ⓒ All rights reserved for Corra (Destined to the Dragon). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.
ENJOY!!
Liro's POV
Magdadalawang araw na at hindi parin siya gumigising! Dahil sa galit at takot, napasuntok ako sa punong nasa harapan ko. Dalawang araw na siyang walang malay at parang hindi ko na kayang makita siya ng ganito! Hindi ko alam kung dahil ba ito sa lagusang binuksan niya o sa pagkatao niya ngayon. Nabuhay parin siya bilang isang mortal, pero ang kaisipang nakakalakad ang mortal niyang ina sa mundong ito, ay ma sasabi kong hindi ito ang dahilan. Siya parin ang kabiyak ko! May malaking parte parin sa pagkatao niya na kagaya ko. Hindi pwedeng mamamatay siya!
Kasalanan ko itong lahat! Kung na laman ko lang ng mas maaga na nawawala siya, hindi ma hantong sa ganito ang lahat! Iikutin ko ang ulo ng matandang yun kung magtatagpo ulit ang landas namin! Nilinlang niya ako sa kataohan ni Corra! Gumawa siya ng pekeng kabiyak ko at nagpanggap sa harapan ko. Dahil rin sa tali naming dalawa, na dala ako sa mga bagay bagay. Pero isang pakiramdam ang nagpukaw sa akin sa lahat. At dun ko na laman na hindi pala totoo ang lahat ngyayari.
Sinuntok ko ang puno at parang lahat ng dahon sa taas ay na huhulog na. Hindi ko naman pinansin ang dugo sa kamao ko. Kaylangan kong parusahan ang sarili ko!
"Liro, huminahon ka. Hindi mawawala si Corra sa atin." Rining kong sabi ng ama ni Corra.
"Kasalan ko tong lahat! Hindi sana sa katangahan ko, gising pa ang kabiyak ko ngayon!" Galit na sabi ko. Isang kamay ang na ramdaman ko sa likod at agad ko naman itong hinila at tinulak sa puno. Nasa mukha niya na ang kamao ko at ramdam na ramdam ko na ang galit sa dulo ng kamao ko. "Pabayaan mo ako!"
"Sa palagay mo, masasayahan si Corra sa mga inaasal mo ngayon?!" Sigaw rin niya sa mukha ko. Humigpit pa lalo ang kamao ko dahil sa sinabi niya at dahil sa inis, tinulak ko siya at sinuntok ang puno. "Alam kong babalik si Corra, lagi mong tatandaan, habang may tumitibok sa puso niya, hindi pa huli ang lahat."
At na rinig ko ang pag-alis niya.
Bumalik na nga kami sa mundo namin pero na nganganib naman ang buhay ng kabiyak ko! Handa na akong hindi bumalik pa sa mundong ito alang-alang sa kaligtasan niya, pero bakit nagkakaganito!?
"Bakit?!" Sigaw ko.
Hindi ko alam kung ilang oras na akong naka tayo sa punong ito pero wala parin akong balak na bumalik kung saan ang aking kabiyak. Hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko kung makita ko pa siyang walang malay.
BALIK TANAW
Sa wakas naka balik na kami sa mundo ko! Sa oras na nawala ang liwanag, na palitan ito ng kagubatan. Hindi man pamilyar sa akin ang lugar pero ramdam ko ang pamilyar na hangin at pakiramdam. Bumalik na kami sa mundo ko.
Napa tingin ako kay Corra dahil sa tagumpay namin ngayon pero takot ang pumalit sa lahat ng naramdaman ko.
"Corra?" Tawag ko at nilagay siya sa lupa. Agad kong pinakinggan ang puso niya at naka hinga naman ako nung rinig ko ang tibok nito. Inangat ko siya at muli pinakinggan ang puso niya. Sobrang hina at ramdam ko ang paglamig ng katawan niya. "Corra, gumising ka."
Agad na lumapit ang ama niya dahil sa pagtawag ko. Kinuha niya si Corra sa mga braso ko at sinimulang tapiktapikin ang mukha pero hindi siya gumalaw. Napa hawak ako sa ulo ko at nagsimula ng lumala ang takot sa puso ko.
BINABASA MO ANG
CORRA (Destined to the Dragon)
FantasyBigla kong na ramdaman ang mainit niyang dila at na gulat nung ramdam ko ulit ang kislap. Dinilaan niya ang mga sugat sa kamay ko at binti at matapos nun, hinila niya ako palapit. Ano ba ang ginagawa ng dragong ito?? At bakit ko ba na raramdaman ang...