~•○ 3 Ang dragon sa panaginip ○•~

6.5K 258 17
                                    

All rights reserved for Corra (Destined to the Dragon). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

ENJOY!!

Ito na ata ang kamatayang tatapos ng buhay ko. Ramdam ko na ang paghihiwalay ng kaluluwa ko sa aking katawan. Hindi ko na na raramdaman ang lamig dahil parang namamanhid na ang katawan ko at parang naninigas bigla ang bahaging na sugatan nito. Hindi naman nagtagal, bumuhos na ang mga luha ko at na puno ng takot ang aking puso.

"Dalahin mo dito ang prinsipeng dragon!" Sigaw ulit ng matanda sabay tusok ng patalim sa binti ko.

Sumigaw ako ng sumigaw at ilang oras ng kasisigaw parang humihina na ang boses ko dahil sa kawalan ng lakas. May nakikita na akong itim sa paningin ko at parang rumarami ito, ito na ata ang kamatayan na nagpapakita sa akin.

Ramdam ko ulit ang talim pero wala ng sigaw ang lumalabas sa akin dahil na palitan ito ng luha. Sumikip bigla ang puso ko dahil na wawalan na ako ng lakas. Napa pikit ako dahil sa kawalan ng enerhiyang ma buhay at dahil dun, naging manhid bigla ang sugat na dala ng puting talim.

Tulong!

Sigaw ko sa isip ko at naghintay sa kapalaran ko. Pero bigla nalang naging mahangin ang paligid, tila isang bagyo ang dadaan sa lugar na ito. Isang sigaw ang na rinig ko at sa lakas hindi ito isang ordinaryong sigaw lang.

Parang isang halimaw.

Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata at nakita ko ulit ang matanda. Pansin ko ang takot sa kanyang mga mata at sabik, at parang may tinitingnan ang lahat sa taas. Kita ko ang pagpalit anyo ng mga lobo tila naghahanda sa isang nilalang. Pero sa lakas na unti unting na wawala sa akin ang nagpapikit sa akin ulit. Naging walang kwenta ang lahat, dahil sa higpit ng tali sa aking mga kamay ni hindi ko na kayang tumakas pa kahit ito ang pinakatamang panahon para tumakas.

Biglang lumindol na parang isang higante ang naglunsaran sa lupa. Rinig ko ang sigawan ng iilan at rinig ko ang mga angil ng mga lobo pero hinihigitan sila ng isa pang sigaw, sigaw ng isa panghalimaw.

"Ganun nga." Rinig ko sa matanda at dahan dahan ko naman siyang tiningnan.

Hawak hawak niya ulit ang puting patalim at parang may hinihintay siyang dapat gawin. Sumigaw ulit ang halimaw at ang pinagtataka ko, bakit may dala itong kakaibang pakiramdam? Ramdam ko ulit ang kislap, kislap na sobrang pamilyar sa akin. Biglang lumabas sa isip ko ang lalake kanina, ang lalakeng nagligtas sa akin. Dahil sa kaisipang yun, nagbigay ito ng lakas ng loob sa akin para maging matapang.

Ang kadilimang unti unti ng na bubuo sa paningin ko ay nawala at naging malinaw ang lahat.

(O_O)

Kung hindi ako nagkakamali. Isang dragon ang nasa harapan ko ngayon.

Binubugahan niya ng apoy ang mga lobong nasa harapan niya at sa bangis ng mga mata niya, ilan sa mga ito ay nagsitakbohan na. Sa gilid ng paningin ko, isang patalim ang nakita ko. Hindi naman ako nag dalawang isip na abutin ito sa paa ko dahil naka tali parin ako hanggang ngayon.

Nasa dulo na ng paa ko ang patalim pero parang ang layo parin nito. Na ramdaman ko ulit ang kislap at ang hindi ko maintindihan, bawat isip ko sa kislap ay napapatingin ako sa dragong nakikipag-away sa harapan ko. Nasa likod ba ng dragon ang lalakeng nagsagip sa akin? Bakit hindi ko siya nakikita pero ramdam ko siya sa paligid lang.

Nakita ko ulit ang matanda at parang palapit ng palapit siya sa likod ng dragon, hindi ko alam pero biglang nagwala ang puso ko sa binabalak niya. Bigla siyang tumalon at dahil dun, bigla akong napa sigaw.

CORRA (Destined to the Dragon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon