ⓒ All rights reserved for Corra (Destined to the Dragon). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.
ENJOY!!
Isang ma silaw na bagay ang nagpagising sa akin. At sa isang linggo na puro masamang panaginip lang ang bumabati sa akin sa pagtulog, ito na ata ang kauna unahang napaka ganda ng panaginip ko. Ramdam ko bigla ang isang kislap na sumasabog sa katawan ko. Parang na bubuhayan ako bigla at parang alam ko sa sarili ko na tama ang kislap na ito sa pakiramdam ko.
Pero ang pinagtataka ko, bakit parang bumigat ata ang katawan ko. Tila may isang matigas na naka patong sa taas ko na hindi ako maka galaw. Lumaki naman ang mga mata ko nung may na raramdaman akong humihinga sa gilid ng mukha ko. Sa sobrang lapit nito parang inaamoy niya na ang buhok ko. Bigla nalang nagwala ang puso ko na parang isang kabayong na baliw. Sino ba ang taong nasa gilid ko? Ano bang ngyari? At nasaan ba ako ngayon??
"Huminahon ka, maliit na kabiyak. Ramdam ko ang puso mong nagwawala." Biglang salita sa gilid ko at nag bigay naman ito ng panibagong pakiramdam sa akin ngayon. Parang sa na raramdaman ko, kung naka tayo man ako, kanina pa na gugulay ang mga tuhod ko dahil sa pakiramdam na yun.
Naglakas loob naman akong lingonin ang kung sino man ang nasa gilid ko at na gulat.
Parang naka limotan ko na atang huminga dahil sa nakikita ko.
Ang nasa harapan ko ngayon ay isang lalakeng may mala langit na mga mata. Bakit pamilyar ito sa akin? Parang na kita ko na it-....
( O_O )
Parang isang alon ang biglang dumaan sa utak ko na nagdala ng mga pangyayaring hindi ako maka paniwala. Na alala ko na ngayon! Ang kagubatan, mga lalakeng lobo, ang pagtakbo, ang paghulog, at ang mala langit na mga mata.
Pero hindi lang ito ang nagpagulat sa akin ngayon dahil ang lalakeng nasa gilid ko ay ang lapit lang. Isang tulak nalang ng hangin ay ma hahalikan ko na siya. Na tatamaan ng ilong ko ang dulo rin ng ilong niya. Pero bakit parang wala akong lakas para lumayo sa kanya? Bakit parang may nagsasabing tama ang lapit ng katawan niya sa akin.
"S-sino ka?" Sabi ko at napa lunok.
Bigla siyang gumalaw at lahat ng galaw niya ay nag dala ito ng mga paro paro sa loob ng katawan ko. Ano bang ng yayari sa akin? Hinarap niya ako habang naka sandal siya sa kanyang kaliwang kamay. Pero hindi parin niya kinukuha ang kamay niya sa akin na ngayon ay nasa bewang ko na.
"Anong na alala mo, kabiyak ko?" Tanong niya at nag taka naman ako nun, kabiyak? Nahihibang ba ang lalakeng to?
"Kabiyak? Patawad pero hindi kita kila-...!" Aakmang tatayo na sana ako ng biglang sumakit ang mga paa ko.
Napa kagat ako sa labi ko at napa hawak sa paa ko. Maduduling na ata ako sa sakit dahil ramdam ko rin ang empyerno sa braso ko. Na alala ko ang sugat na ito, ito ang kinagat ng higanting lobo. Isang malaking dahon ang nakita kong naka balot sa paa ko at sa pag angat ko nito, wala akong na kikitang sugat pero nanatili ang sakit sa loob nito.
"Wag ka munang tumayo. Kaylangan mo ng pahinga, hindi ka gagaling kung bibiglain mo ang katawan mo." Rinig ko sa lalake kanina. Nilingon ko siya at tinitigan.
Kung hindi ako nagkakamali, siya ang nag ligtas sa akin sa mga lobong yun. Pero ang pinagtataka ko, ang na ririnig kong nakikipag-away sa mga lobo ay isang higanteng nilalang. Pero gayun pa man, nagpapasalamat parin ako sa kanya.
"Maraming salamat sa pagligtas mo sa akin." Sabi ko at dahil dun, bigla ko siyang nakitang ngumiti.
Tumakbo nanaman ng mabilis ang puso ko tila isang higanteng kabayo na ang tumatakbo nito. Aaminin ko, napaka gwapo ng lalakeng nasa harapan ko ngayon. Para siyang isang anghel na nahulog sa mundong ito. Pero teka, bakit ko ba iniisip ang mga bagay na to?
BINABASA MO ANG
CORRA (Destined to the Dragon)
FantasyBigla kong na ramdaman ang mainit niyang dila at na gulat nung ramdam ko ulit ang kislap. Dinilaan niya ang mga sugat sa kamay ko at binti at matapos nun, hinila niya ako palapit. Ano ba ang ginagawa ng dragong ito?? At bakit ko ba na raramdaman ang...