ⓒ All rights reserved for Corra (Destined to the Dragon). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.
ENJOY!!
Sariwang hangin, panibagong araw, katahimikan ng paligid, at walang hanggang kapayapaan ang naging bagong simula ng aming kaharian. Ang pagiging pinuno namin ni Liro sa kaharian ay ang naging tulay sa bagong pag-asa ng dalawang kaharian. Hindi naman mapapantayan ang bawat kasiyahan na dala ng hangin sa amin ngayon. Sa wakas, na tupad na rin ang kagustohan ng aking pamilya. Ang bawiin muli ang kapayapaan ng lugar.
Lahat ng ito ay alay ko sa kanila. Wala atang araw na hindi ko ito pinapasalamatan sa kanila. Lalo na sa unang bunga ng pagmamahalan namin ni Liro, siya parin ang dahilan kung bakit ako bumalik sa mundong ito. Mananatili siya habang buhay sa puso ko.
Hindi ko napigilan ang pagtakas ng luha ko habang minamasdan ang mga pangalan ng mga mahal ko sa templo ng mga dugong bughaw. Dito man nagpapahinga ang mga ninuno ko, gumawa parin ako ng isang espesyal na bagay para sa kanilang ala-ala. Isang templo ang pinagawa ko malapit sa palasyo upang hindi sila malayo sa tahanan ko. Naka ukit ang mga pangalan nila sa isang malaking gintong pader at naka ukit rin ang bawat kabutihan na ginawa nila sa buong kaharian. Upang magpapatuloy ang magandang kasaysayan na nilikha ng pamilya ko sa kahariang ito.
"Nandito ka lang pala, kabiyak." Rinig ko sa likod at agad kong naramdaman ang napakasarap na kislap sa mga braso niya.
Napapikit ako sandali at huminga ng malalim. Mahigit isang linggo ko na rin siyang hindi nakikita. Dahil parin ito sa itim na kaharian. Sa oras na naging reyna ako ng puting kaharian, nabuhay rin ang pagiging hari ni Liro sa kaharian ko. Dalawang kaharian parin ang dala naming dalawa at pinabuti namin na maging isa ang dalawang palasyo. Iba-iba man ang mga kultura at mga nakasanayan, parehong pagmamahal parin ang tinuturing namin sa dalawang kaharian. Lalo na't nawasak ang itim na palasyo sa digmaang na ganap noon, isang napakalaking trabaho ang ginagawa nila ngayon, dahil panibagong pag-asa ang alay namin sa lahat. Sa ganun, ma aalagaan namin pareho ang dalawang kaharian. Ito ata ang hakbang ng aming pagiging kabiyak, ang hakbang na magiging isa ang isang mundo. Para sa ganun, ang kapayapaan sa bawat kaharian ay mabubuhay sa kagandahan ng puso ng namumuno nito. Magkaiba man ang lahi at pagkatao, pero ang pagiging kabiyak namin ang naging tulay para makita ang tamang kaayusan ng kaharian.
"Napakalalim ng iniisip mo, kabiyak. Ramdam ko ito sa puso mo." Rinig ko kay Liro at ramdam ko ang mga labi niya sa leeg ko.
Hinarap ko siya at agad kong nakita ang mala langit niyang mga mata. Ngumiti ako at tumayo sa dulo ng aking mga paa. Inabot ko ang labi niya at di naman nagtagal, agad kong na ramdaman ang mga braso niya sa akin. Bigla niya akong binuhat at napa sigaw naman ako dahil sa gulat. Nagsimula na siyang maglakad at para kaming mga bata dahil sa mga tawa naming dalawa. Agad namang yumuko ang mga puting nilalang sa daan namin at nagpatuloy kami sa kasiyahan at sabik sa aming dalawa.
Agad niya akong kinulong sa mga braso niya sa oras na naka pasok na kami sa aming silid. Ang mga halik niya ay puno ng sabik na tumutunaw sa kalungkotan sa puso ko. Dahan dahan niyang hinawakan ang likod ko at hinila ang tali sa damit ko. Di ko rin na pigilan ang sabik ko at agad na tinanggal ang harang sa kanyang katawan.
Ramdam ko ulit ang mga halik niya sa balikat ko at parang na wala lang bigla ang kaluluwa ko dahil sa kislap naming dalawa. Hiniga niya ako sa malambot na kama at agad namang uminit ang katawan ko dahil sa kamay niyang nasa katawan ko. Ramdam ko na siya sa baba at parang umaapaw na ang sabik sa akin ngayon. Hinalikan niya ako sa leeg at ramdam kong pababa ng pababa ang mga labi niya. Nagulat nalang ako bigla nung bigla niya akong binuhat at pinadapa. Ramdam ko ang init ng katawan niya sa likod ko at kusa namang umangat ang katawan ko para maramdaman pa siya lalo. Tumindig naman ang balahibo ko nung hinahalikan niya ang likod ko at ang mga kamay niya sa harapan ko ay parang nakakabaliw lang. At di naman nagtagal, ramdam ko na siya sa loob. Panibagong kislap ang nararamdaman ko ngayon, dahil sa mga ginagawa niya. Napahawak naman ako sa higaan dahil sa bilis ng pagmamahal niya.
BINABASA MO ANG
CORRA (Destined to the Dragon)
FantasyBigla kong na ramdaman ang mainit niyang dila at na gulat nung ramdam ko ulit ang kislap. Dinilaan niya ang mga sugat sa kamay ko at binti at matapos nun, hinila niya ako palapit. Ano ba ang ginagawa ng dragong ito?? At bakit ko ba na raramdaman ang...