~•○ 11 Takot ng puso ○•~

3.2K 142 6
                                    

ⓒ All rights reserved for Corra (Destined to the Dragon). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

ENJOY!!

Limang oras...

Limang oras na kaming naglalakad at parang nag didilim na ang mga mata ko sa pagod! Pero ang mga nakakamanghang mga halaman ay nakakahulog baba lang. Para akong naka tira sa ibang planeta dahil lahat atang nakikita ko ay pinupuri ko. Napaka bulag nga namin sa kagandahang ito, sayang nga lang dahil hindi ito nakikita ni ina ngayon. Alam ko matutuwa siya sa mga bagay na ito, lalo na't hilig niya ang mga kakaibang mga halaman.

"Ayos ka lang ba?" Biglang tanong ni Liro na nasa tabi ko.

"Oo ayos lang naman ako. Napaka ganda ng lugar na ito, hindi ko akalaing ganito ka ganda ang labas ng kaharian." Sabi ko habang hinahawakan ang isang bulak-lak sa kamay ko.

"Hintayin mo ang pagdating natin sa mundo ko, wala lang ito sa kaharian ko." Sabi niya at ngumiti. Biglang huminto ang puso ko dahil dun, lecheng ngiting yan. Napa lunok ako nun at tumingin na sa ibang dereksyon.

"Prinsipe Liro, hindi tatagal sa sampong oras ay darating na tayo sa talon ng Hagbis." Rinig ko kay Zorix na sinusuri ang mapang hawak niya. "Di parin pwedeng magtagal sa daan, alam ng langit ang panganib na dala nito."

Napa tingin naman ako sa langit nun, at may na kikita akong itim sa ulap sa kalangitan at napa pikit. Ramdam ko ang lamig ng paligid at rinig ko ang kakaibang ihip ng hangin.

"May parating na ulan." Sabi ko.

Sampong taong gulang pa lamang ako ay tinuruan ako ni ama nito, isa parin siyang magiting na mangangaso. Hindi man ako nakakasama sa mga lakad niya, hindi parin siya nag kulang sa mga aral na binibigay niya. Kahit iniisip ng iba na wala na siya, buhay na buhay parin siya sa puso ko.

Tatlong oras ulit na paglalakad at binaliwala ko ang sakit na nararamdaman ko sa paa. Lumalakas na kasi ang hangin at umiitim lalo ang kalangitan hindi pwedeng ito ang magtatagal sa amin sa daan. Mapapaaga ata ang ulan na naramdaman ko. Isang kidlat ang biglang binigay ng langit na ikinagulat ko. Napa talon ako sa gulat at na rinig ang tawa ni Zorix.

"Na aamoy ko na ang ulan." Rinig ko kay Liro.

Nag madali kami ulit dahil sa anunsyo ng paligid. Di naman nagtagal, ramdam ko na ang ambon sa kalangitan. Kinuha na ni Liro ang gamit na dala-dala ko at ngayon hindi na kami naglalakad, tumatakbo na kami dahil sa lumalakas na hangin.

Ilang minuto ang dumaan, bumuhos na nga ang ulan.

Napakalakas nito na nagpapahina ng takbo ko. Dahil sa putik na dinulot ng ulan at malakas na hangin, parang mahihirapan na kaming makakita ng masisilungan. Pero isang sigaw ang na rinig ko, sigaw na nagbigay ng pag-asa sa amin ngayon.

"Tingnan niyo! Isang kweba!" Sigaw ni Zorix.

Sa oras na dumating kami sa kweba, isang sumpa galing kay Liro ang na rining ko.

"*^*&%^$%! NAPAKA WALANG KWENTANG ULAN!" Inis niyang sinabi at tinapon sa pader ng kweba ang mga gamit namin. Napa taas naman ang kilay ko nung may nakikita akong usok na lumalabas sa katawan niya. Tila isang kalderong na buhosan ng tubig.

"Hindi tatagal ang ulang ito, dadaan lang ito. Kaylangan nating maging tuyo bago hihinto ito. Sagabal parin ang mabigat na dala sa atin." Zorix.

"Gumawa ka ng apoy Liro." Utos ko.

CORRA (Destined to the Dragon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon