ⓒ All rights reserved for Corra (Destined to the Dragon). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.
ENJOY!!
Ika pitong araw. Tatlong gabi nalang bago ang asul na buwan.
Maaga akong naghanda muli para sa panibagong umaga. Inayos ko ang aking sarili at agad na lumabas sa aking silid. Agad na sumalubong ang mukha ni Liro nun sa pagbukas ko ng pinto. Napaka laki ng ngiti niya, tila isang kakaibang bagay ang nasa utak niya ngayon. Napa taas naman ang kilay ko nun sa kanya.
"Magandang umaga, kabiyak." Bati niya.
"Napaka aga mo naman ata Liro. Ako parin ang palaging naghihintay sayo sa lugar ng insayo." Sabi ko sa kanya at naglakad na. Rinig ko ang mga apak niyang naka sunod at ramdam ko ang kakaiba sa kanya.
"Ang ganda naman ata ng bati mo sa akin. Oh baka, na bingi lang ako bigla kaya di ko na kuha lahat ng sinabi mo." Napa hinto naman ako nun at hinarap siya. Tiningnan ko siya ng may halong taka at nilapit pa ito para malaman ito. Hmmm.. May tinatago nga siya.
"May dapat ka bang sabihin sa akin Liro?" Bigla namang nahilaw ang ngiti sa mukha niya, may tinatago nga siya.
"W-wala. Gusto lang kitang salubongin sa silid mo at sabihing, ipagpaliban muna natin ang insayo sa araw na ito." Tumaas ulit ang kilay ko sa kanya.
"At bakit naman? Tatlong gabi nalang ang na titira bago mag asul na buwan. Nahihibang ka na ba Liro? Di dapat tayo mag-aksaya ng oras." Sabi ko at naglakad na palayo.
Kung ayaw niyang mag-insayo, kaya kong mag-isa para magpatuloy. Pero bago pa ako maka labas ng pinto sa bahay ni ama, pinigilan ni Liro ang braso ko.
"Corra, gusto ko sanang magpahinga ka kahit ngayon lang. Kaylangan mo rin ito."
"Ano ka ba Liro. Palapit ng palapit na ang takdang araw ng lahat. Alam kong hindi pa ako handa at para sabihin mong kaylangan kong magpahinga, hindi ito makakatulong sa gabing kakaylanganin ko ang lakas ko." Sabi ko sa kanya.
"Corra, hindi sa lahat ng bagay ay makukuha mo kapag-ibibigay mo ang lahat. Kaylangan mo paring magpahinga para magkaroon ng panibagong lakas. Lahat magagawa mo kapagbibigyan mo rin ang sarili mo ng panibagong lakas at pinapangako ko, magiging maayos ang lahat." Hinawakan niya ang balikat ko at may nakikita akong pagmamakaawa sa mga mata niya.
Napa ikot naman ang mga mata ko dahil sa mga palusot niya. Pero may tama rin siya, naging sagad ang insayo ko bawat araw. Napaka aga kong magsimula at natatapos kami ng gabi na. Hindi na nga ako nakakain dahil na tutulog nalang ako sa pagod.
"Hindi ko lubos maisip na sabihin ito pero, sige papayag ako. Pero ngayong araw lamang!" Nanlaki naman ang mga mata ko nung bigla niya akong binuhat at lumabas siya sa pinto.
Tumawa ako ng tumawa dahil sa ginawa niya at na wala naman ito dahil naka tingin na pala lahat ng tao sa amin. Bumaba ako sa mga braso niya at inayos ang damit ko. Para kaming mga bata dahil sa mga halakhak namin kanina.
"Kaylangan parin nilang malaman na kabiyak kita Corra." Naka ngiting sabi niya at pansin kong palapit ng palapit ang mukha niya. Agad naman akong umiwas nun at nagsimula ng maglakad. "Dapat masanay ka ng maging kabiyak ko, isa parin akong dugong apoy, at ang mga dragon at mga itim na nilalang ay pinagmamalaki parati ang kanilang damdamin pagdating sa kanilang kabiyak."
At muli, napa ikot ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Isa parin akong mortal na gawa ng isang bitwin. Karugtong ko parin ang buhay ng prinsesang puti, kaya hindi malayong pareho rin ang dugong nangangalaytay sa amin." Sabi ko.
BINABASA MO ANG
CORRA (Destined to the Dragon)
FantasyBigla kong na ramdaman ang mainit niyang dila at na gulat nung ramdam ko ulit ang kislap. Dinilaan niya ang mga sugat sa kamay ko at binti at matapos nun, hinila niya ako palapit. Ano ba ang ginagawa ng dragong ito?? At bakit ko ba na raramdaman ang...