ⓒ All rights reserved for Corra (Destined to the Dragon). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.
ENJOY!!
Isang kalansay ang naka sabit sa isang puno, na nagbigay ng kilabot sa tinatayoan ko. Lumapit ako kay Liro nun at agad niya naman akong hinila palapit sa kanya. Ramdam ko ang higpit ng kamay niya, tila isang daang bato ang dinadala niya. Tiningnan ni Liro si Zorix at tumango, di naman nagtagal lumapit si Zorix sa kalansay at sa isang mabilis na galaw, pinutol niya ang lubid at agad na nahulog ang kalansay sa lupa.
Ramdam ko ang kamay ni Liro sa likod ko at di naman nagtagal, na wala ito at naglakad siya sa kalansay sa di kalayuan. Napa lunok naman ako nun, ito ata ang kauna unahang kalansay na nakita ko sa buong buhay ko. Ano bang ibig sabihin nito? Pinarusahan ba siya para ma hantong ang kapalaran niya ng ganya? Isa kasi ito sa mga paraan ng kaparusahan sa mundong ito. Kung pumatay ka ng isang tao, kamatayan rin ang kaparusahan mo. Isusunog ka sa harapan ng maraming tao o isabit hanggang ma walan ka ng buhay. Oo ang brutal nga, pero ayon sa hari ng kaharian, kung walang kinatatakutan ang mga tao, rarami ng rarami ang gagawa ng kasamaan. Hindi ko man gusto ang hari sa kaharian ko, pero iilan sa pamamalakad niya ay epektibo.
"Hindi maaari ito." Rinig ko kay Liro.
Nag lakas loob naman akong lumapit sa kanila nun at inalam ang dahilan ng salita niya. Isang kakaibang kwintas na gawa sa itim na bato ang hawak hawak ni Liro ngayon. Humigpit ang kamao niya at sa higpit nito, naging buhangin ang mga bato sa kamay niya.
"Bakit Liro? Anong problema?" Tahimik lang siya nun at ilang segundong katahimikan, nagsalita siya.
"Siya ang hinahanap natin. Ang matandang makakatulong sa daan ay ang kalansay na ito."
Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Ibig bang sabihin nito, naging walang kwenta ang lahat ng paglalakbay na ito? Biglang may lumabas na usok sa katawan ni Liro nun at parang nakikita ko na ang pag-iba ng kanyang balat. Agad ko naman siyang nilapitan at baka magpalit siya ng anyo.
"Huminahon ka Liro, huminahon ka. Baka nagkakamali lang tayo. Baka isa yang magnanakaw kaya napasakamay niya ang kwintas na yan."
Ramdam ko na ang init sa katawan ni Liro nun na parang nasa dulo na ng pagkatao niya ang dragon. Niyakap ko siya sa harapan at hinigpitan ito. Pero isang bagay ang bigla kong na pansin sa harapan ko na ikinalalaki ng mga mata ko.
Isang paggalaw ng lupa ang na kita ko sa di kalayuan. At di naman nagtagal, isang kamay ang biglang lumabas. Isang kamay nanaman ang nakita ko sa bandang kaliwa at gayun din sa bandang kanan.
"Uhhhmm Liro, bumalik ka muna sa date. M-may.. ma-may.... may kamay!" Sigaw ko.
Agad namang tumayo si Liro nun at tinulak ako sa kanyang likod. Agad na pinalabas ni Liro ang kanyang sandata at gayun din si Zorix. Na gulat naman ako nung may na rinig rin ako sa likod ko at sa aking paglingon, isang kamay ulit ang nakita ko. Napa sigaw ako bigla sa gulat at agad namang na punta si Zorix sa gilid ko.
Pero ilang sandali nun, isang nakakagulat ang biglang ngyari. Ang kamay kanina ay tuloyan ng umahon sa lupa. Isang katawan ang biglang lumabas at di nagtaga, rumarami na ang mga patay na katawan na lumalabas sa lupa. Pero ang pinagtataka ko, may nakikita akong asul na bagay sa bandang noo nila. Pero ang mga mata nila ay tila isang pulang bato na naka titig sa dereksyon namin.
BINABASA MO ANG
CORRA (Destined to the Dragon)
FantasyBigla kong na ramdaman ang mainit niyang dila at na gulat nung ramdam ko ulit ang kislap. Dinilaan niya ang mga sugat sa kamay ko at binti at matapos nun, hinila niya ako palapit. Ano ba ang ginagawa ng dragong ito?? At bakit ko ba na raramdaman ang...