~•○ 10 Isang pangitain ○•~

3.5K 149 3
                                    

ⓒ All rights reserved for Corra (Destined to the Dragon). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

ENJOY!!

Nahihirapan na akong huminga dahil sa takot. ANO BA ANG INIISIP NIYA?! Kasasabi ko lang na hindi siya magpapalit anyo tapos ngayon?! UGH!

"Zorix, patayin mo ang lalapit kay Corra!" Galit na sabi ni Liro at rinig na rinig ko ang mabangis niyang ungol. "Corra! Umakyat ka sa likod ko!"

Agad naman akong sumunod nun. Sumigaw ng sumigaw ng napaka lakas ang dragon na nagpaatras sa mga hunter sa harapan.

"At sino naman ang naghahanap sa aking kabiyak? Taon na rin nang huling pagkain ko ng isang mortal, ilabas niyo siya at ibigay ang buhay nito sa halimaw sa harapan ninyo!" Nakakatakot ang boses ngayon ni Liro, na rinig ko man siyang magalit sa dragon niyang anyo pero kakaiba talaga ngayon.

"Liro, huminahon ka." Bulong ko at hinawakan ang leeg niya.

"Hindi ka nila pwedeng kunin kabiyak. Akin ka lang!" Anunsyo niya sa lahat at dun ko lang na pansin na iilan sa mga hunter sa paligid ay iba ang tingin sa akin. Parang kaparehong kapareho ang mga mata nila sa mga lobong nasagupa namin sa kagubatan noon. Ibig sabihin, may mga mortal na hunter at ang iba ay ang mga kakaibang nilalang sa mortal nilang anyo.

Bumaba ako sa likod niya at pumunta sa harapan niya. Nakatitig lang ang pulang mga mata niya sa akin at dahan dahan ko namang inangat ang kamay ko.

 Nakatitig lang ang pulang mga mata niya sa akin at dahan dahan ko namang inangat ang kamay ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Huminahon ka, pakiusap bumalik ka sa date." Bulong ko sa oras na nahawakan ko ang mukha niya. Pumikit ako nun para maintindihan niyang kaylangan ko siya bilang tao, di naman nagtagal na wala ang mukha niya sa kamay ko at ang paligid ay biglang uminit. Isang kamay ang biglang humila sa akin at agad ko namang na ramdaman ang kislap sa kanya nun.

Sa pagmulat ng aking mga mata, napapalibutan na kami ng apoy at nasa harapan ko na si Liro. Kahit nasa taong anyo na siya, nakikita ko parin ang itim niyang mga kaliskis sa kamay at napaka taas na mga kuko. Pula parin ang mga mata niya at pansin ko ang pangil niyang naka labas. Tiningnan niya ng masama ang mga hunter sa harapan at hinanda niya sa harapan ang itim niyang patalim.

"Isa ngang totoo ang dragon. Hindi ako maka paniwala." Rinig ko sa likod at nakita ko ulit ang lalakeng naka itim kanina. Hinawakan ko ang kamay ni Liro nun at hinigpitan ito.

"Anong kadahilanan ng mga galaw ninyo?" Tanong ko sa kanina na puno ng tapang.

"Ayon nga sa sinabi ko kanina, kaylangan ka naming ihatid sa pinuno namin. Sa ngayong na laman namin, isama mo rin ang dragon." Naka ngiting sinabi niya.

CORRA (Destined to the Dragon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon