ⓒ All rights reserved for Corra (Destined to the Dragon). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.
ENJOY!!
Isang napaka gandang silid ang nakikita ko ngayon. Isang pamilyar na puting silid na sa tingin ko isang daang tao ang makakapasok dito dahil sa laki. Pero kahit napaka ganda at napaka laki ng silid na ito, walang kasiyahan ang na raramdaman ko. Parang isang ordinaryong silid lang ito sa akin, at napakalungkot.
Teka, saan nga ba ako? Kanino ba ang silid na ito?
Bigla akong tumayo dahil sa kalituhan at ramdam ko na ang pagwawala ng puso ko dahil sa takot na nararamdaman ko.
Nagdesisyon akong maglakad at maghanap ng labasan, naglakad ako ng naglakad hanggang na punta ako sa isang silid na may salamin. Bigla namang bumilis ang puso ko dahil sa na kikita ko, hindi ko na kikita ang sarili ko sa salamin. Dahil ang nakikita ko sa salamin ay isang babaeng naka suot ng gintong damit.
Napaka ganda niya na parang isa siyang prinsesa sa isang palasyo. May korona siyang suot at ang nakapagtataka lang dahil kaparehong kulay ang buhok ko sa kanya. Dahan dahan kong hinawakan ang salamin at nagtaka nung sumasabay ang kamay ng babae sa mga galaw ko. Kita ko rin ang kalituhan sa mga mata niya at takot. At napa lunok naman ako dahil dun, sino ba tong babae sa harapan ko?
"Sino ka?" Salita ko pero boses ko lang ang na ririning ko.
Hinawakan ko ang mukha ko at gayun din ang ginawa ng babae sa harapan ko. Teka, ako ba ang babaeng to? Hindi ko maintindihan.
Oh Diyos ko, ano nanaman bang ka wirdohang ngyayari sa akin ngayon? Sumanib nanaman ba ako sa isang katawan? Panaginip nanaman ba ito?
Napa hawak naman ako sa puso nun dahil parang na hihirapan akong huminga. Dumadaig na ang takot sa akin ngayon at na gulat nung na kita ko ang pagbuo ng yelo sa tinatayuan ko.
"Ano bang ngyayari?!" Sigaw ko.
Tumakbo ako palabas ng silid na yun at nilakasan pa lalo para maghanap ng isa pang pinto. At di naman nagtagal may nakita akong isang pinto sa di kalayuan. Nagmadali naman akong tumakbo nun at sa pagbukas ko, isang labasan ang lumantad sa akin.
Agad kong kinoletka ang sarili ko at lumabas na sa silid kanina. Pero bakit parang may mali? Lumingon ako ulit sa likod ko at na gulat nung na puno ng yelo ang dinaanan ko. Sa sobrang kapal nito, parang may na kikita na akong kristal na bumubuo nito.
"Ano bang ngyayari?!" Sigaw ko ulit at na gulat nung may lumabas na kristal sa kamay ko.
Biglang dumilim ang paligid at na gulat nung na wala ang sahig na tinatayuan ko. Na hulog ako sa isang hardin at nakita ang makapal na yelo sa paligid. Iba na ang suot ko, hindi na ang gintong damit kanina, kundi isa ng kasuotang pandigmaan. Isang pana ang hawak hawak ko at may na kikita akong isang katawan na gawa sa kahoy. Itatapon ko na sana ang pana ng hindi ko magawa ang gusto ko. Inulit ko ito ng inulit hanggang napatingin ako sa hawak hawak ko.
BINABASA MO ANG
CORRA (Destined to the Dragon)
FantasyBigla kong na ramdaman ang mainit niyang dila at na gulat nung ramdam ko ulit ang kislap. Dinilaan niya ang mga sugat sa kamay ko at binti at matapos nun, hinila niya ako palapit. Ano ba ang ginagawa ng dragong ito?? At bakit ko ba na raramdaman ang...