ⓒ All rights reserved for Corra (Destined to the Dragon). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.
ENJOY!!
Zorix's POV
Buong araw akong naglalakbay at dala-dala ko ang pinakamabilis na kabayo sa puting kaharian. Ayun sa mapang dala ko tatlong milya nalang ang natitira para makarating ako sa dulo ng puting kaharian. Unang lugar na tatahakin ko ngayon ay ang kahariang Phemisis. Isa parin sila sa mga nilalang na may malaking galit sa itim na hari. Kahit alam ng lahat na takot ang hari nila sa itim na hari dahil sa hindi nila maipaliwanag na dahilan, ang mga nilalang parin sa kahariang ito ay hindi kasing hangal ng hari nila. Ang mga taong lobo at mga nilalang sa tubig ay naging kasama namin sa laban noon. Hindi parin nila matiis ang kagustohan ng itim na hari na sakupin ang puting nilalang at ang hindi sumunod sa kanya ay papatayin niya.
Isa mang walang pasensya ang mga nilalang na tatahakin ko, pero alam ko magiging malaking halaga ito sa aming lahat. Tatlong nilalang ang kasama ko at naghiwalay-hiwalay kami para mapadali ang misyon namin. Mga lobo ng asul na buwan sa bundok Dheal, mga nilalang sa tubig sa karagatan ng Meelahsi, at lahat ng to ay sa kahariang Phemisis ang kaharian ng buhay at kalikasan, mga nekromanser sa bundok Malyon at mga taong buhangin sa disyerto ng Maul lahat ito sa kahariang Flierion, ang kaharian ng buhangin at pagdurusa.
Lahat ng ito ay mga nilalang na pumanig sa amin noon sa digmaan. Hindi man halos lahat pero sapat na para tapatan ang mga nilalang na pumanig rin sa kasamaan noon. Pero hindi lahat ay kusa silang pumanig sa itim na hari, nalaman namin na nagkaroon ng mga kasunduan ang itim na hari at ng ibang hari ng kaharian. Tanging ang diyos lang ang nakakaalam ng kasunduang yun dahil sa palagay namin, isang malaking pangako ang binitawan ng itim na hari para pumayag sila.
Nakikita ko na ang dulo ng puting kaharian. Dahil may na kikita na akong berdeng mga alapaap sa likod ng mga nyebe sa harapan. Sa wakas! Magiging normal na ang hangin sa paligid ko. Kahit isang apoy ang aking kapangyarihan, hindi parin kakayanin ng ordinaryong nilalang lang ang lamig ng puting kaharian. Tanging si prinsipe Liro lang ata ang hindi mamamatay sa lamig ng lugar na ito. Isa parin siyang dugong bughaw, napakalakas parin ng dugo niya bilang isang dragon.
Sa oras na lumagpas ako sa puting kaharihan, agad naman akong binati ng berdeng kagubatan. Na alala ko ang lugar na dapat kong tahakin, dahil rin sa bilis ng kabayo ko hindi ko na kaylangan pang umakyat ng bundok para magkaroon ng mabilis na daan. Sampung minutong pahinga at agad akong bumalik sa daan para hindi ako abutan ng gabi. Bago ako nagpatuloy, sinunog ko muna ang makapal kong suot para hindi ako mahirapang makipaglaban at para hindi maghinala ang mga nilalang dito dahil sa kakaiba kong damit.
Parang nagbibilang lang ako ng sampo dahil sa bilis ng pagdating ko sa teretoryo ng asul na buwan. Na aamoy ko na ang kakaibang amoy sa paligid at alam kong sa likod ng mga puno sa harapan ko ay ang teretoryo na ng mga taong lobo. Bumaba na ako sa aking kabayo at pansin ko ang kakaibang galaw nito na parang may na raramdaman siyang nagmamasid. Na aamoy ko na ang pamilyar na mga amoy ng mga taong lobo, parang mga asong na basa sa mundong mortal.
Tanging kwago lang ng gabi ang maingay sa kagubatang ito at pansin ko ang lumulubog na araw sa likod ng mga puno sa harapan. May na ririnig na akong mga apak ng paa sa lupa at mga na baling sanga, at agad ko namang hinawakan ng mahigpit ang sandata ko. Isang mabilis na bagay ang biglang parating sa akin, at agad ko namang winasak ito sa harapan ko at nakita ang nasirang palaso. Nagwawala na ang kabayong dala ko at agad ko namang hinila ang tali niya. May na ririnig na akong mga angil ng mga halimaw at sigurado na akong malapit lang sila sa akin. Isang lobo ang mabilis na tumalon sa akin sa likod at dahil rin sa bilis ko, agad akong umilag at sinugatan ito gamit ng sandata ko.
BINABASA MO ANG
CORRA (Destined to the Dragon)
FantasyBigla kong na ramdaman ang mainit niyang dila at na gulat nung ramdam ko ulit ang kislap. Dinilaan niya ang mga sugat sa kamay ko at binti at matapos nun, hinila niya ako palapit. Ano ba ang ginagawa ng dragong ito?? At bakit ko ba na raramdaman ang...