~•○ 32 Tagumpay ○•~

1.7K 83 2
                                    

All rights reserved for Corra (Destined to the Dragon). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

ENJOY!!

Ramdam ko ang sakit sa paa ko pero hindi ko ito pinansin at sinikap na itulak ang malaking pader na bumagsak sa amin. Ramdam ko na ang paggalaw ng bagay sa likod ko at napa pikit dahil sa sakit na dala nito. Di naman nag tagal, nawala ang kadiliman at na palitan ng liwanag ng paligid. Agad kong nakita si ama at agad kong binigay sa kanya ang batang niyayakap ko.

Nagawa ko siyang protektahan gamit ng kapangyarihan ko. At agad naman nawala ang takot sa puso ko. Ginawa kong harang ang yelo at mabuti naman at gumana ang naisip ko. Hinila na rin ako ni ama at pansin ko ang galit sa mukha niya matapos niya akong tingnan kung ayos lang ako.

"Ano bang ginagawa mo Corra?! Pinapahamak mo ang sarili mo!" Galit na sabi niya.

"Kaylangan kong tumulong ama! Ang laban ng kahariang ito ay magiging laban ko rin!" Sabi ko rin at di naman nagtagal, nagbuntong hininga siya. "Kaylangan nating ipalabas ang mga puting nilalang sa lugar na ito, hindi pwedeng manatili sila sa mga ngyayari ngayon."

Agad naman siyang tumango nun at nagsimula ng tulongan ang mga puting nilalang. Naka tayo lang ako at parang hindi ako maka galaw dahil sa mga nakikita ko ngayon. Iilan sa mga gusali sa kaharian ay na susunog na at pansin ko rin ang mga na wasak na parte ng malaking palasyo. Dahil sa araw na nasa taas na ngayon, kitang kita na ng mga mata ko ang digmaang ngyayari sa buong kaharian. Sinisira ng digmaang ito ang kagandahan ng kaharian! Gusto ko ng matapos ang lahat ng ito! Hindi ko na kaya ang mga na kikita ko, pero pano ko ito tataposina?!

Isang bagay ang biglang pumasok sa isip ko at bigla akong nanigas nito.

"Kaylangang patumbahin ang pinuno ng mga sundalong itim." Na alala ko ang mga ngyari noon sa digmaan, kung saan matapang na sinakripisyo ng prinsesa ang buhay niya.

Dahil sa digmaang ito, parang na ulit lang ang ngyari noon! Pero isang pangako ang binigay ko sa prinsesa, sa kapatid ko. Na kaylangan kong manatiling buhay pagkatapos nito. Hinigpitan ko naman ang pagkahawak ko sa pana ko at naghanda na. Kaylangan kong gamitin ang kapangyarihan ng pana, ang kapangyarihan ng liwanag. Hindi ko pa man na susubukan ang kapangyarihan nito pero kaylangan ko, para matapos na ang lahat ng ito.

Huminga ako ng malalim at hinanda ang palaso sa pana ko. Ni ramdam ko ang kapangyarihan nito at inilagay lahat sa palaso. Ngayon ko lang ito na ramdaman, ang kapangyarihan nito ay parang humahalo sa bawat dugo ko sa katawan. Kita ko ang pagbuo ng mga kristal sa talim ng palaso ko at lumiwanag ito na parang isang kristal sa langit. Agad namang lumaki ang sabik sa akin. Nung na hanap ko na ang pagkakataon, agad ko naman itong pinakawalan at tumungo sa dragon na nilalabanan ni Liro.

Tumama ito sa pakpak ng kalaban ni Liro at ang kristal na talim nito ay kumalat sa palpak niya. Dahil dito, na hihirapan na siyang lumipad. Nanlaki naman ang mga mata ko nung bigla siyang lumingon sa dereksyon ko at nagtugma ang mga mata namin. Kita ko ang galit sa mga mata niya at agad naman siyang lumipad papunta sa akin.

Agad akong tumakbo nun at nakita ko rin si Liro na lumipad para habulin ang dragon. Biglang dumikit ang malas sa akin at na tumba ako dahil sa isang bato. Palapit ng palapit siya sa akin at nakita ko ang paglabas ng apoy sa kanyang bibig, pero ang mabilis na puso ko ang nagsagip sa akin. Agad akong nagpalabas ng kapangyarihan at gumawa ng kristal na harang sa harapan. Ramdam ko na ang init ng apoy ng dragon at napapaatras ako dahil sa lakas nito. Ang lakas niya! Pero na wala ito bigla dahil kay Liro. Kinagat ni Liro ang balikan nito at tinapon siya sa isang malaking puno. Agad na pumunta si Liro sa harapan ko at sumigaw ito ng malakas.

CORRA (Destined to the Dragon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon