ⓒ All rights reserved for Corra (Destined to the Dragon). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.
ENJOY!!
"ISANG BUWAN?! ISANG BUWAN NA AKONG NA WAWALA?!" Sigaw ko kay Liro na nagulat dahil sa biglaang pagsabog ko.
Bigla nalang nagsialisan ang hangin sa paligid tila na hihirapan na akong huminga. Napa hawak ako sa ulo ko dahil parang puputok na ito dahil sa sinabi niya.
"Huminahon ka, Corra. Huminahon ka pakiusap." Biglang dating niya sa gilid ko. Tinulak ko naman siya agad at sumigaw pa lalo.
Pano ng yaring isang buwan na akong na wawala? Sa pagkakaalam ko, kahapon lang ako nasa kagubatan kumukuha ng mga baya at prutas!
Nabaliw na ata si Inay ng kakahanap sa akin! Alam kong sobrang nag-aalala na siya sa akin at ang kapatid ko. Nako naman ohh!
"Kaylangan ko ng bumalik! Kaylangan ko ng umuwi at ngayon din!" Sigaw ko sa kanya.
Kumunot ang noo niya tila na lito sa sinabi ko pero ang galit kong mukha ang nag bigay ng ideya sa kanya. Kita ko ang galit na bumubuo sa kanya at dahil rin sa galit ko, wala akong pakialam nun.
"Hindi pwede!" Lumaki ang mga mata ko sa galit dahil sa sagot niya.
"Sino ka para pagdesisyonan ang pagbalik ko ahh?!"
"Ako ang kabiyak mo at akin ka lang! Sa ayaw mo't sa hindi ikaw ang magiging ina ng mga anak ko at wala ka ng magagawa dun! Dito ka lang sa tabi ko dahil ito na ang magiging trabaho mo bilang kabiyak ko! Ang kaligtasan mo ang mauuna sa lahat kaya hindi pwedeng umalis ka!"
(O__O) Ano ba ang pinagsasabi ng baliw na ito?!
Oo alam ko ang gwapo gwapo niya at lahat lahat na. Pero para sabihin ang mga kawirdohang bagay katulad ng pagiging ina ng mga anak niya?! Baliw ba siya?! Ni hindi pa nga ako nakakahalik sa buong buhay ko, magiging ina pa kaya?!
Sa pagkakaalam ko ang kabiyak ay isang kahati mo sa lahat. Ang pupuno ng kulang ng buhay mo at kokompleto ng biyaya ng diyos at yun ay ang tinatawag nilang pag-ibig. Pero ang lalakeng nasa harapan ko ay nagiging makasarili! Lahat ng sinasabi niya ay ayun sa kagustohan niya, pero tinanong niya ba ang gusto ko kung totoo ko nga siyang kabiyak?!
Alam kong pulang pula na ako ngayon dahil sa galit. Ngayon lang ata ako nagalit ng ganito sa buong buhay ko. Pero ang hindi ko maintindihan sa sarili ko, alam ko na mawawala rin ito mamaya dahil pinapalitan ito ng kakaibang kislap.
Pero hindi ko talaga ugaling magalit. Lalo na sa hindi ko pa gaanong kakilala. Kinain ko naman ang pagmamatigas ko at tumalikod sa kanya. Naglakad ako palabas sa kweba at umupo sa isang bato sa kaliwang bahagi ng lugar. Hindi ko kinayanan ang mga bagay bagay na dumagsa sa utak ko nun. Binaon ko ang mukha ko sa mga tuhod kong naka taas at napa luha dahil sa kakaibang bagay sa dibdib ko.
Ano ba tong ka wirdohang ng yayari ngayon? Bakit ba nag-iba bigla ang daloy ng buhay ko? At bakit ba na sama ako sa parusa ng tadhana sa kalawakan?
Kaylangan kong malaman ang katayuan nila inay. Kaylangan ko silang makita at maka usap, lalo na't isang buwan na pala akong na wawala. Napa sakim niya talaga para sabihing hindi ako pwedeng umuwi! Sino ba siya sa inaakala niya?! At isa pa, wala akong pakialam sa letcheng kabiyak na yan!
BINABASA MO ANG
CORRA (Destined to the Dragon)
FantasyBigla kong na ramdaman ang mainit niyang dila at na gulat nung ramdam ko ulit ang kislap. Dinilaan niya ang mga sugat sa kamay ko at binti at matapos nun, hinila niya ako palapit. Ano ba ang ginagawa ng dragong ito?? At bakit ko ba na raramdaman ang...