ⓒ All rights reserved for Corra (Destined to the Dragon). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.
ENJOY!!
Nagising ako dahil sa mga boses na naririnig ko. Gagalaw na sana ako ng narinig ko ang boses ni Liro."Hindi ko rin alam ang dahilan." Salita niya na parang galing lang sa isang malalim na pag-iisip.
"Pero bakit ngayon mo lang na isipang magpakita prinsipe Liro? Hindi mo ba alam na kaming mga na padpad sa lugar na ito ay akala namin ay patay ka na!" Salita ng isa. Parang alam ko ang boses na ito, ito ang higanteng lalake kanina! At dahil sa masinop kong utak, nanatili akong tahimik at nagpanggap na natutulog pa.
"Wala akong lakas para magpakita. Alam ng lahat na mananalo na tayo sa digmaan noon pero dahil sa pagkakamali ko, naging ganito ang lahat." Sabi ulit ni Liro at rinig ko rin ang pagbuntong hininga niya.
"Pero bakit ngayon? Ano ang dahilan mo? At ano tong pagpunta mo sa bundok ng Makhatan?"
"Nakita ko na ang susi sa lahat, ang aking kabiyak. Alam ng lahat ang malaking magagawa ng isang kabiyak ng isang dragon, maaaring magkaroon ng tulay para sa ating totoong mundo. Kaylangan kong maka usap ang matandang yun, siya parin ang nagdala noon sa salita ng buwan." Liro.
"Kung ganun ang batang to ang kabiyak mo." Nainis naman ako dahil sa sinabi niya. Pero pinigilan ko ang sarili ko at nanatiling tahimik.
"Wag na wag mong pagsasalitaan ang kabiyak ko ng ganyan. Nasa harapan mo parin ang dragong binihag niya."
Hindi ko naman mapigilang ngumiti sa sinabi niya. Hindi ko alam pero parang nagbigay ito ng kislap sa puso ko.
"Patawarin mo ako prinsipe Liro. Hindi parin ako makapaniwala sa mga bagay bagay ngayon. Dahil sa balitang dala mo, nagkaroon ng pag-asa ang buhay ko dahil sa wakas makakabalik na tayo sa totoong mundo natin. Kahit ngayon, hirap parin kaming makihalobilo sa mga mortal sa mundong ito. Kahit napaka hina nila, ang katalinuhang meron sila at dami ay isang banta parin sa ating mga taga labas. Walang araw na hindi ko sinusumpa ang mundong ito, tinatrato rin nila ang iba na parang mga alipin. Na kakalimutan na ng iba kung pano lumaban, nakakalimutan na ring mabuhay kung pano tayo na bubuhay noon." Salita ng higante ulit.
"May isang problema rin akong idadagdag."
"At ano yun prinsipe Liro."
"Hindi niya pa dala ang marka ko."
"Hindi ko maintindihan. Ang tali ng isang dragon at ng kabiyak nito ay napaka lakas, mas malakas pa ito sa lahat at naikukumpara ito sa mga kabiyak ng isang diyos. Pero sabihin mong hindi pa niya dala ang marka mo ay parang isang empyerno sa puso mo. Ano ba ang dahilan nito prinsipe Liro?"
Nagingtahimik ang paligid nun at ilang minutong paghihintay, nagsalita ulit si Liro
"Hindi niya pa ako tanggap. Isa parin siyang mortal kaya bago ang lahat ng to sa kanya."
"Pero ang liwanag na ginawa niya ay hindi isang ordinaryong liwanag lang! Walang mortal ang makakagawa ng isang napaka lakas na liwanag na katulad sa ginawa niya."
Rinig ko ang paghinga ni Liro nun tila nag-iisip ulit. Na alala ko bigla ang ng yari sa kainan, ang liwanag na ginawa ko ay kakaiba. Hindi ko alam pero parang isang pagpukaw ang nagawa ko, pagpukaw na nagbibigay ng pamilyar na pakiramdam sa akin. Na babaliw na nga ako.
BINABASA MO ANG
CORRA (Destined to the Dragon)
FantasyBigla kong na ramdaman ang mainit niyang dila at na gulat nung ramdam ko ulit ang kislap. Dinilaan niya ang mga sugat sa kamay ko at binti at matapos nun, hinila niya ako palapit. Ano ba ang ginagawa ng dragong ito?? At bakit ko ba na raramdaman ang...