ⓒ All rights reserved for Corra (Destined to the Dragon). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.
ENJOY!!
Hindi ko inaakala na makakagawa sila ng isang napaka laking teretoryo sa ilalim ng lupa. Isang napaka laking bola ang nakita ko sa taas ng malaking silid na nagbibigay liwanag sa buong lugar. May mga kakaibang ukit ang bawat pader ng silid na pinagtibay rin ng naglalakihang ugat sa taas. Pero hindi lang ito ang nagpagulat sa akin, kundi ang mga nilalang na nasa harapan namin. Hindi ko na mabilang kung ilang puti at itim na nilalang ang nasa harapan namin ngayon.
Pansin ko ang iilan sa kanila ay gumagawa ng sandata sa sarili nilang apoy at ang iba ay pinapatulis ang ibat ibang sandata sa di kalayuan. Pinaghalong puti at itim na mga nilalang ang nagtutulongan para sa isang magandang kampo sa harapan ko. Na buhay muli ang pag-asa sa puso ko ngayon, ito na nga ang simula ng pagbabago.
"Prinsipe Liro?" Isang boses ang biglang nagkuha ng atensyon ko at isang lalake ang lumapit sa amin. "Hindi ako maka paniwala! Buhay ka!"
"Cole?" Yumuko siya sa harapan ni Liro at napa taas naman ang kilay ko nung bigla niyang niyakap si Liro at binalik rin niya ito na parang isa silang matalik na magkaibigan.
"Prinsipe?" Rining kong bulong ng matandang si Helena.
"Cole! Nandito ka!" Biglang dating rin ni Zorix sa kanila at muli nagyakapan sila. Nagkatinginan naman kami ni Eros nun.
"Maligayang pagdating prinsipe! Maligaya ako at totoong bumalik ka na." Bigla siyang sumigaw at kinuha ang atensyon ng mga nilalang sa buong silid. "BUMALIK NA ANG PRINSIPENG DRAGON!"
At dahil dun, lumapit na ang mga itim na nilalang sa harapan namin. Kita ko ang gulat at saya sa kanilang mga mata, kung hindi ako nagkakamali, ang mga nilalang na ito ay ang mga sundalong kasama ni Liro sa digmaan noon.
Lumuhod sila sa harapan namin at bigla nalang akong hinila ni Liro.
"Isang regalo ang dala ko sa inyo mga kapatid. Dala ko ngayon ang prinsesa ng puting kaharian at siya ang kabiyak ko, si prinsesa Corra." At dahil dun, nagsimula ng umabante ang mga puting nilalang sa harapan.
Kita ko ang kalituhan sa mga mata nila. Hindi ko alam pero nung nakita nila na dala ko ang pana ng liwanag, biglang nagbago ang lahat. Parang tinusok lang ang puso ko nung nakita ko ang iba sa kanila ay lumuhod at umiyak.
Umiyak sila na parang isa akong himala na biglang sumulpot lang sa harapan nila. Ramdam ko ang pasakit nila, pasakit na dala ng kanilang mga iyak. Parang pasan ko ang bigat na dinadala nila, bakit ko ito na raramdaman? Dahil ba sa kagustohan kong tulongan sila o may malalim pa itong kahulogan. Hindi ko alam pero biglang nagkaroon ng sariling isip ang mga paa ko at nagsimula ng maglakad. Tinanggal ko ang aking kapa sa ulo at tiningnan ang bawat mata ng mga nilalang sa harapan. Pansin ko ang gulat sa iilan sa mga itim na nilalang at nagbigay sila ng daan sa akin sa gitna.
Naglakad ako at tumungo sa mga nilalang na umiiyak. Humigpit lalo ang puso ko dahil may mga bata akong nakikita.
"Maligaya akong tumayo sa harapan ninyo ngayon. Nilakbay ko ang dalawang mundo para bumalik sa kahariang ito. Inaalay ko ang puso ko at buhay upang ibalik ang nararapat sa puting kaharian." Salita ko at nagsimula na silang lumapit sa akin.
"Prinsesa! Prinsesa!" Rinig ko sa kanila at sa kauna unahang pagkakataon, ngumiti ako sa kanila.
"Napakataas ng tingin nila sayo, kabiyak. Prinsesa man ang tawag nila sayo ngayon, pero alam kong reyna ang tingin nilang lahat sayo ngayon." Rining ko kay Liro at hinila ako sa kanya. Hinarap niya ako at ramdam ko ang kamay niya sa leeg ko kung saan ang marka ko at muli, ngumiti ako. "Halika, gusto kang makausap ng mga tumayong pinuno ng kampong ito."
BINABASA MO ANG
CORRA (Destined to the Dragon)
FantasíaBigla kong na ramdaman ang mainit niyang dila at na gulat nung ramdam ko ulit ang kislap. Dinilaan niya ang mga sugat sa kamay ko at binti at matapos nun, hinila niya ako palapit. Ano ba ang ginagawa ng dragong ito?? At bakit ko ba na raramdaman ang...