ⓒ All rights reserved for Corra (Destined to the Dragon). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.
ENJOY!!
Isang hardin, isang na paka gandang hardin. Hindi ko naman na iwasang maglibot ng mga mata ko dahil sa mangha na umaapaw sa akin ngayon. Ngayon lang ata ako nakakita ng ganito ka ganda na mga bulaklak. Sa pagkakaalam ko, ang mga ganitong uri ng bulaklak ay tumutubo lamang sa katimugang bahagi ng kaharian. Kung saan ang bundok na sina sabi nila na bahay ng isang halimaw.
Ito ang mga kwento kwento noon ng mga matanda, wala atang batang hindi nakakaalam ng mga kwento na ito. Pero bakit may ganito dito sa kahariang kanluran? Ang nakapagtataka lang dahil ngayon ko lang nakita ang lugar na ito. Parang na punta ako sa ibang bahagi ng kaharian na ngayon ko pa lamang nakita.
Nasa kaharian pa ba ako?
Naglibot ako sa lugar para makita pa lalo ang kagandahan ng malawak na hardin. Sa di kalayuan, isang kweba ang na pansin ko. Isang nakakatakot na kweba sa dulo ng magandang hardin. Tumindig ang balahibo ko dahil sa isang kakaibang pakiramdam, pero sa kabila ng takot na yun isang paghila ang na raramdaman ko. Hindi ko na malayang dinadala na pala ako ng mga paa ko sa kweba. At hindi nagtagal, nasa harapan ko na ang kweba kanina.
May na rinig akong kakaibang tunog, tunog ng pag hinga.
"May tao ba dito?" Tanong ko sa di kasiguradohang nilalang. Pero katahimikan ang sumagot sa akin.
Hindi ko alam kung saang lupalop ko na pulot ang isip na pumasok pa lalo sa kweba. Dahil sa kakaibang paghila, nagkaroon ako bigla ng tapang para magpatuloy. Ang naririnig ko kanina na paghinga ay lumalakas na, na parang isang paghinga ng isang napaka laking nilalang. Ramdam ko ang malakas na hangin na dulot nito at ang nakapag tataka, bigla nalang uminit ang paligid na parang nasa isang bulkan ako.
Isang ilaw ang biglang lumantad sa di kalayuan at unti unti itong lumalaki. Dalawang pulang bagay ang biglang nakita ko sa taas ng ilaw at ilang minutong pagtitig ko nito, naging malinaw ang lahat.
Biglang lumaki ang mga mata ko sa oras na na laman ko kung ano ito. Ang pulang bagay kanina ay isang higanteng mata na naka titig sa akin at ang ilaw sa baba nito ay isang na mumuong apoy.
Aakmang sisigaw na sana ako ng biglang lumaki ang apoy at mabilis itong patungo sa akin. Pero sa takot na dinulot nito sa puso ko, ito ang nagpatayo sa akin bigla sa hinihigaan ko.
Hingal na hingal akong naka upo sa higaan ko at pansin ko ang tumutulong pawis sa noo ko.
Nanaginip nanaman ako.
Higit isang linggo ko na itong napapanaginipan. Parehong hardin at parehong kweba ulit ang nagpapakita sa akin.
Hindi ko alam pero sobrang pamilyar ito tila na puntahan ko na ang lugar nayun.
BINABASA MO ANG
CORRA (Destined to the Dragon)
FantasyBigla kong na ramdaman ang mainit niyang dila at na gulat nung ramdam ko ulit ang kislap. Dinilaan niya ang mga sugat sa kamay ko at binti at matapos nun, hinila niya ako palapit. Ano ba ang ginagawa ng dragong ito?? At bakit ko ba na raramdaman ang...