I'm tired think all this nonsense shits. May press conference kami ngayong araw kaya kailangan kong maghanda. Hindi pwedeng lutang ang isip ko sa harap ng media.
Nag-bihis ako ng casual attire. I put my make ups on. Ang press con ay gaganapin sa Manila so kailangan kong bumyahe kasama ang team, ofcourse with Tyron.
Naalala ko 'yung panaginip ko. Back when I was only eleven years old. Yung mga panahong hindi ko pa nakikita ang sarili ko sa ganitong sitwasyon. Yung hindi ko alam na kaya ko pa lang patakbuhin nang mag-isang iniwan sa akin ni Tita Guia. And now dad and mom trusted me with this one. Pero may isa pa akong gusto kong malaman. Who is the man in my dreams? His image looks like the younger version of Tyron pero siya nga kaya iyon?
Pagkalabas ako ay may bumati na agad sa akin. Kumaway ako at ngumiti. Halos hindi magkamayaw ang media at bodyguards sa paghabol sa akin.
"Miss Lorraine! Get in the car," nag aalalang sabi ni Georgia.
Tumango ako at sumunod sa sinabi niya. Mabuti nalang tinted ang bintana nang sasakyan ko. Rinig ko pa rin ang ingay sa labas kahit nasa sasakyan na ako. Nagsuot ako ng shades kasabay nito ang pag andar ng sasakyan.
Kinapa ko ang cellphone ko sa pouch ko at may isang text dito galing sa unregistered number. Kumunot ang noo ko habang binubuksan ko ito.
Unknown number:
Miss. Um-attend ako ng family day ni Kiana. Sorry kung male-late ako.
- T. Del Valle.
Bumilis ang pintig ng puso ko nang mabasa ko ang message ni Tyron. Ofcourse, I know that this Tyron based on his codenames. Halos hindi ko na maalis ang tingin ko sa cellphone ko. Agad akong nag-type ng mensahe para sa kaniya.
Ako:
Alright. Take care.
Hindi na siya nag-reply pagkatapos nun. Siguro hanggang 20 minutes lang naman ang sinasabing late ni Tyron. Isa pa, nasa Maynila na siya kaya mabilis lang ang kaniyang byahe.
Bumusina si Mang Lando. We're here. Kumapal ulit ang mga tao. Ang sasakyan nila Georgia at Manager Celestine ay kasunod lang naming dumating. Agad akong nilapitan nang mga reporters .
"Lorraine Ronzeval, gaano po kahirap ang proseso ng paggawa ng isang published magazine para mapangalan itong highest paid magazine in Asia?"
Ngumiti ako. "Well, it takes lots of patience and hardworks. Kailangan laging nasa isip mo ang goal mo. It doesn't matter to me the sales of Look At It Now Magazine. As long as people enjoying it,"
"Totoo ho bang kasintahan niyo na ang bagong modelo ng Ronz' Magazines na si Tyron Del Valle?"
Nanahimik ako. Shit! Saan na naman nanggaling ang balitang ito. Well! Showbiz nga namin. Kasing bilis ng hangin ng bagyo ang pagkalat ng balitang hindi naman totoo.
Hindi ko na iyon nasagot dahil mabilis akong hinila ni Georgia at Manager palayo 'doon. Nang makapunta ako sa venue ay halos masilaw ako sa flash ng mga camera na narito. Inilalayan ako nila hanggang sa makaupo ako sa tama kong upuan.
Umupo sa tabi ko si Manager Celestine at si Georgia. Panay ang ngiti ko sa camera. Ang mga bulong bulungan ay nagpaparindi sa akin. Ang mga flash ng camera ay sobrang pamilyar nito sa akin.
"Good afternoon ladies and gentleman!" Wika nung isang reporter. "We're here with the future owner of Ronzeval Corporation and the head model of Ronz' Magazines, Miss Lorraine Ronzeval."
Tumayo ako at sinalubong ko ang palakpakan ng mga tao. Ngumiti, tumango at kumaway ako sa kanila. Tinignan ko ang orasan ko at nakita kong alas dos y media na. Anong oras kaya darating si Tyron?
BINABASA MO ANG
What If
General FictionThis is not a tragic story. Inspired to Jonaxx's stories Crdts for my book cover to: Zeno Graphic Shoppe