~•○ 16 Ama ○•~

2.9K 116 7
                                    

All rights reserved for Corra (Destined to the Dragon). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

ENJOY!!

"Ama?" Parang na wala lang bigla ang hangin sa baga ko pagkatapos kong sabihin ito. Rinig ko na ang mga usapan ng mga langgam at pag lipad ng mga ibon sa labas dahil sa katahimikan.

"Corra." At dahil sa pagtawag na yun, tumakbo na ako sa kanya nun at niyakap siya ng napaka higpit. Ramdam ko rin ang pagbalik ng yakap niya sa akin at di ko na napigilan ang mga luha ko.

"Buhay ka! Pano? Tama nga ang kutob ko! Buhay ka ama!" Hinarap ko siya at nakita rin ang malungkot niyang mga mata. "Bakit di ka bumalik? Bakit mo kami iniwan?! Limang taon ka naming iniyakan at ang kalungkotang umaapaw sa amin ay nagpapabiak lalo sa aming puso. Pero, ang makita kang buhay. Pano? Paki usap ama, sabihin niyo ang totoo."

"Huminahon ka Corra, alam kong isang malaking paliwanag ang utang ko sayo at sa ina mo. Pero isang napaka laking bagay ang sinakripisyo ko para lang sa buhay mo. Patawarin mo ako Corra." Salita niya ulit. Niyakap ko siya ulit at muli, lumuha ako sa kanya.

Ilang minutong pag-iyak, napa upo nalang ako sa upoang malapit sa akin. Napaka laking bagay ang biglang dumating sa akin ngayon. Ang pagkamiss ko sa kanya ay kasing taas ng bitwin sa langit at sa isang araw, bigla nalang itong napunta sa harapan ko at nakita siya muli.

"Ang Prinsipeng Dragon." Rinig ko kay ama nun. Naka tingin siya kay Liro nun at pansin ko ang pag-iba ng ihip ng hangin pagitan sa kanila. Agad naman akong tumayo nun at tumayo sa gitna nila.

"Kilala mo si Liro?"

"Walang nilalang ang hindi nakakakilala sa Prinsipeng Dragon. Hindi ko inaasahang sasama ka sa kampong ito dragon." Salita ni ama.

"Kabiyak ko parin si Corra, walang makakapigil sa akin para sundan siya. Pero sabihin yan ng isang Syrcia ay nagkakahulogan ng isang banta."

Kumunot naman ang noo ko sa narinig ko.

"Syrcia? Ano na bang pinag-uusapan ninyo?" Tanong ko.

"Hindi mo sinabi?" Liro.

"Wala ka sa lugar para pag-usapan yan dragon! Baka nakakalimutan mong napapalibutan ka ng mga puting nilalang sa lugar na ito." Galit na sabi rin ni ama.

"Kung ganun, totoo nga." Liro.

"Anong totoo!? Sabihin niyo nga ang lahat sa akin! Ginagawa niyo akong baliw sa sitwasyon na ito!" Sigaw ko dahil sa galit. Bigla nalang lumabas ang puting liwanag sa mga palad ko at na gulat nung bigla itong sumabog at nagkaroon ng pwersa na nagpaatras sa lahat ng tao sa silid.

Hingal na hingal akong naka tayo at sa parehong oras ay nagulat. Tiningnan ko ang aking mga kamay at nakita ulit ang isang marka sa parehong palad ko. Agad na tumakbo si Liro sa akin at agad ko rin siyang tinulak dahil sa galit.

"Hindi niyo ba inisip ang epekto nito sa akin?! Ang biglain at parusahan ako ng ganito ay nagpapawala ng halaga niyo sa akin! Pinapangako ko sa langit, kapag hindi niyo pa sasabihin sa akin ang totoo, hinding hindi niyo na ako makikita pa muli." Salita ko sa kanila.

CORRA (Destined to the Dragon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon