Thirteen

3 0 0
                                    

Even Yumi and Jolina are here also. Nakikipag tawanan sa mga inimbita nilang kaibigan. Ipinasara ang resort ngayon at sa susunod na araw 'dahil nga sa celebration na ito.

"Lorraine! Uy!" Narinig kong boses ni Jolina.

Agad akong lumapit sa table nila. They're drinking wine and talking. May mga lalaking naka simpleng t-shirt silang kasama. Isa isa ko itong sinuri ngunit hindi sila pamilyar sa akin.

"Are you enjoying the party?" Tanong ko.

Humalakhak si Yumi na sa tingin ko'y medyo may tama na. "Ofcourse! By the way, this is Franco and Jaron..."

"Hi!" Ngiti ko sa dalawa. Nakangiti rin silang nakipag kamay sa akin.

"Congratulation for the succses! Look At It Now is number 1 in Asia! It sold more 500,000 copies! Let's have a toast for that."

Ininom ko ang wine na nasa baso ko. Iniiwasan ko 'talagang uminom ng marami dahil ayokong malasing. Ayokong isa pa ako sa iintindihin. Kaya't hanggat maari ay hindi ako iinom ng mabibigat sa tyan. I'm wine with wines.

"Ano bang plano mo, Lorraine? Balak mo bang ipagpatuloy 'tong negosyo ng dad mo or magtatayo ka ng sarili mong business in the future?" Tanong ni Jaron.

Tumawa ako. "Sa ngayon wala pa 'yan sa isip ko. Ang gusto ko lang ngayon ay mas mapalago pa ang sales ng Ronz' Magazines."

"Lovelife? Boyfriend? Don't tell me wala kang balak? You are one of the famous girl in the Phillipines. Everyone adores you. So..." Si Franco na nagsalin ng panibagong alak sa bote niya.

"Hay naku, Franco! Masyadong workaholic yang si Lorraine! Hindi ko nga alam kung mag mamadre ba ito pagdating ng panahon e," Jolina said

Tumawa ako. Sa akin naman kasi, kung darating ay darating talaga yan. Sa ngayon ay gusto kong mag focus sa mga bagay na gusto kong gawin. Sa kung anong magpapasaya sa akin. Lolokohin ko ang sarili ko kung sasabihin kong ayokong maranasan ang bagay na iyon. Oo. Gusto ko. Pero ayokong madaliin ang lahat.

"After this huge break of Ronz', I think you should go outside. Maglibang ka rin. Meet some new friends. Hindi 'yung puro laptop, lapis at measuring tape ang hawak mo." Natatawang sabi ni Yumi.

Tumawa ako. Wala akong ginawa kundi makinig sa mga payo nila. Sa tingin ko'y tama sila. Kailangan ko na sigurong maglibang. Kailangan ko ng bagong kapaligiran. Saan naman ako pupunta? Manila? Masyadong crowded doon. Siguro susubukan ko sa Palawan. Hindi ko pa nakikita yung bagong lupain na binili ni Daddy doon.

"Cheers!" Sabi ko. Medyo nahihilo na.

Umaalon na ang paningin ko. Nahagip ko ang mabibigat na tingin ni Tyron sa kabilang mesa. Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko na nakita sina Trevor at Kiana pagkatapos ko silang iwan. Sa tingin ko'y kailangan kong umakyat muna.

"Yumi, Jolina, Jaron and Franco, excuse me for a while..." Tango ko sa kanila.

"San ka pupunta?" Hinawakan ni Jaron ang braso ko at agad ko itong inalis.

"Sa taas. May gagawin lang." Pagod kong sinabi.

Pa zigzag na ang lakad ko pero nagawa ko namang umakyat sa taas. May mga maids na abala sa pagpupunas ng sahig at ng mga salamin. Hindi ko na sila nagawang batiin. Tinignan ko ang relo ko at nakita kong alas dose na pala. Humikab ako habang nagtatanggal ng heels ko.

"Manang. Paki timpla  ako ng kape." Sabi ko sa katulong na abalasa pagpupunas ng lamesa. "Hihintayin ko sa kwarto ko."

"Sige, ija." Aniya.

Humikab ulit ako paakyat sa kwarto ko. Ganito ako lagi tuwing umiinom. Sa tuwing mararamdaman ko ang pagkahilo ay tinitigal ko na ang paginom. Alam ko sa sarili ko kung kailan ako malalasing at kung anong tama nito sa akin kaya mas mabuti ng ganito.

What IfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon