actually..."

"What? Ayaw mo bang mag out of town? Isama mo ang mga kaibigan mo. Isama mo na rin si Cedrick." naka ngiting sinabi ni mommy.

Nag-angat ng tingin si Trevor. "Mom, kuya Cedrick is a busy person. Don't pressure him to be with ate all the time,"

"Oo nga naman, Evelyn. May sariling buhay iyong bata..." si Daddy.

What IfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon