Hindi na ako nakipagtalo pa sa kaniya. Pakiramdam ko ay useless lang ito dahil alam kong kahit anong sabihin ko ay siya pa rin ang masusunod. Sinuot ko ang lahat ng binili niya. Puro mamahaling hoody, cap, at itim na shades.
Sabay kaming pumasok sa loob. Agad na lumipat ang matatalas na mata patungo sa akin. Hindi ko maiwasang kabahan. Lumapit pa ng mas malapit sa akin si Tyron. Nagbabanggaan ang kaliwang kamay ko at kanang kamay niya.
"What do 'you want to then?" Tanong niya.
Nagkibit balikat ako. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon. Lalo na't halos mamatay ako sa sobrang kaba.
"Kahit ano nalang, Tyron. Maraming tao 'dito. Sana ay doon nalang tayo sa private place," sabi ko.
Agad niya akong nilingon. "It's okay, Miss Lorraine. Ako ang bahala sa'yo. Manuod nalang tayo ng movie?"
Tumango ako. "Oh sige,"
Hindi pa rin nawawala ang kaba ko pero medyo nabawasan naman ito nang kaonti nang bumili si Tyron nang dalawang ticket para sa amin at ng popcorn. Romance ang napili kong movie at game naman si Tyroon doon. Although, I'm not seeing him as a romantic guy.
Sa bandang gitna kami umupo. Mabuti nalang naka-jacket ako 'dahil sobrang lamig ng aircon 'dito. Mabuti nalang din at madilim at wala masyadong makakakita sa amin.
Nang kalagitnaan ng palabas ay halos natahimik ang mga tao. Nandito na kasi yung eksena kung saan nakipaghiwalay na 'yung lalaki sa babae pero hindi pumapayag ang babae. Napa iling ako. May ganito kayang babae sa totoong buhay? Marami sila. Pero hindi ako magiging isa sa kanila.
"Saan tayo kakain pagkatapos?" Tanong niya.
"Hindi ko alam. Kahit saan mo gusto,"
Ngumuso siya. "I want to go in a public places but I know we can't."
Nilingon ko ang mapupungay niyang mata. Hindi ko na ata naririnig ang pinapanuod ko 'dahil mabilis na kumakalabog ang puso ko.
"Sorry, Tyron. Hindi 'talaga pwede. Sana maintindihan mo," malungkot kong sambit.
Nang matapos ang palabas ay bumalik ang kaba ko. Panay ang yuko para maka siguradong hindi ako mamumukaan ng mga tao. Panay naman ang layo ko kay Tyron ngunit panay rin naman ang lapit ng katawan niya sa akin.
"Miss Lorraine," tawag niya.
"Hmmm?"
"May pupuntahan 'tayo," mariin niyang sinabi at mabilis na hinila ang braso ko.
Nagtungo ulit kami sa parking lot. Lumuwag na ang pakiramdam ko 'dahil unti-unting nawala ang tao sa paligid namin. Nang makasakay kami ay nagpakawala ako ng mabigat na hininga. Tinanggal ko ang sumbrero at salamin na itim sa katawan ko.
"You look nervous," sambit ni Tyron.
Umiling ako. "Hmmm. Not really."
"You look so nervous. What makes you nervous, hmmm?" Malambing niyang tanong.
Pinaandar niya ng mabagal ang sasakyan. Tinignan ko ang relo ko at nakita kong alas dose na pala. Hindi ko alam kung kakain kami ng lunch or mamamasyal sa mga lugar dito. I want to call this a date but he said this is not a date so...
"Kamusta nga pala si Kiana?" Tanong ko nang maalala ko siya at ang tungkol sa kanila ng kapatid ko.
Ngumisi siya. "She's fine. I think she already moved on. Sinabi ko naman sa kaniya na hindi lang si Trevor ang lalaki sa mundo." Ngiti niya. "Kamusta naman si Trevor?"
"Hindi kami nagkikita this past few days pero sa 'tingin ko ay ayos lang naman siya. Wala namang araw na hindi nagiging okay 'yun. He's a playboy, you know..."
BINABASA MO ANG
What If
General FictionThis is not a tragic story. Inspired to Jonaxx's stories Crdts for my book cover to: Zeno Graphic Shoppe