Eighteen

4 0 0
                                    

Nang nag alas kuwatro ay nawala na ang araw. Nakita kong lumabas si Irish galing sa kanilang bahay. She's now wearing a blue long sleeve and black jeans. Nang namataan niya kami ay agad siyang nagtungo sa kinaroroonan namin. Napalunok ako. Masama na 'yata ang pakiramdam ko.

"Hi. Can I join 'you?" Malambing niyang sambit.

Walang sumagot sa amin ni Tyron ngunit naupo siya sa harap naming dalawa. The way she looks at Tyron...parang pinupunit ang puso ko. Parang may espesyal na turingan ang 'dalawa.

"I have a good news, Ronron!" Ani Irish.

"What?"

"I'm staying here for good!" Masaya niyang sambit.

Nakita ko ang malapad na ngiti ni Tyron. He's happy. Ofcourse. His bestfriend will stay here for good. Naisip ko kung ano 'yung mga ginagawa nila dati? Sabay kaya silang kumain? Tumambay sa ilalim ng puno gaya ng ginagawa namin ngayon? Pinoprotektahan 'din kaya niya si Irish sa mga umaapi dito?

Ofcourse, Lorraine! They are best of friends!

"Naalala mo ba 'yung mga routine natin dati, Ronron? We will watch some movies all day! Didn't you miss that? Let's do that tomorrow." Ani Irish.

Ngumisi si Tyron. "I can't. I need to go to La Veznor tomorrow morning, Irish. Mabuti pa't si Kiana na lang ang yayain mo,"

"Ano ka ba? Bakit si Kiana?" Tawa nito. "By the way, pwede ba akong sumama sa'yo sa resort bukas?"

Tumikhim si Tyron. Nakita kong unti-unti siyang lumilingon sa akin, asking for my precious opinion. I would like to say 'no', ofcourse. Pero sa mga titig ni Tyron ay hindi ko ata kayang humindi. I know that he misses his bestfriend. At sino ako para hadlangan ang kasiyahan nilang 'dalawa.

"Sure, Irish." Tango ko.

"Great!" Ngumiti siya sa akin.

I want to ask something to myself. Is it really possible for a girl and a boy to be bestfriends without falling inlove with each other? I mean.. Yes, nagkaroon ako ng mga kaibigang lalaki. Sa University na pinapasukan ko 'dati. Pero kahit kailan, wala akong naramdaman para sa kanila. Pero iba ang kaso ni Tyron at ni Irish. Matagal na silang mag-kaibigan. At nararamdaman kong matatag ang pinagsamahan nila. Walang makakagiba.

Nang nag alas sais na ng gabi ay pumasok na kaming tatlo sa loob. Nakita kong nagluluto ang kaniyang ama na si Fredirico Del Valle. At si Kiana naman na abala sa kaniyang cellphone. Ibinaba niya ito nang makita niya kami.

"Oh, nariyan na pala kayo," the old man said.

Tumayo si Kiana sa kaniyang pagkaka upo at lumapit sa kinaroroonan namin. Ngayon ko lang na appreciate ang ganda ni Kiana. She's skinny. Ang buhok niya na hanggang balikat ay umaalon kada lumalakad siya. Matangos ang kaniyang ilong. Ang mga mata niya ay kitang kitang nanggaling ito kay Tyron. It was aggresive and fierce. Paano kayang hindi ito nagustuhan ni Trevor? She's like a god for god's sake!

Humilig si Tyron sa tabi ko at inilapit ang kaniyang labi sa aking tainga.

"I will just change. Stay here." Aniya.

Ngumiti ako at tumango. Tinahak niya ang kulay kapeng hagdahan nang mawala siya. Si Irish ay umupo na sa hapag. Ganon rin si Kiana. Ako nalang ang natirang naka tayo rito. Tinignan ako ng ama ni Tyron at kumunot ang noo niya sa akin.

"Maupo ka na, ija. Nag handa ako para sa ating lahat," aniya.

"Salamat, ho." Ngiti ko at tango.

Hinila ko ang isang monoblock chair. Napagitnaan ako ni Irish at ni Kiana. I saw Kiana's eyes on me. Bigla akong kinabahan sa kaniya. Lokohin ko man ang sarili ko, alam kong hindi niya rin nagugustuhan ang presensya ko. But I understand. Maybe because of Trevor.

What IfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon