~•○ 30 Katotohanan ○•~

2.2K 109 3
                                    

All rights reserved for Corra (Destined to the Dragon). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

ENJOY!!

Naghanda ako sa mga galaw ng lalake sa harapan. Hinanap ko ang mga kahinaan niya para maging daan ko para sa tagumpay. Hinigpitan ko ang pagkahawak ko sa aking sandata at huminga ng malalim. Nung na kita ko na ang hinahanap ko, agad akong sumugod sa kanya at nagpakawala ng napakalakas na hampas sa sandata niya. Nag banggaan ang mga sandata namin na parang wala ng katapusan at inilagan ko ang mga tira niya. Nanlaki naman ang mga mata ko nung hindi ko na basa ang isang galaw niya at mabuti nalang at sinagip ako ng bilis ko. Agad akong gumulong palayo at hinanda ang sandata ko sa harapan.

Hingal na hingal akong naka luhod at parang na ligo lang ako sa pawis ko. Nakakapagod na! Hindi ko na alam kung ilang oras na kami naglalaban!

"Magaling Corra!" Sigaw ni ama at sumugod ulit ang lalake sa akin.

Hinarangan ko ang spada niya sa harapan ko at nakikita ko na ang pagnginig ng kamay ko. Parang hindi ko na kayang pigilan pa ang sandata niya pero ang determinado kong utak ay hindi pumapayag na matalo ako. Binitiwan ko ang kaliwang kamay ko at sinuntok ang gilid ng katawan niya. Inulit ko ito hanggang ramdam ko ang pagluwang ng kamay niya sa harapan. Agad ko siyang tinulak at sinipa ang tiyan niya. Napa atras siya ng malayo at napa luhod naman ako dahil sa pagod. Tinukod ko sa lupa ang aking sandata at huminga ng huminga.

Pagod na pagod na rin ang kalaban ko at parang wala na sa aming dalawa ang susugod pa. Pero kinaladkad ko ang aking katawan at tumayo, upang matapos na itong lahat. Gayun din ang ginawa ng lalake sa harapan ko, tumakbo na ako sa kanya at sumugod.

Nagbanggaan ulit ang mga sandata namin at ang nakikita kong pagod sa kalaban ko ay kinuha ko na na pagkakataon. Sinipa ko ang paa niya sa baba at agad siyang tumumba, tinutok ko ang talim ng sandata ko sa leeg niya at di naman nagtagal binitawan niya na ang sandata niya bilang suko.

Napa luhod naman ako at na tumba sa sahig.

"Isang maduming galaw ang ginawa mo pero na talo mo siya." Biglang dating ni ama sa gilid ko at nakita ko ang malaking ngiti niya.

Nag-iinsayo kami sa malaking silid ng mga armas at magdadalawang araw na nung nag-iinsayo kami ni ama gamit ng spada. Dito lang ako natutong lumaban ng ganito,parang may sariling isip ang buo kong katawan dahil sa sumasayaw at tugma nitong mga galaw sa bawat laban. Hindi ko nga alam kung pano ko na tutunan lahat ng ito sa maliit na araw lang. Si ama ang naka isip ng lahat ng ito na dapat rin akong matuto ng ibang armas maliban sa isang pana.

Tinulongan ako ni ama na tumayo at tinulongan ko rin ang lalakeng kasama ko sa pag-insayo. Nakilala ko siya bilang Rey at parang kasing edad ko lang rin siya, pero hindi ako sigurado nun dahil hindi parin pareho ang panahon sa mundong mortal sa mundo dito. Kasama niya ang ibang nilalang na nandito para mag-insayo rin. Siya ang na pili ni ama para labanin ako dahil siya rin ang magaling sa lahat na nag-iinsayo dito.

"Napakagaling mo na prinsesa Corra. Hindi ko akalaing matatalo mo na ako sa labang ito." Sabi niya at ngumiti ako. Sa lahat lahat ng laban namin, nagawa ko siyang talunin ngayon kaya napakataas ng saya ko ngayon.

"Maraming salamat sa magandang laban na yun Rey. Isa ka ring magaling na sundalo." Puri ko. Ngumiti siya sa akin at nakita ko rin ang pagpula ng pisngi niya. Yumuko siya sa akin at tumango kay ama, at nagsimula ng maglakad pa alis.

"Hmm kita kong nagugustohan ka niya." Tinaasan ko naman ng kilay si ama dahil sa sinabi niya. Tumawa siya at tumawa na rin ako dahil sa kaisipang yun.

CORRA (Destined to the Dragon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon