Mabilis kaming bumalik sa kanilang bahay. Alam kong nakakahiya pero wala akong magawa. Tyron wants me to stay in their house. Syempre, gusto ko rin iyon at ayoko rin naman sa bahay.
Mas matalim ang tingin sa akin ni Irish ngayon. I understand her cold treatment. She is Tyron's bestfriend kaya normal lang na mag-alala siya dito. But, no. Babae rin ako. Alam ko ang tingin ng isang babae kung gusto niya ang lalaki. Kung paano ko tignan si Tyron noon, alam kong ganoon rin ang pagtingin ni Irish sa kaniya ngayon.
How about Tyron? Dapat hindi na ako magugulat kung malalaman kong mahal na rin niya si Irish. She is his childhood friend. Imposible namang walang naramdaman si Tyron sa kaniya ng higit pa sa pagkakaibigan.
"I heard the news. Hindi ka raw kumakain sa resort..." Matigas na sabi ni Tyron.
Agad ko siyang nilingon. "Hindi kasi ako ginugutom.."
Umigting ang kaniyang panga nang lumapit sa akin. Inilapit niya ang mukha niya sa akin na siyang ikinagulat ko. For god's sake! Narito si Irish.
"Sa bahay ko, gugutumin ka na..." Aniya.
Lumayo siya at humalakhak. Damn, Tyron. Nakita kong kumuha siya ng apron at isinabit sa kaniyang katawan. Nilingon ko si Irish at nadatnan kong nakatingin siya sa akin ngunit umiwas agad ng tingin.
"Rish... Anong gusto mong ulam?" Narinig kong sigaw ni Tyron galing sa kusina.
Agad na napangiti si Irish. "Anything will do, Ronron."
Kung sasabihin kong hindi ako nagseselos ay magsisinungaling ako. Dahil sa simpleng interaksyon na iyon ay naiinggit ako. The way they call their names... It's hurting me alot.
Hinintay kong tanungin ako ni Tyron ngunit wala. Walang sumigaw pagkatapos noon. Yumuko ako. Irish is infront of me. Umupo siya sa tabi ko. Kumunot agad ang noo ko dahil hindi ko alam kung bakit siya tumatabi sa akin. We're not even close.
"So you're here again, Lorraine Ronzeval," Panimula niya.
"And? Ano ngayon sa'yo?" Tumaas ang kilay ko.
Humalakhak siya ng mahina. "Umaasa ka pa rin ba kay Tyron? He will never love or even like you."
Oh, bitch. Kakasabi niya lang sa akin kanina. Alam ko naman na nagseselos siya. Ayoko lang patulan. Isa pa, I am a Ronzeval. Kung hindi ako pinanganak ng mahirap, hindi rin ako pinanganak ng walang asal.
"Really? Poor me... Mabuti na lang upgraded ang status namin. How about 'you? Born friends? Die friends..." Ngumisi ako.
"Wala kang alam sa relasyon namin ni Ronron. Alam mo bang sinabi niya sa akin na walang makakapantay sa relasyon naming dalawa? Ipinangako niya sa akin na ako lang ang babae sa buhay niya..." I can hear now bitterness on her tone.
Hindi ako naka-imik. I don't know if that's true or not pero masakit pa rin sa akin ang marinig iyon. Dahil alam kong sa sarili ko na kahit hindi ko man marinig mismo kay Tyron, alam kong posible na maging totoo ito.
"Bakit hindi ka makapag-salita? You can ask Tyron if you want dear..."
Ngumiti ako. "Wag kang mag-alala. Sinabi niya na iyon sa akin..."
Hindi na siya umimik matapos non. Naamoy ko na ang mabagong amoy ng sinigang na baboy. Pareho kaming napatingin kay Tyron na naka-kunot ang noo ko habang inilalapag niya mangkok sa kanilang kahoy na lamesa.
"Let's eat now..." Ani Tyron.
Umayos ako ng upo at kumuha ng pinggan. Gayon din ang ginawa ni Irish na hindi pa rin magawang sumulyap sa akin. I saw Tyron's eyes on her. Kumunot agad ang noo niya.
BINABASA MO ANG
What If
General FictionThis is not a tragic story. Inspired to Jonaxx's stories Crdts for my book cover to: Zeno Graphic Shoppe