ⓒ All rights reserved for Corra (Destined to the Dragon). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.
ENJOY!!
Hindi ko inaasahang, napakagaling pala ni Liro pagdating sa spada. Para siyang sumasayaw dahil sa mga galaw niyang nagpapatalo sa mga kalaban niya ngayon. Nakaka mangha lang kung pano niya agad na babasa ang mga galaw ng kalaban. Parang hindi umaabot ng sampong minuto ang bawat laban niya dahil agad niya itong na tatalo! At na papansin kong umuusok na ang katawan niya dahil sa pinaghalong init at lamig ng paligid. Minsan talaga hindi ako maka paniwala na isa siyang dragon.
"Tumayo ka." Sabi niya sa lalakeng naka higa dahil na patumba niya ito. "Wag mong isipin ang nasa paligid mo, ito ang magdadala sayo sa kamatayan mo. Basahin mo lang ang mga galaw ko at isaulo ito para gawin itong galaw mo sa tagumpay."
Agad namang tumango ang puting nilalang sa kanya at agad na tumayo. Agad niyang inayos ang kanyang sandata at muli, nagsimula na silang mag libot sa malaking arena ng silid.
"Napaka galing niya. Isa nga siyang tunay na dugong bughaw." Rinig ko kay prinsesa Eriedelle at napa ngiti naman ako dahil dun. Hindi nga siya nagkakamali sa bagay na yun. "Nakikita ko sa kanya ang isang mahusay na sundalo noon sa panahon ko. Napaka husay na naging heneral siya ng buong hukbo ng puting palasyo. Naging kanang kamay rin siya ng hari dahil sa husay niya pagdating sa isang sandata."
"Isa ngang magaling na tao ang sinasabi mo, Eriedelle. Pero sino siya? Maaari ko bang malaman ito?" Tanong ko sa kanya.
"Alam mo parin kung sino siya, prinsesa." Salita niya at parang may tinitigan siya sa di kalayuan. Dun ko lang na laman, si ama pala ang tinitingnan niya.
"Si ama?" Agad naman siyang napa lingon sa akin nun at pansin ko ang gulat sa mga mata niya. Pero agad niya naman itong tinago at ngumiti sa akin.
"Noong panahon pa ng kapayapaan ng kaharian. Si Gail ang na mumuno para sa mga kagustohan ng hari at ng reyna. Siya ang naging kamay nila para sa kaayusan at batas ng buong kaharian. Isa rin siya sa matagumpay na sundalo sa digmaan noon. Pero sa kasamaang palad ay na wala at naiwan kaming walang depensa sa kamay ng itim na hari."
Napa-isip naman ako nun. Hindi ko man alam ang buong storya ng pagkatao ni ama, parang sa mga na ririnig ko sa prinsesa ngayon ay parang isang tagapagtanggol si ama sa buong kaharian. Pero bakit parang may malalim pa itong kahulogan?
"Ano ba si ama sayo, prinsesa Eriedelle?" Di ko naman na pigilan magtanong. Nagulat siya sa tanong ko at pansin ko ang pagpula ng kanyang pisngi. "Wag kang mag-alala prinsesa, makakaasa ka sa isang secreto sa kwentong ito."
BINABASA MO ANG
CORRA (Destined to the Dragon)
FantasyBigla kong na ramdaman ang mainit niyang dila at na gulat nung ramdam ko ulit ang kislap. Dinilaan niya ang mga sugat sa kamay ko at binti at matapos nun, hinila niya ako palapit. Ano ba ang ginagawa ng dragong ito?? At bakit ko ba na raramdaman ang...