ⓒ All rights reserved for Corra (Destined to the Dragon). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.
ENJOY!!
Corra's POV
Nasa isang silid ako ngayon. Ayon kay ama, ang silid na ito ay ang silid ng mga magulang ko. Ayoko sanang akohin ang silid na ito pero ayun kay ama, dito ang tamang silid sa isang reyna. Hindi pa man ako isang reyna pero lahat sila ay isang reyna na ang tingin sa akin. Ako parin ang natatanging dugong bughaw sa kahariang ito. Dahil rin sa sitwasyon noon ng prinsesa, ang limitasyon ng nakakaalam ng kanyang mukha, napapadali rin ang pagtanggap ng mga puting nilalang sa akin. Sinabi ko na rin kay ama ang tungkol sa panaginip ko nung nakaraang araw, ang panaginip ko tungkol sa kapatid ko.
Dahil dun nalinawan na si ama sa ngyari noon, ang katotohanan ng pagkabuhay ko. Ayon sa kanya, isang pambihirang biyaya ang pagkakaroon ng kambal na anak. Ngyayari lang ito bawat isang libong taon sa dugong bughaw. Nakakamangha talaga.
Pero ang hindi ko maintindihan sa mga nilalang dito, gusto nila agad akong koronahan bilang reyna nila ngayon. Para sa akin kasi, ang tagumpay na ito ay hindi pa kataposan ng kasamaan. Hindi magiging ganap ang kapayapaan sa kaharian kung hindi naibubura ang masamang hari. Gusto ko munang matapos ang lahat ng ito, gusto ko munang tulongan si Liro para sa kaharian niya. Hindi man para sa kanya, pero sa mga nilalang na nagdurosa sa kamay ng masamang hari. Ito ang tamang panahon para umupo ako sa pwesto ko. Gagawin ko ito para sa pamilya kong na wala, hindi man ako binigyan ng pagkakataong makasama sila pero ang hangarin nilang ayusin at alagaan ang buong kaharian ay gagawin ko. Sana nga lang may himalang ibigay ang kalangitan at kahit isa sa pamilya ko ay makakasama ko at makilala.
Napa buntong hininga naman ako sa iniisip ko, alam ko parin na imposible ang bagay na ito.
Ito ang unang araw ng panalo namin, kahapon lang ang digmaan at panalo namin. Hanggang ngayon hindi parin ako maka paniwala sa ngyayari, alam kong nakakalahati na ako sa gusto ko. Bigla naman akong naibalik sa katotohanan nung biglang sumakit ang tiyan ko.
"Ugh! Nay naman. Dahan dahan naman po." Sabi ko kay ina. Nandito kasi siya ngayon, ginagamot niya ulit ang na sugatan kong tiyan.
Nakakagulat nga eh dahil pansin kong bumubilis ang paggaling nito! Ayon kay Liro, dahil ito sa pagkatao ko. Ang taglay at lakas ng isang dugong bughaw ay hinihigitan ang mga ordinaryong nilalang lang sa mundong ito. Kaya madali ang paghilom ng mga sugat ko.
"Hindi ka kasi nakikinig, sabi ko sayo humarap ka sa kanan." Napa kamot naman ako nun. Hindi nga ako nakikinig. Biglang may kumatok sa pinto at bumukas ito. Pumasok si Liro at agad ko namang tinakpan ang harapan ko.
"Ngayon ka pa talaga nahiya, kabiyak. Ehh na kita ko naman yang mala-!" Agad ko namang tinapon ang isang suklay sa mukha niya para tumahimik. Pulang pula na ata ako sa kahihiyan, ano bang problema ng lalakeng to?! Hindi niya ba na kikita ang ina ko sa harapan?!
"Ano bang ginagawa mo dito, Liro?" Naka simangot kong tanong.
"Nandito ako para kolektahin ka, kabiyak. Naghihintay ang mga tao mo sa malaking bulwagan. Isang bisita ang nandito para kausapin ka." Pansin ko ang seryoso niyang boses nun at napa taas naman ang kilay ko. Isang bisita? At sino naman kaya yun?
"Tapos na. Babalik nalang ako mamayang gabi para palitan ulit ang tela mo, anak." Sabi ni ina at tumango naman ako at nagpasalamat. Agad naman akong nagbihis nun at pansin ko ang kakaibang tingin ni Liro sa akin.
BINABASA MO ANG
CORRA (Destined to the Dragon)
FantasyBigla kong na ramdaman ang mainit niyang dila at na gulat nung ramdam ko ulit ang kislap. Dinilaan niya ang mga sugat sa kamay ko at binti at matapos nun, hinila niya ako palapit. Ano ba ang ginagawa ng dragong ito?? At bakit ko ba na raramdaman ang...