ⓒ All rights reserved for Corra (Destined to the Dragon). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.
ENJOY!!
Unang gabi namin sa bundok ng Makhil, tulog na tulog na si ina at si Eros dahil sa pagod ng paglalakbay namin. Isa ngang kamatayan ang paglalakbay na ito dahil sa taas ng bundok na ito. Pero parang naglaho ang dugong mortal ko pagkatapos ng lahat, dahil tumatagal ang katawan ko bago ako maka ramdam ng pagod.
Nasa gilid ko si Ama at nagdesisyon akong kausapin siya sa mga bagay bagay. Isa parin siyang puting nilalang sa palasyo noon.
"Kaya ko bang gawing yelo ang apoy?" Biglang tanong ko sa kanya. Rining ko ang tawa niya at napa tingin naman ako nun.
"Ang isang ordinaryong nilalang sa puting kaharian ay nagtataglay ng yelong kapangyarihan. Pero ang mga dugong bughaw ay nagtataglay ng mas malakas pa sa yelo."
"Ito ay ang kapangyarihang kristal, tama ba?"
"Oo tama ka Corra. Pero dahil sa dugong dumadaloy sayo, maaari mo ring gawing yelo ang lahat." Nanlaki naman ang mga mata ko nung nakita ko ang kamay ni ama na gumagawa ng yelo. At di naman nagtagal, ang apoy sa harapan ay nawala at napalitan ng bakas ng yelo.
Nagulat ako bigla dahil bumalik ulit ang apoy at nakita ko si Liro na naka tingin. Tiningnan ko siya ng masama at kita ko rin ang maliit niyang ngiti.
"Subukan mo Corra. Gawin mong yelo ang apoy sa harapan."
Tumango ako sa kanya at hinanda ang sarili. Humugot ako ng lakas sa loob ko at ramdam ko na ang kakaibang lakas na lumalabas sa kamay ko. Pero minuto ang dumaan, ni isang yelo ay hindi ko naipalabas.
Inulit ko ito at ngayon, ginamit ko na ang lakas ng liwanag. Ang konsintrason na ginagawa ko kapag pinapalabas ko ang kapangyarihan ng liwanag. Nakikita ko na ang pagbuo ng yelo sa kamay ko at dahan dahan itong pumunta sa apoy sa harapan ko. At sa oras na dumikit ang kapangyarihan ko sa apoy, isang nakakagulat na bagay ang ngyari.
Nanatili ang apoy sa harapan pero hindi kulay pula ito, dahil sa kapangyarihan ko naging puti ang apoy sa harapan.
"Puting apoy?" Gulat na salita ni ama.
Kita kong lumalapit si Zorix at Liro dahil sa apoy na nasa harapan namin ngayon. Ngayon ko lang ito nakita sa buong buhay ko! Inilapit ni Zorix ang kamay niya para hawakan ang puting apoy sa harapan pero nagulat kami nung bigla niyang hinablot ito dahil sa sakit.
"Anong klaseng apoy yan?! Isa parin akong itim na nilalang at kapangyarihan ko ay apoy, pero ang nasa harapan natin ngayon ay kakaiba!" Sabi niya habang tinitingnan ang kamay niyang na sunog.
BINABASA MO ANG
CORRA (Destined to the Dragon)
FantasyBigla kong na ramdaman ang mainit niyang dila at na gulat nung ramdam ko ulit ang kislap. Dinilaan niya ang mga sugat sa kamay ko at binti at matapos nun, hinila niya ako palapit. Ano ba ang ginagawa ng dragong ito?? At bakit ko ba na raramdaman ang...