~•○ 25 Pagbuo ○•~

2.4K 107 1
                                    

All rights reserved for Corra (Destined to the Dragon). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

ENJOY!!

Agad ko namang tinakpan ang bibig ko dahil sa lakas ng sigaw ko. Agad kong na kuha ang atensyon ng mga halimaw at nanlaki naman ang mga mata ko dahil dun. Agad kong hinila ang damit ni Liro at aakmang tumakbo pero napaka lakas niya!

"Taposin mo na sila Zorix." Rinig ko kay Liro at naka tayo lang kami habang pinapanood si Zorix na tinatapos ang mga halimaw sa harapan. Pansin ko ang pagtakas ng iilan sa halimaw at ang naka pagtataka lang dahil hinuhukay nila ang lupa upang gumawa ng lagusan at mabilis itong nawawala.

Pero sa apoy ni Liro ang nagpabalik sa kanila at agad naman itong tinapos ni Zorix. Agad akong tumakbo sa mga bata na nakita ko. Kinuha ko agad ang patalim ko at agad na pinutol ang tali nito. Binuhat ko sila palabas sa malaking kawa at mabilis rin silang tumakbo palayo sa amin.

Napa kamot naman ako sa ulo nun dahil pinigilan nanaman ako ni Liro para habulin ang mga bata.

"Tingnan mo ang mga gamit na nandito." Rinig ko kay ina na kasalukoyang tinitingnan ang mga gamit sa paligid.

"Ang mga nilalang na ito ay mga lagaw o gumagala kahit saan sa boong mundo. Ang pagtago nila sa lupa ay ang nagpapanatili sa kanilang buhay sa magkaibang kaharian." Rinig ko kay ama.

"Mga ginto!" Rinig ko kay Eros at agad naman kaming napa lingon sa kanya.

"Magagamit natin yan sa unang bayan na mapupuntahan natin." Masayang sabi ni ama at ginulo ang buhok ng kapatid ko.

Pumulot na rin ako ng mga gamit na sa tingin ko ay magagamit namin sa paglalakbay. At parang ang rami lang nito!

Pansin ko ang naka kunot na noo ni Liro habang nag papatuloy kami sa paglalakad. Dala dala niya kasi lahat ng napulot kong gamit. Napa ngiti naman ako ng palihim nun.

"Kaylangan na nating magmadali, hindi pwedeng magabihan tayo sa daan. Ramdam ko ang lamig ng paligid."

Dumating ulit ang gabi at ramdam ko ang kakaibang ihip ng hangin. Ramdam ko ang lamig at pansin ko ang pagnginig ni ina at ng kapatid ko. Nanatili kami sa isang kweba at tanging ilaw lang namin ay ang apoy sa harapan namin. Tumungo ako kay ina at niyakap siya dahil sa katawan niyang na nginginig pero dahil sa dugo ko bilang puting nilalang, parang lumala lang ang lamig na nararamdaman niya.

Agad ko naman hinila si Liro nun at pinaupo sa tabi ni ina. Kita ko ang kalituhan sa mga mata niya at sa oras na nabasa niya ang lahat, agad niya akong tiningnan ng masama. Agad namang yumakap si ina at ang kapatid ko sa kanya.

Na tawa naman ako ng palihim nun.

~•○●□●○•~

Naging malabo ang mga dumating na araw at kasing dali rin ng oras ang pagdating namin sa huling bundok ng Makhil. Kita na ng mga mata ko ang nyebe sa kabilang bundok at masasabi ko na abot kamay na namin ang puting kaharian.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
CORRA (Destined to the Dragon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon