~•○ 17 Kalutasan ○•~

2.9K 116 7
                                    

All rights reserved for Corra (Destined to the Dragon). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

ENJOY!!

"Dreg?" Rinig ko bigla kay Liro.

"Masaya ako't makita ka muli, Prinsipe Liro. Napaka rami ng taon at ngayon lang tayo nagkita muli." Nag lakad ang matandang si Dreg palapit sa amin at sa paglalakad niya, bigla nalang na punta ang kanyang mga mata sa akin. "Ohh Prinsesa Corra, ikinagagalak kitang makita."

Yumuko siya sa harapan ko at kinuha ang kamay ko, hinalikan niya ito at di naman nagtagal hinila nalang bigla ni Liro ang braso ko papunta sa kanya. Tumawa lang siya sa ginawa ni Liro nun at ramdam ko ang paghigpit ng kamay niya.

"Dreg, kaibigan. Mabuti at bumalik ka na." Bati ni ama sa matanda pero hindi parin na wawala ang kanyang paningin sa akin. Parang hinuhukay niya ang kaluluwa ko at binabasa ang utak ko.

"Bumalik ako dahil bumalik na ang mga dugong bughaw sa mga kamay natin. Handa na ang lahat pero ang kasagutan sa daan ay hindi parin na ilalantad. Nandito ako ngayon para sabihin sa inyong, nasa akin na ang kasagutang kagustohan ng lahat." Anunsyo niya.

Napa tingin naman ako kay Liro nun at nakita ang kakaibang emosyon sa kanya. Ngumiti siya at tiningnan ako.

"Isang napaka gandang balita ang dala mo tanda." Bigla nalang akong binuhat ni Liro nun at niyakap ako. Tumawa lang naman ako sa ginawa niya pero napahinto nung may sinabi pa ang matandang si Dreg.

"Pero, isang mabigat na bagay ang kapalit nito."

Tumahimik ang lahat at na wala ang kasiyahan ng magandang balita kanina. Nag desisyon kaming umupo ulit sa upoan ng malaking lamesa at tahimik na naghintay sa salita ng matanda. Habang nag hihintay, lumalakas naman ang tensyon sa paligid at ang dahilan ng pagkawala ng buhay sa mga mukha nilang lahat.

"Anong ibig mong sabihing, may malaki itong hinihinging kapalit tanda?" Biglang tanong ni Liro.

At muli, tumingin ang matanda sa akin.

"Tatlong taon na ang nakakalipas, nakita ko sa hinaharap ang pagtanggap ng prinsesa sa daang tinatahak ng lahat. Nagkaroon ako ng misyon para hanapin at kausapin ang mga bitwin sa tamang paraan, pero wala ang katwa sa aking mga kamay. Isang taon ko pinag-aralan ang kalangitan sa mundong ito at binasa lahat ng sulok ng kalawakan sa taas. Pero may na laman akong isang bagay at yun ay ang pagdating ng pag-ulan ng mga bulalakaw sa kalangitan. Magaganap lang ito sa bawat isang libong taon. At sa paghihirap ng aking misyon, nabasa ko ang minsahe ng mga bitwin sa kalangitan." Bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko nung bigla siyang tumingin sa akin. "At yun ay ang pag-ulit ng proseso ng lahat ng ito. Ito ang kasagutan sa ating pagbabalik."

Kumunot naman ang noo ko pagkatapos nun. Naging maingay ang buong silid dahil sa mga pagtatalo ng mga kasamahan ko, pero parang na manhid lang bigla ang tenga ko at naiwan ako sa sarili kong mundo.

Kaylangang ulitin ang proseso? Isa lamang ang ibig sabihin nito at yun ay maulit ang liwanag na naganap. Nagbigay naman ito ng kahulogan sa lahat, simula palamang ay ang liwanag ng prinsesa noon ang nagdala sa kanila sa mundong ito. At ngayong wala na siya at binuhay ako na karugtong niya, kaylangan kong gawin ulit ang liwanag na ginawa niya para sa pagbabalik ng lahat.

Ako ang susi at ako ang magiging daan nila.

Kung hindi ko ito gagawin, ang mga nilalang sa mundong ito ay tuluyan ng mabaon sa sarili nilang mundo. Alam kong may mga pamilya sila at mahahalaga sa buhay, mababaon ito lahat kung hindi ako papayag.

CORRA (Destined to the Dragon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon